6

171 12 0
                                    


It had been a week at araw-araw silang tumatambay sa Europa para tapusin ang project ni Ron. Balak nila iyong ulitin sa ikalawang branch pero sa ngayon, magkatulong nilang tinatapos kulayan ang maliit na mural na tumatakbo palibot ng tindahan.



Nakaupo na sila sa tuktok ng mababang scaffolding na dali-daling ginawa ng mga tauhan nila para kay Verona nang malaman ng mga ito ang balak ng dalaga.



Parang batang bago pa lamang natutong gumamit ng krayola si Erik habang ingat na ingat na kinukulayan ng dilaw na pintura ang loob ng isang bituin. Sa tabi niya, kulay pink naman ang gamit ni Ron para sa palda ng isang maliit na prinsesang may ka-nose-to-nose na prinsipe.



Tapos na siya sa kanyang bituin at pinanonood na lamang ang dalagang tila walang kapaguran sa pagpipinta. At nang mapuno ng kulay ang palda ng prinsesa, ibinaba nito ang paintbrush at nakangising bumaling sa kanya.



"I think tapos na siya."



Sinundan nila ng tingin ang mahabang mural. Bawat larawan ay datalyado at iginuhit at ipininta ng kanilang mga kamay.



Nagdisenyo si Erik ng mga gusali sa gaya ng Twin Tower (*wink*wink*bakla) at gumawa siya ng mga bahay na na-feature sa mga sikat na magazines sa America pero parang ngayon lang siya nakadama ng ganitong klaseng pride sa trabaho niya, sa isang mahabang mural siya sa isang maliit na boutique.



"Uulitin natin 'to sa pangalawang branch?" tanong niya habang pinupunasan ang kamay na namarkahan ng tatlo yatang klase ng kulay.



"Oo. Kaya mo pa?"



"Oo naman." sabi niya. "Nag-iisip na nga ako ng mga bagong fairytale creatures."



"Actually, mythology ang naisip ko para doon." sabi nito na tinanggap ang iniabot niya ritong basahan. Pinunasan nito ang kamay habang pinagmamasdan pa rin ang kanilang art work.



Nanatili siyang nakatingin dito. Araw-araw niya itong kasama. Araw-araw niyang pinapanood kung paano nito pakisamahan ang mga tauhan nito, kung paano nito kamustahin ang mga asawa at anak ng mga trabahador. Pinanood niya kung paano ito ngumiti, kung paano ito makipagkwentuhan at makipagtawanan. Sanay na siya sa itsura nito, sa ayos nito..



Dahil doon, hindi ba dapat nagiging ordinaryo na sa kanya ang dalaga? Kung gayon, paanong sa loob ng isang linggo, tumingkad ng ganito ang kagandahan ni Ron? At hindi niya lubos na maisip kung bakit noong una ay naisip niyang hindi ito kasing-ganda ng mga kapatid nito.



And he wanted her. Fiercely. It has been a slow, constant burn. Mula nang makapag-usap sila at humingi ng paumanhin sa isa't-isa, nagsimula nang kumalat ang apoy sa katawan niya. Naging laman ng isip niya ang dalaga, at oras-oras, mas nadaragdagan ang atraksyon niya rito hanggang sa nakita na lamang niya ang sarili na halos obsessed na rito. Na parang physical na hapdi na sa kanya ang hindi ito makita. He had to grit his teeth or he'd grab her.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon