27th Break: Shock

3.2K 210 14
                                    

27th Break
Shock

MICHONNE

ABALA kami sa pagluluto ni Lysa habang nanonood lang si Nathaniel sa amin. Mamaya na lang daw niya ipagluluto ng soup si Alesia pagkatapos naming magluto.

"Anong lulutuin n'yo?"

"Sinigang na baboy." sagot ko habang abalang maghalo sa kaserola. "Puwedeng magtanong?"

"You're already asking."

"Iyong seryoso kasi, Nathaniel." Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam kong hindi tayo close pero kilala mo ba si Dale?"

"Yes, kaibigan ko." sagot niya na ikinabuga ko naman ng hangin.

Kainis. Alam niyang marami akong itatanong at sinusubukan niya na agad akong pigilan.

"Huwag mong kausapin iyan. Walang kwenta lang mga isasagot n'yan." saad ni Lysa na nagbabantay naman sa sinaing. "Abnormal 'yan, eh."

Napatawa naman ako dahil tama siya. Tumigil ako sa paghahalo at tinakpan ang kaserola bago tuluyang harapin sila.

"Ah, parang 'yong boyfriend mo?" sarkastikong saad ni Nathaniel. "Eh, mas abnormal pa nga 'yon sa akin dahil kayo lang ni Alesia ang kinakausap no'n."

"Eh? Boyfriend mo 'yon?" gulat na tanong ko at nanlalaki ang mga matang nilingon siya.

"Bakit parang imposibleng mangyari 'yon base sa tono ng pananalita mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Lysa habang nakataas ang kilay. "Maganda ako, gwapo siya, couple kami."

"Hindi naman sa ganoon. Hindi ko lang kayo nakikitang sweet." agad na depensa ko na ikinatawa ni Nathaniel.

"Maton kasi 'yan!" pang-aasar pa niya.

"Shut up, you moron!" Binato ni Lysa si Nathaniel ng pot holder na nasalo naman nito. "And to answer your question, siyempre saka na ang landian. Kailangan munang maka-survive bago kumalampag."

"Uh, may point ka naman." Tumango-tango ako sa kanya at muling hinarap si Nathaniel. "Ano bang relasyon ni Dale kay Alesia?"

"Aba, malay ko sa dalawang 'yon." balewalang sagot niya at saka kumuha ng hilaw na karot para nguyain iyon. Wala naman ng balat iyon at hugas na rin kaya ayos lang na kainin niya.

"Akala ko ba kaibigan mo si Dale tapos niligawan mo rin si Alesia? At ngayon sasabibin mong wala kang alam? Paano kung boyfriend niya 'yon?!" inis na sigaw ko.

"Imposible. Alesia don't do commitments." kalmadong sagot niya at seryoso kaming tiningnan. "Kapag nanligaw ka, patitigilin ka niya agad. Sasabihan ka niya ng pamatay niyang linya na, 'Are you ready to die just to be with me?'. At doon na magaatrasan ang mga duwag niyang manliligaw. Pero para sa mga katulad ko, ako na lang ang sample tutal ako lang naman ang malakas ang loob. Minsan dine-date ko siya, para sa akin 'date' namin 'yon pero para sa kanya isang galaan lang 'yon na makakalibre siya."

"Wow! Grabe!" Humagalpak ng tawa si Lysa na may kasama pang pagpalakpak.

Natawa na rin tuloy ako. Kakaiba nga talaga siya.

"Kung hindi siya nagbanta at pinatigil agad ako ay lalagyan ko talaga ng meaning ang bawat labas namin kahit pa para sa kanya ay wala lang 'yon. Tapos si Dale binabakuran niya naman si Alesia. Not in a romantic way, ha? He's overprotective of her like a brother. Pero wala naman siyang nagagawa kapag pumayag na si Alesia na sumama sa akin." dugtong ni Nathaniel. "Wala siyang pakialam basta makalibre siya. Sa kakalabas namin ay saka ko napagtanto na gusto ko lang siya bilang kaibigan. Nagkakasundo lang kami ni Dale kapag may gustong makipag-away kay Alesia. Alam n'yo naman ang bunganga no'n, walang preno kaya laging nakakahanap ng gulo."

"Aw, ang sweet n'yo naman." komento ni Lysa at napatango-tango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Alesia is a unique lady. Mukha lang siyang walang pakialam pero sa loob-loob no'n grabe 'yon mag-alala. Parte na rin ng pagkatao niya ang mamilosopo at maging brutal pero grabe naman 'yon magmahal. Kita n'yo naman kung paano kayo protektahan no'n bilang mga kaibigan niya." Sinserong ngumiti siya. "Masuwerte ang lalaking mamahalin niya."

