49th Break: Plan and Shits

2.6K 146 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

"I DIDN'T know that you fancy my step-brother huh?"

"I didn't know that you become this nosy huh?" She mimicked him. Nakatanggap tuloy siya ng masamang tingin mula sa lalaki na tinawanan lang niya. "Ano na ang plano n'yo sa 'kin? Gano'n pa rin ba? Still wanting to conquer the world with me?"

Naglalakad sila papunta sa ikatlong palapag ng underground base ng mga ito. Ang ikalawa at ang unang base lang naman ang inatake niya dahil ang kapatid lang ang kanyang pakay. Nakikita niya ang mga siyentista na abala sa mga ginagawa. Binalewala niya ang masasamang tingin ng karamihan dahil siguro sa ginawa niya kanina lang.

"Yep, walang nagbago." Hinila s'ya ni Archie palapit dito at hinawakan sa bewang. "Stop looking that way to my fiancee."

She gave them her sweetest smile. Yung tipong mas maaasar sila lalo sa kanya. Nakita niya ang pag-ismid ng iba.

"Pakiturukan muna ako ng anesthesia kapag sinimulan n'yo na ang gagawin n'yo sasakin. Thank you." Humarap siya kay Archie. "Make it happen, love. I want it to be painless."

"Sabi mo e." sagot nito at inakay na ulit siya. "Pero wala munang gagalaw sa 'yo. I told them to give us a week. Anyway, anong nagustuhan mo sa kapatid ko? He's not a Bagatsing. Magkapatid lang kami sa ina."

Alesia bit her lower lip to prevent herself from laughing out loud. She calmed herself. "I didn't know na galing ka sa kilalang pamilya."

Isa ang pamilya nito sa mga makapangyarihang tao sa Sitio Seven. 'Yon nga lang ay hindi niya bet ang apelyido ng mga ito.

"Yep." May binuksan itong pintuan at tumambad sa kanya ang dalawang hilera ng mga pintuan. "Dito kami natutulog mula ng magsimula silang ilabas ang mga zombie."

"Can I ask private things?" tanong niya habang nililibot ang tingin. Hindi niya mabilang kung ilang pintuan ang nandito at hindi rin niya makita ang dulo ng daanan.

"Oo naman. You're gonna be my wife soon kaya dapat ay may alam ka na sa kalakaran ng pamilya."

Binuksan nito ang isa sa mga pintuan at iginiya siya papasok. Tumambad sa kanya ang isang malaking kwarto.

"Hindi ka ba takot na baka traydurin kita?"

"No. Dahil 'pag ginawa mo 'yon, I will kill Sho's mother and put the blame on you. That idiotic step-brother of mine is a mama's boy. Malamang magagalit 'yon sa 'yo. I don't care about her anyway. Lagi niya kaming kinokontra ni Dad." Hinalikan siya ni Archie sa agresibong paraan. "Nasa kanya man ang puso mo, nasa akin naman ang katawan mo."

"Wait." pigil niya sa akmang paghalik ulit nito sa kanya. "Amoy dugo pa ako. Nanlalagkit na rin ako---"

"That's okay. Ang tagal ko ng naghintay sa pagkakataong ito, love. You never let me kiss you noong tayo pa. Isa pa, all of the board members in this project will come here later. Wala na tayong oras mamaya."

Wala na siyang nagawa ng halikan ulit siya nito. Agresibo iyon at mapaghanap. Ramdam niya ang panggigigil nito sa kanya dahil sa diin ng hawak nito. Bago pa man mapunta sa pribadong parte ng katawan niya ang kamay nito ay pinutol ng niya ang halik. Doon lang din niya napagtanto na nasa kama na sila.

"Naaalibadbaran na talaga ako, love. I really need to take a bath lalo na at ito ang first time ko." Saglit niyang inilapat ang labi rito bago ito itulak. Tumayo siya at kinindatan ito. "I want my first to be memorable."

"WHERE'S Alesia?" tanong ni Dana.

"Kailangan na nating umalis dito." sagot ni Lysa na kakapasok pa lang. Kasunod nito ang iba pa nilang kaibigan na pagod at matatamlay ang itsura.

"Is he the real Dale?" tanong naman ni Clent na nakatingin sa akay ni Andrei. "Nasaan si Sho?"

"Yes. Nasa kanila na si Alesia at… tulog si Sho sa sasakyan." sagot ni Nathaniel na napahawak sa sentido. "Kailangan siyang patulugin dahil nagwawala."

"Sa sasakyan na lang tayo mag-usap." sabi ni Angelo na agad nilang sinunod.

Wala silang oras na dapat sayangin. Ang replika ni Dale ang nagmamaneho. Kasunod nila ang mga tauhan nina Alesia.

"We're going to the border." Dale started. "I'm the real Dale so call me by my name. And Stupid Dale for him."

"I'm not stupid!" reklamo ng replika niya.

"Oh shut up." putol ni Lysa bago pa man mag-away yung dalawa na napanguso na lang.

"Hi there, Lysa!" sarkastikong wika ni Dale na kumaway pa. Nabawi na niya ang lakas kaya may gana na siyang mangulit ngayon.

"Tss. Just tell us everything. At ano 'yong ibinigay ni Alesia sa 'yo?" Inirapan niya si Dale.

"Alesia has a plan. Hindi ko nga lang alam kung ano." Napaisip si Dale. "Pero tiwala akong hindi siya gagawa ng ikakapahamak niya. If she do, she will put us in danger too. Masasayang ang pakikipag-deal niya sa lalaking 'yon."

"Pero mag-isa lang siya, kakayanin niya ba?" nag-aalalang tanong ni George.

"Don't underestimate my sister." Ngumisi si Dale. "Magagawa na niya ang gusto niya dahil mag-isa na siya ngayon."

Pagdating nila sa border ay nakababa na ang tulay. Maayos silang nakalabas ng Sitio Seven. At… may naghihintay pa sa kanila.

"Oh, baby Dale!"

"Shit." Dale cursed. Narinig niya ang sigaw dahil nakababa ang bintana. "Hey, Stupid Dale, magpanggap kang ikaw ay ako."

"Bakit naman niya gagawin iyon?" tanong ni Mich. "Sino ba 'yong lalaking sumigaw? Saka 'yong babaeng katabi niya? They look familiar…"

"Of course, they're our parents!" sabi ni Dale. "Pakigising si Sho. He's going to meet his in-laws."

"And that's the problem, Dale." sabi ni Nathaniel na may nababahalang tingin at boses. "He's gone. Natakasan tayo."

Matapos niyang sabihin iyon ay sumara na ulit ang tulay kasabay ng isang napakalakas na pagsabog mula sa Sitio Seven.

"Shit."

~*~

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon