25th Break: Alesia #2006

3.6K 175 18
                                    

25th Break
Alesia #2006

THIRD PERSON

NAALERTO ang lahat nang tumunog ang isang malakas na alarm. Nanggagaling ang alarm na iyon sa isang laptop na konektado sa speaker at siyang magsasabi kung nasaan ang taong hinahanap nila. The alarm will only trigger if she's mad or if she's using her ability with so much force.

Lumapit ang lalaking nakasuot ng surgical mask sa laptop at nagpipindot doon para patigilin ang alarm. Bumalik na rin sa kani-kanilang ginagawa ang mga taong nakasuot ng laboratory gown. With the help of their satellite, he found out where Alesia is. Hindi niya makita si Alesia dahil nasa loob ito ng building at tanging red dot lang ang sumisimbolo rito sa laptop. Ngunit kung gugustuhin niya talagang makita ang pisikal na anyo ng babae ay kayang-kaya niya rin namang gawin iyon matapos lamang ang ilang pindot.

Kahit kaya niya ay pinagkasya niya pa rin ang sarili sa red dot na iyon dahil mas gusto niyang makita si Alesia ng harapan. And he can't wait for that to happen. He's sure as hell that his little Alesia grew up so well.

"This is the third time that she used that power." A smirk formed on his lips while looking at his laptop. "Way to go, Alesia."

"Sir, should I go after her?" tanong ng babaeng nakasuot ng putting leather suit. Her hair is neatly tied in a high ponytail and she's wearing a white thin cloth to cover the half of her face. Ilong at baba lang niya ang natatakpan kaya kitang-kita pa rin ang mga mata niyang kulay pula. Nakatayo siya sa tabi ng boss niya dahil siya ang nagsisilbing sekretarya nito sa lahat ng proyekto nito.

"No. We're going to play her little game first." nakangising sagot ng lalaki at saka nahulog sa malalim na pag-iisip. An evil smirk appeared on his lips. "Pero ihanda mo ang isa sa kanila. I want to test that experiment with her."

Tumango lang ang babae na umalis din agad para sundin ang utos niya. He sat on his swivel chair and did something on his laptop again. Lumabas sa screen ang mapa ng Sitio Seven. There's a blinking red dot for Alesia's direction. At dahil alam niyang posibleng tulog ito sa paggamit ng kapangyarihan, pinagplanuhan na niya kung saan at kailan puwedeng ilabas ang bago niyang eksperimento para ipakilala rito.

He remembers what happened at the hospital after the zombreak begun. He saw how she saved those acquaintances of her and took the baby with them. And he will never forget the part when she mercilessly killed his creations. His little Alesia never fails to amaze him.

"Sir, Experiment #2006 is awake." imporma ng isang lalaking na nakaharap sa isa sa mga monitor. Lumapit siya roon at pinanood ang bawat kilos ng tinutukoy nito.

Nanatiling nakahiga sa kwarto si Experiment #2006 at papikit-pikit pa ang mga mata na waring pinoproseso ang nangyayari. She sat up while holding the comforter to hide her upper body since she's not wearing anything. May nakita siyang itim na bestida at sapatos sa gilid ng kamang hinihigaan niya. Pinagmasdan niya ulit ang paligid bago kunin ang damit at isuot iyon pati na rin ang sapatos.

Alerto itong lumabas ng kwarto para lang salubungin ng dilim. Hindi kabilaan ang hallway kaya nasa kanan lang ang tingin nito. Naningkit ang mga mata nito at biglang tumalon ng mataas kasabay ng paglipad ng tatlong espada papunta sa direksyon nito. Kinuha nito ang isa bago ito lumagpas sa kanya. Nang lumagpas na ang mga iyon ay siya namang pagbagsak ng babae sa sahig. Isa-isang bumukas ang mga ilaw sa hallway— no, hindi iyon basta-bastang hallway lang dahil kulay puti ang dingding at sahig na parang doon nanggagaling ang liwanag. Sa dulo ng hallway ay nandoon ang iba't ibang klase ng patalim na nakalutang sa ere. Hindi niya pwedeng gawin ang ginawa niyang pagtalon kanina dahil mula kisame hanggang sahig ang abot ng mga patalim.

Sa isang iglap ay mabilis na bumulusok palapit sa babae ang mga patalim. Sa halip na madismaya dahil mukhang wala itong balak umiwas ay naghintay pa muna sila ng ilang saglit hanggang sa makita nila ang hindi inaasahan. Malakas na ibinaon nito ang espadang nakuha sa sahig na naging dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay at pagtalsik ng mga espada pati na rin ang mga parte ng dingding at sahig na nagliparan. Muling dumilim ang paligid ngunit kita nilang naglakad ito palabas ng hallway.

"What are you going to do now?" tanong ng lalaki habang nakatingin sa screen. He wants to know what she will do after realizing her situation.

Sa dulo ng hallway ay may tatlo pa ring hallway na purong puti. Sa harap, sa kanan o sa kaliwa man ito dumaan ay pare-parehong dead-end na. Nakatayo ito sa pinakagitna nang may lumabas na laser sa bawat dulo ng apat na hallway. Mabilis ang paglapit ng mga ito sa sentro at kung hindi niya maiiwasan ang mga ito, malamang na mas malupit pa sa chop-chop ang aabutin ng babae.

Tumingala ang babae at nakitang may butas ang kisame. Tiningnan din niya ang apat na laser na malapit na sa kinaroonan niya. Hindi siya nagdalawang-isip na tumalon paakyat sa kisame. Doon ito dumaan hanggang sa muling makababa. Hallway pa rin ang binagsakan nito pero puno iyon ng zombies. Tinitigan nito ang mga zombies kaya nagtalsikan ang mga ito palayo rito. Napahawak ito sa ulo nang sumakit iyon dahil sa sobrang paggamit ng abilidad nito. At dahil nawala ang atensyon nito sa mga zombie na natitira ay nakagat din ito tulad ng mga babaeng nauna ngunit kamukha rin nito.

"Experiment #2006, also know as Alesia #2006, almost made it. Kung hindi lang sana siya dumepende sa abilidad niya." komento ng lalaking nagbalita na gising na ang babae. Oo, si Alesia ang babae kanina at marami pa silang kamukha niya. Narinig naman iyon ng boss nila na ikinatango nito.

"We really need Alesia to perfect the ZYX virus." He announced with an evil grin on his lips. Hindi na siya makapaghintay na makita ang dalaga. He wanted to play with her again like what they used to do.

You are only mine, Alesia.


ZOMBREAKWhere stories live. Discover now