7

170 11 3
                                    


Nakatitig pa rin si Erik sa larawan ng kanyang lolo. Naaalala niya pa ito. Noong bata siya, pakiramdam niya higante ang lolo niya. Malaking lalaki ito sa taas na lampas ng six feet. 



Maskulado rin ito at lagi siyang kinakarga at pinasasakay sa mga balikat nito. By the time he was fifteen, magkasing-tangkad na sila ng matanda pero sa kanyang paningin, higante pa rin ito.


His grandfather was a quiet man. Tahimik lamang itong magsalita pero kapag nagsimula na ito, nakikinig ang lahat. He also commanded respect. Halata iyon sa kung paano ito pakitunguhan ng mahabang linya ng mga opisyal at marine na nakilala ni Erik noong kabataan niya. Lahat ng mga iyon ay may kwento sa katapangan at kabayanihan ni Captain Engle noon at ng iba pang mga ginawa nito hanggang sa tuluyan na itong magretiro bilang kapitan.



Siya ang kasa-kasama ng matanda dahil sila ang nakatira malapit sa bahay ni Lolo Kenneth. Nais niyang sumunod sa yapak nito pero sa huli, pagiging architect talaga ang gusto niya. Hindi siya pinigilan ng matanda, sa halip, in-encourage pa siya nito.


He died when Erik was nineteen. At naaalala pa niya ang huling salitang ibinulong ng matanda bago ito nalagutan ng hininga.



"Eoncia," aniya bago sinulyapan si Ron. "Siya ba si Eoncia?"


Tumango ito. "Eoncia daw ang nickname ni Lola noong bata pa siya." sabi nito. "Pero mula nang matapos ang giyera, hindi na raw niya ginagamit ang pangalan na yon. Pano mo nalaman?"



Muli nilang binalingan ang larawan. Magkatabi lamang ang dalawa sa gitna ng isang grupo ng mga sundalo at mga medical personnel. Ni hindi nagdidikit ang mga balikat ng dalawa. Pero alam ni Erik na ito ang 'Eoncia' ng kanyang Grandpa.



"Noong teenager ako, siya ang unang nakaalam na may girlfriend na ako. Close kaming dalawa, kaya siya ang una kong sinabihan. Tahimik siya noon. Akala ko malungkot siya, then he told me about his first heartache bago pa raw niya nakilala ang lola ko. He said her name was Eoncia and that he met her in Corregidor. And that she broke his heart."



Nakadama siya ng maliit na kirot sa kanyang dibdib at muli niyang binalingan si Ron. Halos makita niyang gumana ang utak nito at halos maramdaman din niya ang pagkalat ng pag-aalala sa puso nito. Inabot niya ang kamay ng dalaga. Malamig iyon. Nararamdaman din niya ang panlalamig ng katawan nito.



"Ron, bakit?"



"Wala siyang sinabi sakin noong nabubuhay pa siya." Sinulyapan nito ang librong binabasa. "Wala ring binanggit si Lola Veoncia sa diary niya tungkol sa lolo mo."



Hindi siya dapat magalit para sa kanyang lolo pero nakadama siya ng pagkainis doon. Unfair iyon. Sa kahuli-hulihang sandali ng buhay ng kanyang lolo, pangalan ng isang babaeng ni hindi pala nagpahalaga rito ang ibinulong nito.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon