16th Break: Crush

4.2K 281 37
                                    

16th Break
Crush

ALESIA

HABANG pinapanood sina Sho na nakapabilog sa ginawang bonfire ay hindi ko mapigilang matawa. That Nicole girl is clinging into him like a koala bear. Para bang isang bata na mawawala anumang oras si Sho kung ituring niya. Isinara ko ang tent na pag-iiwanan ko muna kay Shaun bago maglakad palayo sa kanila. Gabi na kasi at hindi ko siya pwedeng isama rito sa labas dahil malamig. Baka magkasakit pa ang bata. Naupo sa isang malaking ugat ng puno at sumandal sa katawan nito. Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Hindi pa ako natatagalan sa ganoong ayos nang may isang taong tumayo sa harapan ko.

"Hey, Alesia."

"Hmm? Kilala mo 'ko?" Kunot ang noo na nagmulat ako ng mga mata at tinitigan siya. Naningkit ang mga mata ko. "You look familiar."

"Ah, so nakalimutan mo na nga talaga ako?" natatawang pagda-drama niya at naupo sa tabi ko. "I'm your suitor from Nicholas Academia."

Nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod na napalunok. Shit. Shit na shit.

"Ah, baka kamukha ko lang." Ngumiti ako pero alam kong naging ngiwi lang iyon.

"You're Alesia Montes, right?"

Damn it.

"Yes." labag sa loob na pag-amin ko. Hindi na rin ako makakatanggi pa dahil halos inamin ko na rin ang pagkatao ko kanina sa kanya. Sa itsura rin niya ay halatang hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.

"At hindi rin ako naniniwalang anak mo ang batang iyon." Sinsero siyang ngumiti at tiningnan ang tent na kinalalagyan ni Shaun. "Alam kong hinding-hindi papayag ang isang iyon na may maka-iskor sa iyo."

Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaawang ang labing nilingon siya. "K-kilala mo si..."

"Yep. Halos lahat naman kaming manliligaw mo ay kilala siya."

Napatampal ako sa noo sa isinagot niya. Totoo naman iyon. Lahat ng taong umaaligid sa akin, kakampi man o kaaway ko, ay kilala niya. Kahit magkahiwalay kami ay daig pa niya ang CCTV sa araw-araw na pagmo-monitor sa paligid ko. Wala naman akong problema roon hangga't hindi ako mismo ang binabantayan niya.

"Nakita mo na ba siya? I mean, have you encountered him during this outbreak?" May pag-asang tumingin ako sa kanya.

Napaisip naman siya at saka tumango sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag doon at napangiti sa isiping buhay pa siya.

"Oo. Hinahanap ka rin niya sa akin."

Agad na binalot ng pag-aalala ang sistema ko sa kaalamang hinahanap niya ako. If he's looking for me, physically, then does it mean that his original method to look after me has stopped working? Nababahalang tumayo ako at hinila siya palayo roon. Hindi ako komprotableng may makarinig na iba sa pinag-uusapan namin. Nakita ko pa ang pagtingin nila Sho sa direksyon namin na hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin.

"May sinabi ba siya sa iyo? If yes, what did he exactly told you?"

"Hanapin daw kita at sabihin ang 'baby'. I tried asking him what he meant by that but he just told me that it was unnecessary for me to know and you already know what it means." Kumunot ang noo niya. "Iyon lang ang sinabi niya sa akin. Ano ba ang ibig sabihin niyon?"

Nakahinga ako ng maluwag sa isinagot niya. Para akong nabunutan ng tinik sa isiping buhay pa siya at posible pang mag-krus ang landas namin.

"Tawagan namin." Napatawa pa ako dahil  nagdududang ngumuso siya sa akin. I found him cute like a duck, but no way in hell that I'm gonna tell him the real meaning behind that endearment. Not to him, not to anyone.

ZOMBREAKWhere stories live. Discover now