1

272 8 0
                                    


Nagmulat ng mga mata si Verona Geline Acosta at kumunot ang kanyang noo nang makita ang mga bituin sa kalangitan imbis na kisame ng kanyang silid. Napabalikwas siya at pabaling-baling na tiningnan ang paligid. Inabot din ng ilang segundo ang kanyang pagod at puyat na utak bago niya nakilala ang hardin sa likod-bahay.

Naupo siya at pinagpagan ang mga braso kung saan dumikit ang mga damo. Basa ng hamog ang likod niya. Mukhang ag-sleepwalk na naman siya. Mabuti na lang at hindi siya lumabas ng gate.

Noong bata siya, sa kalye na siya naaabutan ng kanyang lola nang minsang maglakas siya ng tulog. Wala siyang naaalala sa ginagawa niya maliban sa mga pira-pirasong imahe ng mga panaginip niya habang naglalakad. Minsan may tumatawag sa kanya, nag-aanyaya na sumunod siya. Minsan may tinatakbuhan siya.

Tumayo siya at nagtungo sa bukas na pinto ng kusina. Walang ilaw sa ibaba ng kanilang bahay. Kumukurap ang oras sa kanilang microwave oven. Eksaktong alas tres ng madaling araw yon sa matingkad na berdeng digital numbers.

Witching hour, isip niya. Iyong oras kung kailan lumalabas daw ang mga multo at kung kailan mas mabisa ang kapangyarihan ng mga mangkukulam. Kinusot niya ang kanyang mga mata.

Isinara niya at ini-lock ang pinto ng kusina bago umakyat ng hagdan patungo sa kanyang silid. Tahimik ang buong bahay. Nasa kani-kanyang silid ang kanyang mga kapatid. Doon din natulog nang gabing iyon ang kanyang Kuya Ynoh at Kuya Rome.

Alam niyang gusto iyon ng kanyang mga ate nang sa gayon ay mas mabantayan nang maigi ang lalaking mahal ng mga ito. Gusto naman nina Ynoh at Rome dahil sa isip ng dalawa, sila ang nagbabantay sa mga Ate nya.

Isang linggo pa lamang ang nakalilipas nang masunog ang kanilang boutique--- ang Europa. Hindi na yata naubos ang nakalista sa To-do-list niya, mula sa pagpunta ng Quiapo para bumili ng mga supplies hanggang sa paunti-unting muling pagbuo ng mga accessories na pansamantala nilang binebenta online habang hindi pa muling narerenovate ang unang branch ng shop nila at hindi pa nasisimulan ang ikalawa. Madalas din silang kausapin ng pulis at mga imbestigador tungkol sa pagsabog ng tindahan.

Si Aymi, ang babaeng binigyan ng kanyang Ate Syd ng trabaho. Ito ang may pakana ng lahat, Hindi niya alam kung bakit hindi niya kaagad nakitaan ng masamang motibo ang babae. Siya na empath at telepath sa kanilang pamilya. Huli na ang lahat nang mabasa niya ang kadiliman sa kaluluwa nito.

Pumasok siya sa kanyang silid at itinulak pasara ang sliding lock sa kanyang pinto. Kailangan yata niya muling gamitin iyon gabi-gabi. Kung sakaling mag-sleepwalk siyang muli, mas mahihirapang iproseso ng kanyang tulog na utak na alisin ang lock na iyon kaysa sa kung lock lang ng doorknob ang gagamiting niya.

Nagshower siya at nagpalit ng damit bago bumalik sa kama. Papatayin na sana niya ang ilaw nang mapansin ang singsing ng isa sa kanyang mga lola sa ibabaw ng side table. Inabot niya iyon at pinagmasdan ang simpleng disenyo. Ginto iyon na may isang matingkad na asul na sapphire na napapagitnaan ng dalawang maliliit na diamante.

Isinilid niya sa isa niyang daliri ang singsing at napangiti dahil kasyang-kasya iyon sa kanya. Parang isinukat.

Pero alam ni Ron na hindi siya mag-aasawa. Kung talagang mahal niya ang isang lalaki, alam niya sa sarili niya na hindi niya kakayaning ilagay ito sa panganib, Malaki ang respeto niya sa katapangan ng kanyang mga ate at kuya pero hindi siya ganoon.

Isa pa, hindi siya iyong tipo ng babae na nakikita ng isang lalaki na makakasama nito habambuhay. Kadalasan, kilala siya bilang isa sa mga Acosta o kapatid ni Paris o ni Sydney o ni Victoria. Siya iyong pinakikiusapan ng lalaki na iabot ang bulaklak sa isa sa mga ate niya o ireto ang mga ito sa bunso nila.

Stay With MeWhere stories live. Discover now