Chapter 10

300 9 1
                                    

        Magdadalawang linggo na magmula ng dumalaw sila sa bahay ni Sidrick sa Tagaytay. Magmula noon ay wala na atang araw na hindi dumadalaw si Sid sa kanila. Nalaman na rin nito kung saan siya nakatira na inamin nito sa kanya na matagal na nitong alam. Labis-labis ang ginagawa nitong pangliligaw at kahit ang kuya at Daddy niya ay nagtatanong kung kelan niya balak sagutin ang binata.

            Napag-usapan na rin nila na kelangan muna nilang ayusin ang tungkol kay Marie bago sila pumunta sa susunod na level ng kanilang relasyon. Sinabi kasi niya kay Sidrick ang kondisyon ni Marie na makikipagbati lang ito kung hindi niya sasagutin ang binata sakaling mangligaw ito.

            Hiningi na rin ni Kim ang tulong ng mga kaibigan. Dalawang linggo na rin lang at magtatapos na sila. Naisip niyang baka lalo lang hindi sila maayos oras na magtrabaho na sila.

            Nang araw na yun ay magkasama sina Kim, Ferlyn at Jean na kumakain.

            ‘’Bruha ka, bakit ngayon mo lang itsinika sa amin na matagal na palang magkakilala ang mga father ninyo ni Sid,’’ tanong ni Jean sa kanya.

            ‘’Two weeks ago ko lang din naman nalaman na magkakilala pala sila eh. Tito Sunny used to be one of our employees noon. Alam naman ninyo na hindi ako nakikialam sa business diba,’’ sagot niya bago ininom ang juice.

            “Yeah right, at mukhang botong-boto ang Daddy mo sa binata. Hindi ko na itatanong kung gusto mo ba si Sid, coz it’s obvious. You’re glowing. But anong gagawin mo kay Marie?’’ nag-aalalang tanong ni Ferlyn.

            ‘’Hindi naman. Nagkakasundo lang talaga sila pagdating sa negosyo. Hindi naman nakikialam si Dad sa desisyon ko eh,’’ sagot ni Kim. “As for Marie, ayaw pa rin niya akong kausapin eh. Anong gagawin ko?’’

            ‘’Do you love Sid, Kim?’’ seryosong tanong ni Jean.

            Hindi muna siya nakasagot agad.

            ‘’Don’t answer. Sabi nga ni Ferlyn its obvious, you’re in love,’’ impit na tili ni Jean na sumeryoso agad. ‘’I think dapat mung sundin kung ano ang sinisigaw ng heart mo girl. Kahit naman kasi hindi mo sagutin si Sid, that doesn’t mean magugustuhan na niya si Marie. In love, my friend, you need to be selfish sometime coz eventually masasaktan rin naman si Marie dahil kay Sid coz that guy has no feelings for her. Nataon lang na sa iyo nain-love ang tao.’’

            Napaisip si Kim sa sinabi ni Jean. Tama nga rin naman ito.

            ‘’But naguguilty pa rin ako na alam kung may nasaktan ako,’’ nafu-frustrate niyang sabi.

            ‘’Don’t worry Kim. Kakausapin ulit namin si Marie. Magkakaayos din tayo girl,’’ sabi ni Ferlyn na hinawakan ang kamay ng dalaga. ‘’But as for now, pag-usapan nga muna natin si Fafah Sid. Balita ko, para na daw flowershop ang bahay mo dahil araw-araw nagpapadala ng bulaklak.’’

            Sabay pang kinilig ang mga kaibigan na nag high five sa harap niya. Napangiti na rin siya. Sobrang sweet nga ni Sid, imbes na bouquet of flowers ang ibigay sa kanya ay puro bulaklak sa paso ang denideliver sa bahay niya. Noong isang lingo nga lang ay nag hire pa ito ng magla-landscape sa bagong gardin niya sa bahay. Nagtulungan naman silang itanim at ilipat ang ibang bulaklak sa mga bagong paso na sabay din nilang binili.

********

           

Naging pursigido si Sidrick sa "panliligaw" kay Kim. Kung tutuusin ay ang sagot na lang naman ng dalaga ang hinihintay ni Sid para pormal ng masabi na sila na. At hindi naman ito binigo ng dalaga. Kahit hindi pa sila nagkakabati ni Marie ay sinunod na ng dalaga ang sigaw ng kanyang puso.

ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY WAYWhere stories live. Discover now