44th Break: Past

2.5K 157 12
                                    

THIRD PERSON'S POV

"HOW dare you to seduce my bestfriend?! At nagpalandi ka naman, Sho?!" Nanggigigil talaga si Dana kay Nicole.

Lahat sila ay nakaupo sa salas at pinaglayo ang dalawang babae. Alam na nilang lahat ang nangyari. Si Nathaniel ay nasuntok ng ilang beses si Sho na hindi man lang lumaban. Maging si Lysa ay nasampal na rin ito pero tulala lang si Sho dahil ang mukha ni Alesia ang nasa isip niya.

Natigil lang silang lahat ng marinig ang malakas na pag-iyak ni Shaun. Nagkatinginan sina Nathaniel at Lysa dahil hindi maganda ang kutob nila lalo na ng hindi tumigil sa pag-iyak ang bata.

"Walang susunod!" sabay na sigaw nila at tumakbo paakyat sa itaas.

Pagbukas pa lang ni Nathaniel ng pintuan ay pareho siĺang nakaramdam ng pangamba. Mag-isa lang si Shaun. Bukas ang bintana at walang kahit na anong bakas ni Alesia.

"Shit! This is trouble." sabay na wika na nila.

Kinuha ni Lysa si Shaun para patahanin at patulugin ulit. Napansin naman ni Nathaniel ang papel na nasa side table. Alam niyang galing kay Alesia yun kaya agad niyang kinuha at binasa. Kumunot lang ang noo niya at ipinabasa rin iyon kay Lysa.

Kill the traitors after reading this. Proceed to the plan and trust me. Take care of my son.

"Ikaw na ang pumatay, Nate."

"So, 'Nate' kapag may iuutos?" reklamo niya.

"Fine, tatawagin na ulit kita sa paraang gusto mo." Napaikot ng mga mata si Lysa. "Go, kill them bago pa sila mag-report."

Bumaba sila habang kasama si Shaun na pahikbi-hikbi na lang. Ibinigay ni Lysa si Shaun kay Sho. Oo nga at naiinis siya sa lalaki pero wala siyang karapatan na ilayo si Shaun dito.

Nagulat na lang sila ng hilahin ni Nathaniel si Angel at pilipitin ang ulo nito. Napasigaw sa takot ang mga babae maliban kay Lysa na nakangisi. Akmang tatakbo pa si Nicole pero agad niya itong binato ng kutsilyo sa ulo.

"W-why?" lumuluhang tanong ni Rowena.

Lumapit si Lysa sa katawan ni Nicole at hinawakan iyon sa paa. Binuhat naman ni Nathaniel ang bangkay ni Angel. Nakangisi silang humarap sa kanila.

"Traitors must die." sabay na wika nila.

"Alesia's gone. And the two of us will take over what she had left." seryosong wika ni Nathaniel. "Ibabaon lang muna namin sila. Mag-uusap tayo pagkabalik namin. "

Pinanood nila ang paglabas ng dalawa. Hila-hila ni Lysa ang katawan ni Nicole. Kumakalat ang dugo sa sahig mula sa sugatang ulo nito. Napalunok si Migo dahil ito ang kauna-unahang beses na nakita niyang pumatay ang kasintahan ng totoong tao. Hindi naman siya natatakot dito, sa mga kaya lang nitong gawin siya kinikilabutan.

"W-what was that?" nanghihinang napaupo si Mich sa sahig.

"T-they killed my friends..." Galit at takot ang mababakas sa boses ni Rowena. "W-what if gawin din nila sa atin yun? Those two are obviously human! They can kill anyone!"

"Mga traydor sila---" sabi ni Lysa na kababalik lang.

"But it wasn't enough to kill them!" sigaw ni Dana. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa nasaksihan.

"It is." Ngumisi si Lysa. "We just save our lives. Lalo na ang kay Alesia."

"Should we tell them?" tanong ni Nathaniel.

"Yes, para hindi na sila magulat pa sa mga susunod na mga mangyayari. Lalo na at wala na talaga si Alesia. So, sit down bitches and ready yourselves 'cause we're gonna tell you how everything started."

