48th Break: Decision

2.6K 152 6
                                    

THIRD PERSON'S POV

"DALE!" Alesia slapped her brother to wake him up. "Kingina, gumising ka."

Matapos makuha ang code kay Archie ay agad niyang pinuntahan ang kapatid. The girl who seduced her ex was just her decoy to get the code for her brother's cell.

"B-baby…"

Nakahinga siya ng maluwag ng magsalita ito. Pinilit niya itong tumayo at inalalayan. Gamit ang isa pang kamay ay ang pinagbabaril niya ang mga CCTV at ilang bwisit na siyentista.

"Ano ba naman, Kuya?! Ang bagal-bagal mong maglakad e!" singhal niya sa kapatid.

Rude man ang dating niya ay alam niyang alam ng kapatid ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. She's nervous not for herself but for his brother and to the entire world.

Hindi siya nag-aalala para sa sarili dahil mas inaalala pa niya ang mga pwedeng mangyari kapag nahuli siya. They will use her to their inhumane plans. At ang mga taong pinoprotektahan ng mga magulang niya ang mapapahamak. She won't waste her parents' hardships kahit alam niyang pwede siyang mahuli sa mismong pagpasok sa lungga ng mga pusa. Pero saan pa at naimbento ang salitang plano kung hindi naman niya gagamitin.

"Sorry, okay?! My body's hurting like hell."

"Tss… Weak." panlalait niya rito.

Nasa main door na sila ng kapatid niya at ilang hakbang na lang sana sila palabas kung hindi lang may humarang sa kanila. Pinaluhod ng mga lalaking nakaitim ang mga dagang nakuha ng mga ito sa harap nila. Awtomatiko siyang napatigil ng mapagsino ang mga kaharap. Nawalan ng ekspresyon ang mukha niya at naging pula ang kulay ng mga mata niya.

"Control, baby." bulong ng kapatid na hindi niya pinansin.

Lumabas ang lalaking kinasusuklaman niya na nakasuot ng tuxedo. Pumapalakpak ito habang nakatingin sa kanya at naglalakad hanggang sa mapunta sa gitna. Sa pagitan niya at ng mga kaibigan niya.

"You lose." Nakangisi ito sa kanya at pinasadahan pa siya ng tingin. Lumapit ito sa kanya at hinawi ang kanyang buhok. Ngumiti ito at walang pakundangan siyang hinalikan sa harap ng lalaking mahal niya. "You have the sweetest lips among the other you's."

"I know."

"I finally have you." wika nito na inilingan niya.

"You know that you don't." Ngumisi siya rito at pinakita rito ang kanang kamay bago pumitik. Tumalsik ito pati na rin ang mga lalaking nakahawak kina Sho. Hindi natangay ang mga ito dahil mabilis silang kumilos palapit sa kanya.

"Sorry." wika ng replika ni Dale.

Agad kinuha nina Angelo at Andrei ang totoong Dale kay Alesia. Sila na ang umakay dito habang mabilis silang naglalakad.

"We have to escape. Where's Shaun?"

"Binabantayan nina Dana at Clent." sagot ni Lysa. Hindi siya humihiwalay kay Migo. Oo nga at kaya nitong protektahan ang sarili pero hindi iyon sapat sa lugar na kinaroroonan nila. Kaya niyang lumaban kahit kalahati lang ni Alesia ang lakas niya. May abilidad din siyang katulad ng mayroon ito ngunit mahina ang kanya. Ganoon din si Nathaniel.

"Sho… Sinaktan ka ba nila?" tanong ni Alesia at pinagmasdan pa ito habang naglalakad. Nagulat na lang siya ng yakapin siya nito at umiyak sa kanya. Napakurap siya at tinapik ang balikat nito. "Sinong nagpaiyak sa 'yo?"

"Ikaw…" sagot nito na ikinalaki ng mga mata niya. Tuluyan silang napatigil sa paglalakad.

"A-anong ako? Wala akong ginagawa sa 'yo." Pinunasan niya ang luha nito bago maglakad na magkahawak ang kamay.

"Akala ko iniwan mo na ako."

"Tss. I love you okay? And it's enough reason for me to stay." Kumunot ang noo ni Alesia. "Okay ka na sa ginawa ni Nicole sa 'yo?"

"Alam mo?"

"Yep. Hindi ako galit kasi alam kong kinokontrol ka lang niya. But it did hurt me. And now you know how it feels."

"Archie is my---" Hindi na natapos ni Sho ang sasabihin dahil tumalsik sila palayo. Pati na rin ang mga kaibigan nila.

Napangiwi si Alesia nang may sumabunot sa buhok niya. Agad niya itong sinipa kaya nabitawan siya. She lifted her head only to see herself being surrounded by eight girls wearing her face and clothes. So, may walo siyang xerox copy na kaharap.

She didn't waste time at agad umatake. Tinulungan naman siya ng ilang kaibigan kahit busy ang mga ito sa pamamaril sa mga nakaitim na lalaki. She did help them after killing her replicas. Pero wala talagang katapusan ang pagdating ng backups. Bago pa man lumala ang sitwasyon ay nakapagdesisyon na siya.

"Let's have a deal!" She shouted, making everyone stop in mid-air.

"What deal?" tanong ni Archie na inilibot ang tingin. "Oh, my step-brother is here. It's a pleasure to see you again."

Natigilan si Alesia sa narinig. Mapait siyang ngumiti. It seems like naloko na naman siya at ang masaklap, kapatid pa nito. Mukhang masyado siyang pinaglalaruan ng tadhana.

"W-why are you doing this? And I thought… I thought you're dead!" wika ni Sho.

"Because I wasn't! Tsk. Stop talking to me and face the reality dickhead!" Lumingon ulit si Archie kay Alesia at ngumiti. "What were you saying again, love?"

"Gusto kong pakawalan mo sila. Hahayaan mo silang umalis rito hanggang sa makalayo sila. Walang susunod na tauhan mo o nang kahit sinong tao mula sa Vessels of Mallari."

"And what would I get in return?"

"You will have me."

Kanya-kanya ng protesta ang mga kaibigan, kapatid at si Sho sa desisyon niya. Pero hindi na magbabago pa ang isip niya.

"That's tempting, love. Pero kulang. I'm not satisfied."

"You will have all of me. You can do whatever you like and I will obey without words. Hindi ako nagsisinungaling o nakikipaglaro sa 'yo. If I ever do that, alam ko ang pwede mong gawin sa kanila. At kapag hindi ka sumunod sa usapan, you know what will happen to me." Lumapit si Alesia kay Archie at pinadausdos ang palad sa dibdib nito. "I won't do that to myself unless… gaguhin mo ako."

"That's a deal then." Nakangising ipinulupot ni Archie ang braso sa bewang niya. "But say it louder again. Baka hindi marinig ng boyfriend mo na kapatid ko."

Napapikit sa inis si Alesia. Pagmulat ng mga mata niya ay nagtama ang mga mata nila ni Sho. Inulit niya ang sinabi at binalewala ang pagmamakaawa sa mga mata nito.

"I'll just give something to them. Malalaman ko kung tumutupad ka sa usapan o hindi." Kumawala siya at lumapit sa kanila. "Kahit magmakaawa pa kayo sa 'kin, hindi na magbabago ang desisyon ko. Umalis na kayo at magpakalayo-layo."

Tumalikod na siya at nagbingi-bingihan sa pagmamakaawa nila. Lalo na sa boses ni Sho. But this is her decision that even the person she loves cannot change.

~*~

ZOMBREAKWhere stories live. Discover now