Chapter 16-Last Part

442 11 2
                                    

        Naalimpungatan si Kim ng maramdaman ang haplos sa kanyang pisngi. Hinuli niya ang kamay at hinawakan ito ng mariin.

            "Honey masakit na," daing ni Sid sa mahinang tinig.

            Tuluyan ng nagising ang diwa ni Kim at napa-upo ng tuwid at nakita nitong gising na ang nobyo. Pipindutin na sana niya ang botton para tumawag ng doktor ng hinawakan siya nito.

            "I’m fine, honey. Pwede mo bang tanggalin ang oxygen hose lalo akong nahihirapang huminga," sabi ni Sid.

            Dahan-dahan nitong tinanggal iyon. "Pero kelangan kung tawagan si Marie para matingnan ka agad."

            "Mamaya na. Ok na ako basta nandito ka sa tabi ko." dinala nito sa dibdib ang kamay ng dalaga. "I love you."

            "Alam mo bang tinakot mo ako?" sabi ni Kim na nagsisimula na namang tumulo ang luha.

            "Sabi mo kasi hindi mo na ako mahal," kahit nahihirapan ay ngumiti si Sid sa dalaga. "And please stop crying. Buhay na ako oh."

            "You better be. Inubos ko ata lahat ng dugo ko para maisalin lang sayo."

"I won’t die honey. Not without telling you I love you. Kahit sino pang babae ang dumating ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. My extra ordinary but ordinary girl."

            Hinalikan ni Kim si Sidrick sa mga labi na tinugon naman nito. Una niyang pinutol ang halik sa takot na mapaano ang binata.

            "Hon, hindi mo na kailangan tawagin ang doktor. Tiyak magpapanic ang mga yon dahil sa heartbeat ko. Just look at my heartbeat. That beats only for you. Love you honey."

            "I love you too honey. I love you more and more" at ginawaran ulit ng isang halik ang binata na tinugon nito. Ilang sandali lang ay pumasok ang isang doktor at mga nurses.

            Naging maayos ang lahat at pagkatapos lang ng tatlong araw ay nailabas na nila ang binata at sa bahay nito sa Tagaytay tumira muna. At para maalagaan ang nobyo ay doon na rin siya pansamantalang tumira. Si Marie naman ay tuluyan ng nagmigrate sa Canada kasama ang ina at pangalawa nitong pamilya. Nang araw na magising si Sidrick ay hindi na ito ang umasikaso sa nobyo at sa ibang doctor na ibinigay ang medical records ni Sid.

            Isang sulat na lamang ang ibinigay nito sa kanila ni Sid gayon din sa mga kaibigan. Humingi ito ng tawad sa lahat ng nagawa at wala na raw itong mukha na maihaharap sa kanila. Sinabi rin nito na pinagdasal nito na kung maililigtas nito si Sid ay tuluyan na nitong pakakawalan at kalilimutan ang binata.

            Napaluha ang dalaga sa sulat ni Marie. Nasa tree house sila ng mga oras na yun.

            "Alam mo ba kahit ganun ang ginawa ni Marie gusto ko pa rin siyang pasalamatan sa pagliligtas niya sayo."

            "I know honey kahit ako gusto ko din pero darating din ang time na magagawa natin yun. Let time heal all wounds honey." sabi ng nobyo na nakayakap sa kanyang likod habang nakatanaw sa malawak na lawa nila.

            "Dad really loves this place" sabi ni Kim.

            "Yeah. Pero I’m sure may malaking lawa na din si Tito doon ngayon," sabi ni Sid na binibigyan ng mumunting halik ang balikat niya. It brings shiver to her whole system at parang biglang uminit sa loob ng treehouse kahit mahangin doon. Hinarap siya ng nobyo at hinapit palapit dito. Hinawakan nito ang pendant sa necklace niya.

            "Alam mo ba kung bakit hindi ako sumuko sayo? It’s because you never gave up on me Kim. Dahil kahit nasasaktan ka na hindi mo pa rin hinuhubad ang bracelet natin gamit ang pendant na ito."

            "It’s because I love you at kahit nasasaktan ako ang traydor kung puso ay hinahanap ka pa rin. At isa pa, this necklace complements everything that I wear kaya bakit ko siya tatanggalin."

            He gave her a slight kiss on her lips. " And mas makokompleto  ang mga ito kung tatanggapin mo ito," may inilabas itong isang cupcake sa harap niya.

            Nagtaka pa si Kim kung paano makokompleto ang necklace, bracelet at cupcake?

            Muli niyang tiningnan ang hawak na cupcake nito at nakita niya ang isang diamond ring na ibinaon dito. Napatingin siya sa nobyong nakangiti.

            "Are you proposing to me Mr Sebastian?"

            Kinuha ng kasintahan ang singsing sa cupcake . Hinarap ulit niya ang nobya.

            "I really plan to make a surprise to you. Hiningi ko na nga ang idea nina Ferlyn eh tungkol dito but they all said no to big surprise. Gusto mo daw yung not so ordinary pero simple pa rin. Kaya ito," lumuhod ito sa harap niya. "Ms Kimberly Grace Asuncion, will you and you should marry me"

            "Hahaha... Paano pa ako makakatanggi kung sinabi mo nang I should marry you," tanong niya sa binata. "Pero kahit walang proposal Mr. Sidrick Sebastian, yes I will marry you honey."

            Masaya siyang pinaikot-ikot ng nobyo at pinagsaluhan ulit nila ang isang malalim na halik. Naputol lang ito ng may tumikhim sa likod nila.

            "Hephep... Proposal pa lang yan bro wala pang kasal kaya time out muna," sabi ng Kuya niyang nakangiti. Nandoon din lahat ng kaibigan nila. Ang mommy niya at ang tatay ni Sid.

            “Alam mo din ito Kuya?’’ natatawa niyang tanong sa kapatid habang nakayakap pa rin kay Sidrick. Nag thumbs-up lang ito sa kanya.

            "Okey na kaya party-party na tayo sa baba. Yehey," sigaw ng mga kaibigan nila.

            Wala silang nagawa ng dalhin na sila sa baba para pagsaluhan ang pinahanda ng nobyo niya na surpresa nito sa kanya. At muli ay tumugtog ito sa grand piano gaya noon. Walang pagsidlan ang saya sa puso niya.

            Pagkatapos lang ng dalawang buwan ay ikinasal na si Kim at Sid. Sa hiling na rin nilang dalawa ni Sid ay umuwi si Marie para sa kasal nila. Engaged na ito sa boyfriend nitong Canadian. Kahit wala na ang ama sa mahalagang okasyon na iyon sa buhay ni Kimberly ay sobra pa rin ang sayang naramdaman niya. And when the priest announced them as husband and wife, they sealed their love with a torrid kiss…

The end na talaga..

Hooray…

First book….

ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY WAYWhere stories live. Discover now