Ika-8 araw ng Abril taong 2006. Mainit ang simoy ng hangin, masakit sa balat ang init ng araw pero hindi alintana ng anim na taong gulang na si Alesia ang mainit na panahon. Patuloy lang siya sa pag-eensayo kasama ang kapatid na si Dale.

"This is just basics, baby. Pero marami ka pang matututunan kapag lumaki ka na."

"But why do I have to learn this?" Patuloy sa pag-atake si Alesia sa nakatatandang kapatid na puro depensa lang ang ginagawa.

"Because you have to. Sooner or later, mas magiging kumplikado na ang gagawin at mga aaralin mo." Si Dale naman ang umaatake at si Alesia ang dumedepensa.

"Anyway, when will they go home?" tanong ni Alesia. Napadaing siya ng tamaan ng kapatid ang kanyang tagiliran. "Ipapaalala ko lang sa 'yo na masyado pang mura ang katawan ko kaya wag mo namang lakasan ang pag-atake, Kuya."

Ngumisi si Dale sa kapatid at mas binigyan ng pwersa ang mga atake. Napaingos na lang si Alesia at nakipagsabayan sa kapatid.

"Ano nga ulit ang sinasabi mo?" sarkastikong saad ni Dale. Ginagamot niya ang ilang sugat na kagagawan ng bunsong kapatid na tinutulungan naman siya.

"Naalala ko kasi na ililibre mo ako ng chocolatessss with four 's' kasi marami."

"That chocolate drink again?"

"Yep."

"At the age of six ay tinuturuan na ni Dale si Alesia na makipaglaban." sabi ni Lysa.

Nagulat naman ang lahat sa narinig dahil noong panahon na iyon ay naglalaro lang sila samantalang may bata naman na kasalungat nila. Mas lalo tuloy nakaramdam ng guilt si Sho. Gusto niya na mag-sorry at magpaliwanag kay Alesia pero paano pa niya gagawin yun kung wala ito?

"But she told us na natutunan niya iyon sa panood lang..." sabi ni Angelo

"Totoo. She's a huge fan of Jackie Chan na lahat ng techniques nito ay natutunan niya sa panonood lang. Ginagaya na niya si Jackie bago ba pa man siya turuan ni Dale. Kaya pareho kaming nagulat nung matalo niya ang kapatid niya." paliwanag ni Nathaniel. "Lahat ay natututunan niya sa panonood. Nagugulat na lang kami na may alam na pala siya kahit hindi pa naituturo."

"Kami?" naguguluhang tanong ni Mich. "Akala ko ay ngayon lang kayo nagkakilala?"

"The four of us we're childhood bestfriends." Mapait na ngumiti si Lysa. "Pero nagbago ang lahat matapos ang isang pangyayari."

"Pangyayari na hindi namin matukoy kung paano nagsimula." Madilim ang mga mata ni Nathaniel. "Walong taong gulang si Alesia ng magsimulang manganib ang buhay niya. May mga nagtatangkang kidnapin siya hangga't may nakukuha silang pagkakataon. Pero ang pinakamalala ay ang pagtangkain siyang kunin sa loob mismo ng pamamahay nila."

"A-anong kailangan nila sa kanya?" tanong ni Dana na nakaramdam ng awa sa kaibigan.

"Akala namin, hindi na namin malalaman pa ang sagot diyan." Mapaklang tumawa si Lysa. "Mabuti na lang at alerto si Dale ng gabing iyon. Idagdag pa na nandoon ang mga magulang nila kaya hindi sila nagtagumpay. Pero matapos ang pagtatangkang iyon kay Alesia ay walang paalam silang umalis."

"Bumalik si Alesia matapos ang walong taon. Ang masaklap ay hindi niya kami maalala. Hindi niya kami kilala." Napakuyom ng kamao si Nathaniel. "Balak naming tulungan siyang makaalala pero lintek lang. Hindi na namin siya malapitan mula noon dahil sa peste niyang boyfriend!"

"At doon namin nalaman ang sagot." sabi ni Lysa. "Dinala kami ng lalaking iyon sa impyerno. Naranasan namin ang ginagawa nila kay Alesia. Mga bagay na hindi ko akalaing ikabubuhay pa namin."

~*~

ZOMBREAKWhere stories live. Discover now