Chapter 6

233 8 0
                                    

        Sa di malamang dahilan ay biglang kinabahan si Sid sa paanyaya ni Jean. Nagmamadali silang hinila nito sa may Yellow Cab Pizza na hindi sinasabi ang nangyayari. Nakatanggap lang naman ito ng tawag na nag pa excite rito. Wala silang nagawa ni Marie kundi magpatangay rito.

            Pagpasok nila sa loob ay kinawayan sila ng isang lalaki..Napakunot ang noo niya because he seems familiar to him.

            ‘’Kuya Klarky…’’ tawag ni Jean dito at nilapitan agad ang lalaki at niyakap.

            ‘’Hey, easy there buddy. Baka makilala ako ng lahat ng tao rito. Sige ka gawin kitang security ko,’’ natatawa nitong sabi kay Jean na pilit inaalis ang pagkakayakap ng bading.

            ‘’Naman nakakainis. At ikaw,’’ na tiningnan ang kasama ng lalaki na na natatabingan ng mataas na upuan nito kaya hindi niya makita ang mukha. ‘’You, bakit hindi mo sinabi sa kin na sa inyo na  pala nakauwi itong boyfriend ko.’’

            ‘’Sorry na nga po. Eh ikaw kaya  itong hindi ko mahagilap ng ilang araw.’’ Sabi ng kausap ni Jean, kung hindi siya nagkakamali parang kilala niya ang may-ari ng boses na yun at para masiguro na tama ang hinala ay bahagya pa siyang lumapit sa upuan nito. Napalingon ito sa kanya na parang nabigla pa sabay ngiti ng kimi. ‘’Hi Sid, its nice to see you again.’’

            ‘’Kimberly?’’ mahinang sabi ni Sid at tumingin ulit sa lalaking kasama nito na napag-alaman niyang ‘’fiance’’ raw nito. ‘’Mukhang nadistorbo yata namin ang date mo. Pasensiya ka na.’’

            ‘’Ano ka ba? Kuya Klark here invited us over,’’ depensa agad ni Jean. ‘’Oo nga pala kasama din namin si Marie kuya.’’

            Lumapit si Marie kay Klark at nakipag beso-beso sa lalaki.”Hello kuya. You really look great today,’’ matapat na sabi nito at pagkatapos ay hinarap si Kim at binati na rin. “Kimmy long time no see. Kaya ka pala nagtatago dahil kadate mo ang gwapong ito.’’

            Kiming ngumiti ulit si Kim. Parang naaasiwa na ito sa sitwasyon.

            ‘’Upo nga muna kayo. Its my treat. Sayang at wala si Hazel at Ferlyn ngayon kompleto na sana kayo,’’ magiliw na sabi ni Klark at tiningnan si Sid. ‘’ Is he your boyfriend Marie?’’

            Doon naman naalala ni Jean si Sidrick. “Naku pasensiya ka na Sid. Nakakawala kasi ng concentration ang Adonis na ito eh. Well, this is Sidrick Sebastian kaklase naman sa Medicine but that’s  his 2nd course already at successful businessman na siya ngayon. Sid, this is our very own, Klark Mendez….’’

            “Nice to meet you pare,’’ putol ni Sid sa iba pang sasabihin ni Jean.

            Kahit nabigla ay tinanggap ni Klark ang pakikipagkamay ni Sid. ‘’Your name rings a bell to me. Are you related to Sunny Sebastian of Hardcore Inc.?’’

            ‘’Fortunately, that’s my father. And I run the business with him. Nasa buy and sell business kami ngayon,’’ may pagmamalaking sagot ni Sid kay Klark na mukhang naimpress sa kanya.

            ‘’My Dad always mentions your Dad. At bilib siya sa pag asenso ng kompanya mo. I heard merong business proposal ang Daddy ko sa company ninyo.’’

            Nabigla siya sa sinabi ni Klark. ‘’Im sorry but ano nga pala ang name ng company ng Dad mo?’’

            ‘’Its Primelands Corporation. We are in real estate business,’’ sagot ni Klark.

ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY WAYWhere stories live. Discover now