47th Break: Shock

2.6K 158 9
                                    

THIRD PERSON'S POV

HINDI na nila alam kung paano magre-react sa mga narinig. Masyadong mahirap paniwalaan ang mga narinig nila pero naniniwala sila. Lalo na at pinapatunayan iyon ng mga napapanood sila sa screen. Nasa isang underground si Alesia at walang awang pinapatay ang sinumang humaharang sa dinadaanan niya. Nakikita rin nila ang mga ginagawa ng mga ito. They are obviously caught off guard by the sudden attack of Alesia dahil wala na silang nagawa ng patayin sila nito. Wala ring nakapindot ng alarm para alertuhin ang iba pa.

"But why are we here?" tanong ni Migo. Katabi na siya ni Lysa. His love for her is not shallow sa kabila ng mga nalaman niya. It's a painful past kaya naiintindihan niya kung bakit ngayon lang niya nalaman ang pagkataong iyon ng kasintahan.

"Order from her. Wag n'yong intindihin ang mga nakaputing iyan, tauhan iyan ng pamilya namin." Nanlaki ang mga mata ni Dale nang mapadapo ang tingin sa batang buhat ni Sho. "Shoot! Si Shaun! Pahiram muna, Sho ha?"

Ibinigay naman ni Sho si Shaun kay Dale. Bakas ang pag-aalala, takot at lungkot sa mukha ni Sho. Napangisi si Dale dahil balak niya sana itong asarin kaso naalala niya ang banta ng kapatid.

"Don't you ever make fun of him or do something childish against them kung 'di ay sa tambakan ng bakal mo makikita ang mga mahal mong motor."

Napasimangot siya bago nakangusong umirap. Lagot siya sa orihinal na Dale kapag may nangyari sa mga sasakyan nito. Tinapik niya na lang ang balikat ni Sho.

"Pinapasabi niyang mahal ka raw niya at balewala sa kanya ang nakita niya." sambit niya na ikinatingin nito sa kanya. "Totoo yon. Sinabi niya talaga 'yon."

Hindi niya maiwasang maging defensive dahil sa uri ng tinging ipinupukol nito sa kanya. Na para bang hindi siya kapani-paniwalang tao.

"I'm sorry…"

"Kung ano man iyon, wala na kay Alesia 'yon. Maunawain naman iyon at hindi bastang nagpapadala sa emosyon. Maliban na lang kung involve ang nakaraan. Ibang usapan na 'yon. Kumain ka na at ako na rin muna ang magbabantay kay Shaun." sabi niya at tinalikuran ito. Nakalimutan niyang may bata siyang kailangang pakainin. Inutusan niya ang isa sa mga tauhan na magtimpla ng gatas at maghanda ng damit para kay Shaun.

Kumakain ang mga kaibigan ng kapatid habang pinapanood si Alesia. Wala naman kasi silang ibang magagawa kundi ang magtiwala kay Alesia. Pero hindi pa rin mapakali si Sho.

"I want to do something." bigkas ni Sho na ikinaseryoso ni Dale.

"Don't be a burden to her." walang pakundangang saad ni Dale. "Kaya nga niya ako pinapunta rito ay para protektahan kayo at ng hindi siya malagay sa alanganing sitwasyon."

Napabuntong-hininga lang si Sho. He wants to do something but helping her means being a burden. Pero gusto niya itong tulungan sa paraan na hindi siya magiging pabigat dito. Pero ano at paano naman niya gagawin 'yon?

"Why is she wearing a gown?" tanong ni Dana. Veil na lang ang kulang ay mukha na itong ikakasal.

"Trip niya lang." sagot ni Dale at nagkibit-balikat.

"What the hell?" sabay-sabay na wika nila ng makita si Alesia na pumasok sa isang kwarto.

Kakaiba ang kwartong ito dahil hindi ito katulad ng mga kwartong para sa mga siyentista. It was a bedroom of someone o mas madaling sabihin na pagmamay-ari iyon ng isang lalaki dahil sa interior design. At nakumpirma iyon ng makita nila ang isang lalaki na nakahiga sa kama. Wala itong suot na pang-itaas at boxer lang ang suot sa ibaba. Nakasuot din ito ng maskara na sakop ang buong mukha kaya hindi nila makita kung sino ito.

"Oh shit. The real Dale will kill me." Dale whispered. Nakita niya ang agresibong pagkilos ng kapatid papunta sa lalaki.

"What is she planning to do?!" sigaw ni Lysa dahil alam niya ang ganoong kilos. She kept on glancing towards Sho's direction dahil alam niyang alam nito ang posibleng mangyari.

"Nasa lalaking iyan ang susi sa kulungan ni Dale." sabi ni Dale.

"Oh no no! She's not gonna do that thing with him!" histerikal na wika ni Dana.

Gumapang si Alesia papunta sa kama sa nakakaakit na paraan. The next thing she did broke Sho's heart. Natahimik sila. Nakikipaghalikan ito sa lalaki na bahagyang itinaas ang maskara.

"Trust her." Tinapik ni Dale ang balikat ni Sho. Pinatay niya ang screen na mas ikinatahimik nila.

"This is the reason kung bakit siya naglasing ng gabing iyon, Sho." basag ni Lysa sa katahimikan. "She wants you to be her first but you rejected her."

Nagulat ang lahat sa narinig.

"Because I want to marry her first." mahinang sagot ni Sho na mas ikinagulat nila. Gulat dahil sa gusto nito at gulat dahil sa respetong ipinamalas nito.

"Alam naming hindi okay na makita mo iyon, Sho, pero kailangan nating malaman kung sino ang lalaking iyon." sabi ni Nathaniel.

"But---"

"It's fine, I can endure it. I must." putol ni Sho kay Clent.

Wala ng nagawa si Dale at binuhay ulit ang screen. Pero mas ikinagulat nila ang nakita. Naliligo si Alesia sa sarili nitong dugo. Sumisirit pa ang dugo sa leeg nito. Halo-halo ang nararamdaman nila para sa kaibigan pero mas nangingibabaw ang galit para sa gumawa nito.

"Shit! Archie?!" sigaw ni Lysa na  mas nakakuha ng atensyon nila.

Napatitig sila sa screen. Hinubad ng lalaki ang maskara at nginisihan sila na para bang alam nito ang panonood nila. Ganoon na lang ang gulat ni Sho ng makita kung sino ang nasa screen.

"Kuya?"

One word from Sho na ikinaguho ng mundo nina Dale, Lysa at Nathaniel.

~*~

ZOMBREAKWhere stories live. Discover now