17th Break: Playmate

4.1K 221 6
                                    

17th Break
Playmate

ALESIA

NAPAMULAT agad ako ng mga mata nang makarinig ng komusyon sa labas. Doon ko lang din napansin na gising na si Shaun at naglulumikot na. Agad kong kinuha ang baril na nakuha ko sa doktor noon at alertong binuksan ang tent. Sipa ang agad na isinalubong ko sa sumilip. Agad kong binaril ang zombie na sinira ang tent malapit sa pwesto ni Shaun.

Shit. Shit. Shit! Hindi ko alam kung nakailang mura na ako habang nagpapaulan ng bala. For your information, the gun that I'm holding has a large capacity of bullets. Maraming beses ko na itong ginagamit ngunit tila marami pa ring bala ang nasa loob nito. Ito lang ang ipinagpapasalamat ko mula ng may makaharap akong kamiyembro nila.

I immediately carried Shaun and brought the sword with me. Nakikita ko sina Sho na nakikipaglaban din sa mga zombie. Mahirap man pero nagawa kong ilagay ulit sa carrier si Shaun. Medyo nahirapan ako dahil nakikipaglaban din ako. Nang makahanap ng tiyempo ay mabilis akong umakyat sa puno at pumuwesto sa sanga. I showered bullets below me. I can't fight within short range because of Shaun but I can help them by being their sniper.

Pero hindi pa rin sapat. Hindi na ako mapakali sa pwesto ko dahil parami na ng parami ang mga zombie na hindi ko alam kung saan nagmumula. Hindi na sapat ang pagbaril ko lang mula rito sa puno.

"Mich! Kaya mo bang umakyat dito?!" I shouted at the top of my lungs. Wala akong pakialam kung marinig ako ng mga zombies! Tumango siya at mukhang nabasa ni Sho ang iniisip ko. Sa tulong nina Sho ay nakaakyat si Mich dito.

"A-anong gagawin ko, Alesia?" tanong niya nang hubarin ko ang carrier na kinalalagyan ni Shaun.

"Tutulong ako sa baba. Protect Shaun, okay? And keep shooting every zombies nearby. Unahin mo 'yong mga malalapit, huwag muna 'yong mga parating." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at tumalon na mula sa puno kasabay ng paghugot ko sa espada at paghiwa ng ulo ng mga zombie na nasa kababagsakan ko. I landed perfectly and didn't hesitate to start attacking again.

It's either I slashed their heads off from their body or slashed their body into halves. Bloody? Yes, but it's the only way to kill them eternally.

Ilang oras na ang lumilipas pero ang dami-dami pa rin nila at napapagod na 'ko. Pati sina Sho ay nanghihina na rin at malapit ng maubusan ng bala. Nasa likuran ko na silang lahat at ramdam ko na ang takot nila sa posible nilang kahinatnan.

Okay, Alesia. You have no choice but to use this.

I heaved a sigh and glared at the zombies in my front. I saw how they stiffened and collapsed into the ground. Narinig ko rin ang pagsinghap nila na nagulat marahil sa ginawa ko. Naitukod ko ang espada sa lupa dahil sa biglaang panghihina.

So, this is the disadvantage, huh? I looked up at the sky as if I was talking to it.

"Alesia!" I heard them shouting my name and asking if I'm okay.

Huh?! Of course, I'm not! Sila kaya ang ilagay ko sa sitwasyon ko?! Tss. Napailing na lang ako.

You can do this, Alesia. You can. I mentally chanted and stood up. Lumingon ako sa kanila at ang grupo naman ng mga zombie sa banda nila ang tinitigan ko. At tulad kanina ay natigilan din ang mga ito bago matumba at mangisay sa lupa. Sa pagkakataong ito ay napaluhod na ang isa kong tuhod sa lupa. Nakakapit ang kanang kamay ko sa nakatayong espada at nasa dibdib ko ang kaliwang kamay habang umuubo... ng dugo.

I raised my right hand to stopped them from coming near me. I gathered all of my strenght and stood up again. Tumingin ako sa langit bago buong lakas na hugutin ang espada para lang ibaon iyon muli sa lupa kasabay ng paglabas ng isang malakas na vibration na aabot sa buong kagubatan. I smiled when I sensed that all of the zombies within the area are dead. With that, I let myself fall into the ground while looking at Shaun's direction.

"You did great, Sia." Nang marinig ko ang boses niya ay doon ko lang napagtanto na hindi ako tuluyang nahiga sa lupa.

"Sho..." I was about to say something when the dark consumed me.

"YOU can hide but you can't escape from us."

"Go! Run, our little Alesia, run!"

"Where are you, little Alesia? It's time for our favorite game!"

"This won't hurt a bit. Just too much!"

Nasa madilim akong lugar at tanging mga pamilyar na boses lang ang naririnig ko. Mga boses ng mga taong kinamumuhian ko.

"You hated us but you used one of the abilities we implemented in you? How pathetic?!" A sarcastic laugh echoed in this whole darkness.

"You can't run away from us, our little Alesia!"

"We're excited to see you again!"

Napatakip ako sa tenga dahil sa matinis na mga pagtawang iyon. My body is starting to shiver because of my mixed emotions. Napaupo ako at umiiling-iling.

"Oh no no, dear, we're going to play again."

"Tigilan n'yo na 'ko!" I shouted angrily. Ramdam ko ang mabilis na paghinga at panginginig ng katawan ko. Nakakuyom ang mga kamao ko sa sobrang galit at takot na nararamdaman. I know you can hear me, fucktards.

"We won't. You're our favorite playmate, remember?"

"Tangina n'yo, playmate." I whispered and closed my mind and eyes. Talagang hindi ako lulubayan ng mga tanginang iyan, ha?

I calmed myself first before opening my eyes. Nagulat ako nang makitang nakatingin silang lahat sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay para itago ang hiyang nararamdaman. They probably heard me shouting and cursing some evil jerks.

"Ano bang problema ninyo at lagi n'yo akong tinititigan, ha?!" angil ko na ikinaiwas naman nila ng tingin. Napailing ako at inilibot ang tingin sa paligid. "Ano bang nangyari? At kaninong kwarto ito?"

Yeah, act like a fool, Alesia.

"Mine." sagot ni Nate at nginitian ako. "We're in Seven Nicholas."

Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang itinuro. "Oh tamang-tama! Malapit lang ang Nicholas Academia rito, Nate! Kumuha ka na ng school bus!"

"Have a rest first, Alesia!" suway ni Sho na ikinairap ko.

Eh? Nasa tabi ko pala si Shaun?

Tulog ang bata sa tabi ko at mukhang bagong bihis ito. Huh? Sinong nag-asikaso sa bata ko?

"Anyway, may na-injured ba sa inyo?" tanong ko at tiningnan sila isa-isa. "Nakagat? O an-"

"I don't wanna be rude but all of you needs to get out for now. This hard-headed girl needs a rest." suway ni Sho na agad namang sinunod ng mga ito na ikinasimangot ko. "So, wanna tell me how did you do that?"

Sa halip na sumagot ay umayos ako ng higa. "Rest 'di ba, Sho? Rest, 'no?"

Wala akong nakuhang sagot kaya nagtalukbong ako ng kumot at ngumisi. "Sige. Rest in Peace na lang sa iyo riyan baby boy."

Akala mo makikipag-usap ako sa iyo? Neknek mo! I mentally laughed evilly before sleeping again.

ZOMBREAKWhere stories live. Discover now