"Pero hindi lang siya ang swerte. Maswerte rin tayo dahil naging kaibigan natin siya." wika ko at ngumiti. "Tawagin n'yo na sila, pwede ng kumain."

"Kayo na ang umakyat. Ako na lang ang magbabantay dito." saad ni Nathaniel. "Magluluto na rin ako ng soup ni Sia."

Tumango ako at hinila na si Lysa. Pag-akyat namin ay naabutan naming pinipigilan na naman ng mga lalaki sina Nicole at Dana na mag-away ulit. Parehong sabog ang buhok nila at pareho rin silang humihingal. Si Migo naman ang may hawak kay Shaun na panay ang iyak.

"What is your problema na naman ba?! I'm not doing anything naman sa iyo kaya why are you always galit sa akin, ha?!" galit na sigaw ni Nicole.

Sa totoo lang ay ayaw ko sa kanya. Totoo ang mga sinabi ni Dana sa kanya kanina. Kung hindi dahil sa kanya, hindi malalagay sa panganib ang mga kaibigan ko at hindi mawawalan ng malay si Alesia dahil sa paggamit ng kapangyarihan niya. Hindi ko rin masisisi kung bakit galit na galit si Dana sa kanya. Galit din ako pero hindi ako katulad ni Dana na lumalaban kapag kinakailangan. Hanggang salita lang ako, hindi gaya niya na kayang-kaya makipagpisikalan.

"Huh! At aarte ka pang inosente ngayon?! Kitang-kita ko kung paano mong sinubukan na patayin si Shaun!"

Sa isang iglap ay natahimik ang lahat nang umangat ang mga kagamitan sa loob ng kwarto at nagsimulang magpatay-buhay ang ilaw.

"Shit! Alesia, calm down!"

Nang dahil sa boses na iyon ni Dale ay napatingin kaming lahat sa pwesto nila. Bumangon si Alesia na parang robot.

What's happening to you, Alesia?

Tumayo siya at mabagal na naglakad papunta sa bintana. Pilit naman siyang pinipigilan ni Dale.

"What's happening to her?!" tanong ni Sho na hindi rin malaman ang gagawin at lumapit kay Alesia.

"No, no, no! You can't tell them where you are! Can someone calm her down?!" Halos maiyak na si Dale sa pilit na paghila kay Alesia palayo sa bintana. "Sinasabi ko sa inyo, mamamatay tayong lahat 'pag hindi natin siya napigilan!"

Pinakawalan naman ng mga lalaki si Dana at pinuntahan na rin si Alesia. Nakayakap na sa mga binti niya si Dale at hawak na rin siya ni Sho sa bewang pati ang iba ay nakisama na pero nakakahakbang pa rin siya.

"Oh my gosh! She's so abnormal talaga!" irit na naman ni Nicole.

Itinaas ni Alesia ang kamay at parang plano niyang gamitin ang kapangyarihan para lang makawala sa hawak ng mga lalaki. Ngunit sa isang iglap ay nagsibagsakan ang mga gamit, namatay ang mga ilaw at nahimatay si Alesia matapos siyang halikan ni Sho... sa labi.

Kinikilig ako!

"You... Why the hell did you kissed my sister?!"

"What?!" reaksyon naming mga nagulat.

"Ahm... Anong nangyayari?" Napahawak sa sentido si Alesia at bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya nang may maalala. Walang pasabing bumaba siya sa pagkakabuhat ni Sho at lumapit kay Dale. "Do they already know, Kuya? Naramdaman ko ang paghila nila sa akin. But wait, why is Shaun bleeding?!"

"Alesia—" Bago pa matapos ni Migo ang sasabihin ay nakalapit na sa kanya si Alesia at sa isang iglap lang ay nakuha na niya ang bata samantalang si Migo ay nakasubsob sa sahig at inaapakan ni Alesia ang ulo.

"What did you do?" madiing tanong niya. Walang nakapagsalita sa amin sa gulat. Gulat para sa ginawa ni Alesia at gulat para sa dumudugong pisngi at braso ni Shaun na hindi namin napansin kanina.

"Let him go." mariing saad ni Lysa. "Alam mong hindi niya kayang saktan ang bata."

Nagtitigan sila ni Alesia pero hindi pa rin niya binitawan si Migo.

"Hindi siya, Alesia. Si Nicole ang gumawa niyan." wika ni Dana. "Plano niyang saksakin ang bata. Nagawa ko namang pigilan ngunit nadaplisan pa rin siya."

"Hmm..." Tumango si Alesia at pinakawalan na si Migo na agad dinaluhan ni Lysa. Binigay niya kay Dale si Shaun at hinarap si Nicole. "Hi, I'm Alesia Montes, the daughter of Lucifer and I'm here to kill you."

ZOMBREAKWhere stories live. Discover now