Chapter 7

264 7 0
                                    

        Malapit na palang matapos ang semester at graduating na pala sila. Nitong huling linggo ay mas lalo pang dumalang ang pagkikita-kita nilang magbabarkada. Tanging sila na lamang ni Ferlyn ang laging nagbo-bonding ngayon na kasama rin si Walter. Nasa regular tambayan silang tatlo ng dumating si Hazel.

            ‘’Alam niyo ba kung ano ang nangyari kay Marie? Sabi kasi ni Jean one week na itong absent sa klase nila which is hindi naman nito ginagawa diba?’’ imporma ni Hazel sa kanila na nilapag ang isang kahon ng paborito nilang donuts.

            ‘’Wala naman akong nabalitaan tungkol doon Haz. Alam mo namang busy kami ngayon sa major subjects namin. But I texted her every night nagrereply naman siya kaya hindi na ako nag worry,’’ sagot ni Ferlyn bago kinagat ang donuts at nakuha pang hampasin ang kamay ni Walter na kukuha na ulit sa pangalawang donut nito.

            ‘’Bakit hindi na lang natin puntahan sa kanila? Baka naman may sakit na yun. Diba wala naman siyang kasama sa apartment niya,’’ nag-aalala na ring sagot ni Kimberly.

            ‘’I haven’t seen Sidrick and Gary either. Bakit ikaw Walter nandito lang palagi?’’ tanong ni Hazel sa lalaki.

            ‘’Kasi nasa tapat lang ng building na ito ang pinapasukan ko,’’ ang tinutukoy nito ay ang St. Michael Medical Clinic na nasa tapat ng campus. Regular nurse kasi ito roon. “Si Gary naman may project sa isang construction site at this moment. And Mr. Sebastian is busy in his business. Mukhang mag e-expand din ata yun eh. Ang yayaman na nila ano? Kaya siguro ayaw ng pumasok ng mga iyon.’’

            ‘’Ang sabihin mo naiingit ka lang sa mga iyon. Wala ka na atang trabaho doon sa hospital eh kaya nandito ka lagi,’’ nang-aasar na sabi ni Ferlyn dito.

            ‘’Ayaw mo ba nun, my labz. Lagi mo akong nakikita?’’ sagot naman nito kay Ferlyn na inirapan lang ng dalaga. Nagsagutan pa ang mga ito at ng matigil ay sumeryoso ulit.

            ‘’I think we should visit her. Sandali at tatawagan ko si Jean para samahan tayo,’’Sabi ni Kimberly at tinawagan na ang kaibigan.

            ‘’Tama, dapat ngayon na,’’ sabi ni Ferlyn at tiningna si Walter na kumukuha na naman ng donut. ‘’Diba may kotse ka?’’

            Tango lang ang sinagot ni Walter.

            ‘’ Eh di tamang-tama. Ihahatid mo kami kina Marie ngayon. Ang dami mo kayang naubos na donuts.’’ sabi ni Ferlyn.

            ‘’No probs, basta ikaw my lady,’’ sagot ni Walter na kinindatan pa si Ferlyn.

            “Hay naku, tumigil na nga kayong dalawa. Naririndi na talaga ako sa asaran ninyo,’’ saway ni Hazel sa mga ito.

            ‘’Papunta na rito si Jean. May ipinasa lang daw siyang report sa professor nila. Hintayin na lang daw natin siya.’’ Imporma ni Kim sa kanila.

            Nang dumating si Jean ay nagpasya na silang umalis. Dumaan muna sila sa isang fruitstand para bumili ng prutas at isang pizza sa isang pizza haus. Habang daan ay pawang malalim ang iniisip nilang lahat mabuti na lang at nag-aasaran pa rin sina Walter at Ferlyn na magkatabi sa harap. Katabi naman ni Kimberly si Jean at nasa gitna nila ni Hazel. Nagtaka pa siya ng pinisil nito ang kamay niya. Napatingin siya rito pero ngiti lang ang sinagot nito. She knew may alam ito and she felt that something is wrong.

            Pagdating kina Marie ay si Hazel na ang kumatok sa apartment ng dalaga. Matagal pa bago nito binuksan ang pinto. Pagbukas nito ay napadha pa sila sa nakitang itsura nito. Magulo ang buhok, maiitim na ang gilid ng mga mata na para bang kulang lagi sa tulong. Parang nagulat pa ito ng makita sila.

ORDINARY IN AN EXTRAORDINARY WAYWhere stories live. Discover now