33rd Break: Mad

2.9K 171 2
                                    

33rd Break
Mad

ALESIA

"ANO bang ginagawa mo?!" hindi ko mapigilang singhal kay Dana nang makita ko siya kasama si Dale.

Tahimik lang siya at namumugto ang mga mata. Hindi rin siya makatingin ng diretso sa akin. Sa maikling panahon na nakasama ko sila ay tinanggap ko na ang grupo nila bilang mga kaibigan ko. I am using my abilities just to keep them safe even though I don't really want to use any of these. In just a short span of time, mahalaga na sila sa akin kaya ngayon ay halos gusto ko na siyang sampalin dahil sa ginawa niya.

"Alesia, kumalma ka." tawag ni Lysa na sinusubukan akong pakalmahin.

Masamang tingin naman ang iginawad ko sa kanya.

"Kalmado ako. Dahil kung hindi, baka lumulutang na kayo." sarkastikong saad ko na ikinatawa lang niya. Napairap ako. "Anyway, I have a plan."

"Wha—"

"Don't ever speak nonsense, Nicole." agap ko sa kanya. "Subukan mong huwag seryosohin ang mga sasabihin ko at baka makita mo na lang ang sarili mong pinapipiyestahan sa baba."

"Alesia—"

"Shut up, Dale. Punong-puno na ako sa babaeng 'to." seryosong wika ko at humila ng upuan. Naupo ako at ipinagkrus ang mga binti at braso sa harap nila. "If your friends can't desclipine you then, I will. All of you know that we're in a zombie outbreak, right? Sigurado naman akong nakapanood na kayo ng ganitong klase ng pelikula, hindi ba?"

"Yes, boss." Angelo and Andrei answered in unison that made me arch my brow.

Ngumiti lang sila sa akin at nagkibit-balikat. Umiling ako bago magpatuloy.

"Ano bang ginagawa ng mga characters sa pelikula? Oo nga at tatanga-tanga ang karamihan sa kanila but at least they're doing their best to live, to survive. May iba't ibang karakter sa pelikula pero dalawa ang pinakanangingibabaw. Alam n'yo ba kung ano 'yon?"

"Are you lecturing us?" tanong ni Lester na ikinataas ng sulok ng labi ko.

"Obviously. Do you know the answer?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Umiling ako at nagpatuloy na. "First, the characters who are doing their best to survive and second, the characters who are being eaten by the zombies because of their stupidity. At sa tingin ko ay hindi ka kabilang sa isa sa dalawang 'yon, Nicole."

Malakas na tumawa si Dana habang mahina lang ang kay Mich at pangiti-ngiti lang ang ibang lalaki. Napangisi rin ako dahil mukhang naiintindihan nila ang ipinupunto ko.

"Zombies eat brains but I don't think you have one." Mahina akong tumawa at biglang nagseryoso. Malamig ang mga matang tumingin ako sa kanila. "There is no room for stupidity in this zombreak. I'm done with your dumbness. You have to take some survival lessons so you'll be able to help your friends and won't act like a statue when things get rough. Para kayong mga tanga. Lysa and Migo can teach you for that. So, habang nag-aaral kayo ay kukuha naman kami ni Nathaniel, Angelo at Andrei ng mga pwedeng magamit at makain. Siguraduhin n'yo lang na may matututunan kayo dahil hindi ko kayo pakakainin kung wala. Hindi naman kayo mamamatay sa isang araw na walang pagkain. Kung ayaw n'yong makinig sa akin ay puwede namang kayo ang kumuha ng makakain n'yo."

Tumayo na ako at ibinigay kay Clent ang espada at kay Sho naman ang baril. Ang palakol ay naiwan sa kabilang building kaya mas lalo kaming nagkulang sa armas.

"Anong gagamitin mo?" Sho asked worriedly.

"Kung anong makuha ko sa daan. Don't worry about me, baby boy. I won't use any of my abilities just like what I promise to you." Napatingin ako sa batang buhat-buhat niya at napangiti. Hinalikan ko si Shaun sa pisngi. "Be safe."

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon