9

143 10 0
                                    


Nadarama pa rin ni Verona ang mga halik at haplos ni Erik nang muli siyang magising pagkaalis nito. Maliban sa malamlam na ilaw na nagmumula sa poste sa labas, madilim ang kanyang silid. Inabot niya ang cell phone at nakitang lampas isang oras pa lamang siyang nakakatulog. May text message din si Erik na nagsasabing mga alas nueve na siguro ito makakabalik.


Napangiti siya bago muling ipinatong ang phone sa mesa sa tabi ng kama. Nag-inat siya at nadama ang iba't-ibang kirot sa kanyang katawan. Pilya niya iyong binilang. Bawat hapdi at kirot dahil kay Erik.


Bumangon siya at nagtungo sa banyo para mag shower. May isang oras a siya para paghandaan ang pagbalik ng nobyo. Kinilig siya sa naisip.


Ang kanyang nobyo.


"Nobyo." mahina niyang sambit.


Masarap palang pakinggan.


Matapos mag shower, nagpahid siya ng body butter sa buong katawan bago nagbihis. Nagtungo rin siya sa kama para palitan ang bedsheet na namantsahan nang isuko niya ang bataan kay Erik.


Nang maayos na ang bagong bedsheets, naupo siya roon na malaki ang ngiti. Masaya lang talaga siya.


Nang balingan niyang muli ang sidetable para abutin ang kanyang cellphone, napansin niyang muli ang singsing ng isa sa kanyang mga lola. Kinuha niya iyon at pinagmasdan. Sino kaya sa mga lola niya ang may-ari ng singsing?


'Eh bat di mo itanong kay Ate Paris?' natatawa niyang tanong sa sarili bago isinilid ang singsing sa daliri.


Hindi pa niya iyon naisusuot nang tuluyan nang magbago ang kapaligiran.


Napasinghap siya at biglang napatayo nang parang panaginip na nalusaw ang kanyang silid. Napalitan ng libu-libong bituin sa kalangitan ang kanyang kisame. Napalitan ng damo ang kanyang sahid. Nawala ang mga pader ng kanyang kwarto hanggang sa ang natatanaw na lamang niya ay ang kadiliman ng gabi hanggang sa dako kung saan hinahalikan ng langit ang dagat.



"Babalik kayo dito." sabi ng isang tinig mula sa kanyang likuran at mabilis siyang bumaling doon.


Nakita niya si Aymi. Madilim at puno ng galit ang ekspresyon nito sa mukha.


"Nasaan tayo?" tanong niya.


Nararamdaman niya ang malamig na hangin at nadidinig ang hampas ng alon sa batuhan sa ibaba ng bangin kung saan sila nakatayo. Naaamoy niya ang paparating na ulan. Gayunpaman, hindi iyon totoo. Hindi iyon panaginip dahil alam ni Ron na gising siya. Ang maaari na lamang na dahilan ay nasa loob siya ng isip ni Aymi.


Nagningas ang mga mata nito. "Hindi mo ba nakikilala ang lugar kung saan nyo pinatay ang lola ko?"


Nagmasid si Ron. Saka niya nakilala ang lugar. Isa iyon sa matataas na punto ng isla ng Siquijor na malapit sa dagat,

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon