Alam ni Verona na hindi siya mag-aasawa. Kung talagang mahal niya ang isang lalaki, alam niya sa sarili niya na hindi niya kakayaning ilagay ito sa panganib. Dahil sa sumpa sa kanilang pamilya, hindi siya pwedeng ma-inlove. Hindi niya maaaring mahalin ng tuluyan si Kentdro dahil para na rin niya itong inihatid sa libingan nito. Pero dahil alam niyang kailanman ay hindi sila puwedeng magsama ng binata, she wants something from him. At iyon ay isang gabi sa piling nito.