Chapter 14

242 5 0
                                    

Sa sarili nilang mansiyon ipinalagak ng Kuya Klark niya ang labi ng ama dahil ito daw ang hiling nito. Napaayos na ng mga kaibigan at kaopisina ang mansiyon at marami ng taong umaasikaso sa kanila. Nakablusang puti at maong na pantalon si Kim ng magkalakas loob siyang makita ang labi ng ama. Si Blast ang naghatid sa kanya na hindi umaalis sa tabi niya. Nasa may hardin pa lang siya ng mansiyon ay umiiyak na si Kim, unti-unting nanghihina ang tuhod niya pero inalalayan siya ni Blast para pumasok. Sinalubong siya nina Jean at Ferlyn.

"Kim, halika na. Hinihintay ka na ng Daddy mo," kumbinsi ni Ferlyn sa kanya na pinipigilan ang luha.

"Kim, nandito lang kami sasamahan ka namin. Pumasok na tayo Kim. Ayaw ni Tito na nakikita kang ganito." sabi ni Jean.

Napatango na lamang siya at dahan-dahang pumasok sa loob. Halos mawalan siya ng ulirat ng makita ang kabaong ng ama na nasa gitna ng mansiyon. Tumayo ang Kuya Klark niya at nilapitan siya. Niyakap siya nito ng mahigpit at umiiyak na rin itong tulad niya.

"Come on Kim. Wala ng mas madaling paraan para harapin natin ito. I know you are hurting. We are all hurting. I can’t do this alone Kim."

Nahimasmasan siya sa sinabi ng kapatid. Tama ito, kelangan nilang harapin ang katotohanan.

"I’m sorry kuya kung hindi ko man lang inisip na nasasaktan ka rin. Yeah your right we need to do this."

Hinawakan nito ang pisngi niya. "No baby dont say sorry. Naiintindihan ko. Lets go. Hinihintay na tayo ni Dad."  

Sabay nilang pinuntahan ang kabaong ng ama at sabay silang umiyak ng kapatid. Sinabayan rin sila ng mga kaibigan at kasambahay sa tahimik na pagluha ng mga ito. Marami ang nakiramay sa kanila hanggang sa mailibing ang ama. Ang Tito Sunny niya ay palaging nasa mansiyon nila sa panahon ng burol.

Kahit malimit niyang kausapin si Sidrick ay hindi ito nagsawang damayan siya. Kahit si Marie ay nakiramay din na hindi na lang niya hinarap. Nalaman na rin ng mga kaibigan nila ang tungkol sa nangyari sa kanilang tatlo ni Marie at Sid. Pero dahil sa nangyari sa ama ay hindi na muna niya pinagtuunan ng pansin ang buhay pag-ibig niya.

Kakalibing lang ng ama at nasa garden lang rin si Kim. May mga nagliligpit pa naman sa loob ng bahay pero pinili niyang manatili roon kahit gusto sana ng kapatid na doon na siya manatili muna sa villa nito. Nasa loob siya ng gazebo nila at tinitingala ang langit ng lapitan siya ng kapatid. May dala itong sandwich at juice.

"Kanina ka pa raw hindi kumakain. Come here Kim. Seat down and eat this," sabi ni Klark.

"I’m not hungry kuya. I’m fine."

"I know you’re not fine. Ako pa ba ang lolokuhin mo. Come here."

Umupo na lang siya sa tabi nito at isinubo ang isang clubhouse sandwich na dala nito.

"Kuya, kumusta si Mommy?"  Nabigla ito sa sinabi niya. "Alam ko na.  Dad told me before he died."

Klark let out a sigh. "Akala ko tuluyan na talagang dinala ni Dad ang galit niya kay Mom hanggang sa kabilang buhay. Do you hate our mom Kim?"

"I really don’t know kuya. All this time akala ko wala na akong ina. Nabuhay akong galit sa ginawa niya na kahit nalaman kung patay na raw siya ay hindi ko pa rin siya napatawad. Why didn’t you tell me? Why didnt you tell me na yan ang lagi ninyong pinag-aawayan ni Dad."

"Because I love Dad,”  sabi nitong nabasag ang tinig. "Dahil kahit lagi kaming nag-aaway he is still my father. At nirerespeto ko ang gusto niya kahit minsan gusto ko ng magalit sa kanya. Nasasaktan din naman si Mommy pero wala siyang nagawa para itama ang lahat noon at ng mabigyan na siya ng chance hindi naman nakinig si Dad sa kanya."

ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY WAYWhere stories live. Discover now