Chapter 4

271 9 0
                                    

        Na pag kasunduan na lang nila na itreat ng dinner si Sidrick kinagabihan ng araw na iyon. Reward daw ng mga kaibigan niyang sinisi yata ang mga sarili sa nangyari  kay Kimberly kagabi. Naisip ng mga ito na kung hindi nila iniwan ang dalagang mag-isa ay hindi sana ito muntik ng mapahamak. At in addition to that ay pag-uusapan din nila ang pagharap nila kay Blast.

            Nasa loob sila ng Groove’s Diner at hinihintay na ang lalaki. Mukhang tensiyonado na sina Jean at Marie sa pagdating ni Sidrick at napansin niyang naglagay ng manipis na lipstick si Marie na hindi naman nito ginagawa dati.

            Kinakabahan na rin si Kim sa hindi niya malaman na dahilan. She felt nervous and excited sa kaalamang darating ang binata ngayon. Yes alam na niya ang background ng binata mula na rin sa ever resourceful friend niyang si John. At mas lalo siyang humanga sa mga natuklasan niya dito lalo at nagsikap pala ito sa buhay dahil na rin sa mga pagsubok na dumating rito.

            Sabay pa silang napapalingon kapag bumubukas ang sliding door ng resto. Ilang sandali pa ay namataan na niya ang lalaki. Pagpasok nito sa loob ay di sinsadyang natuon agad ang chinitong mata nito sa kanya. Binigyan siya nito ng ngiti na lalong nagpapogi rito.

            “Here he comes the fafable Sid of my life,’’ mahinang sabi ni John sa kanila na halata ang excitement sa boses. Tumayo pa ito para salubungin ang binata. “Hi there Sid.”

            Kinamayan nito si John na dali-daling tinanggap ng binabae niyang kaibigan. “Sorry if I’ve kept you all waiting. May importante kasi akong ka meeting that I cannot cancel and ang traffic pa papunta rito. Kanina pa ba kayo?’’

            Sabay-sabay silang napangiti rito. “No its ok kadarating lang din naman namin eh” sagot ni Ferlyn.

            “Buti naman kung ganon,’’ apologetic ang mukha ni Sid ng humarap kay Kim. “Hi Kim. How are you? Musta na nga pala yung sprain?”

            Napangiti si Kim rito. “Salamat sayo at hindi siya namaga. Pasensiya ka na ha at mukhang busy ka pa naman eh pinapunta ka pa namin dito.”

            “Would you like to introduce us to him sissy?’’ singit ni Hazel sa usapan nila.

            “Oh! Nasaan na ba ang manners ko. Guys, this is Sidrick Sebastian from our campus din as you all know. And these are my friends; This is Hazel Prieto, Mass Com. Student. This is Ferlyn Perez na kasama ko sa course ko and Marie at John este Jean, which is from your department,’’ pakilala ni Kimberly habang isa-isang nakipagkamay si Sid sa mga kaibigan.

            “So you are really good-looking in person. Akala ko eh masyadong exaggerating ang mga naririnig ko tungkol sayo,” hindi napigilang komento ni Ferlyn na bahagyang tiningnan si Marie. Napayuko naman ito.

            “Nakakahiya naman. But thanks for the complement kahit wala pa naman akong naririnig na mga ganyan maliban sa mga sinasabi nitong si Jean,’’ bahagya pang namula ang pisngi ng binata at tinapik si John na nasa tabi nito. “But Im glad to know you all, honestly wala naman akong masyadong kaibigan sa campus na taga ibang department eh. Im happy to know you all and thanks for inviting me.”

            “Well this is our way of showing to you how greatful we are na nandoon ka para iligtas ang kaibigan namin. I just can’t imagine what will happen to her kung wala ka doon,” matapat na pahayag ni Hazel. “Oo nga pala, may inihanda na pala kaming pagkain. Pero kung me gusto ka pang kainin just choose. It’s our treat.”

            “Okey na sakin ang lahat ng ito. Hindi naman ako pihikan sa pagkain eh,’’ nakangiting sagot ni Sid at tiningnan pa si Kimberly.

ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY WAYDär berättelser lever. Upptäck nu