Chapter 5

16.3K 243 17
                                    

#FITTL | Chapter 5

Nagising ako sa isang hindi kilalang lugar, nakahiga sa kama na para bang basta nalang akong inihagis doon.

Bumangon ako at mariing napapikit ng maramdaman ang pagkirot ng sintido ko, hang over.

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid, halos kasing laki lang ito ng kwarto ko sa apartment, kakaunti lang din ang mga gamit.

Tumayo ako habang pilit na inaalala ang lahat ng nangyari kagabi, nag-inom kami ni Sunshine at nalasing, naglakad sa kung saan at... nakatulog.

Shit, si Sunshine!

Mabilis akong lumabas ng pinto, nilingap ko ang paligid at basta nalang tinahak ang daan na sa tingin ko ay daan palabas dito. Mistula akong nasa maze hanggang sa may maulinagan akong ingay, may nagpapatugtog!

Hinanap ko ang lugar na 'yon hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa parang kitchen, may isang lalaking nakatalikod doon na tila nagluluto. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang anyo nito––si Hestian!

Nagpapatugtog ito sa isang bluetloth speaker, hindi ko alam ang title pero alam kong pang-disco ang kantang 'yon.

Shit, anong ginagawa namin dito? Bahay niya 'to panigurado.

“Oh, hello, sugar..” bati nito, hindi ko napansin na nakaharap na pala siya sa'kin. “How's your sleep?” tanong niya, hindi pala siya nagluluto kundi naghahanda ng pizza, naka-box pa iyon kaya sa tinggin ko ay pina-deliver niya lang 'yon.

Hindi ako sumagot.

“You didn't call or text me,” nakataas ang isang kilay na sinenyasan niya akong lumapit at maupo.

“A-ah, nawala kasi yung cellphone ko..” pagsisinungaling ko at naupo sa upuan kaharap niya.

“Fucking lies.” usal niya at nagsimula ng kumain, ganito ba lagi ang almusal niya? Pizza at... Gatas?

Oo, naka-gatas siya! Nakakatawa lang tingnan na sa laki niyang 'yon, umiinom pa siya ng gatas.

Napansin niya atang nakatingin ako sa gatas niya, “You want my fucking milk?” kunot noong tanong niya.

Umiling ako. “Actually, No. Kape ang iniinom ko sa umaga, hindi gatas.” sagot ko na may pilit na ngiti, awkward lang kausap ang isang naka-one night stand ko.

“You're drunk last night.”

“Wala kang pakielam.”

“Yeah, who says I fucking do?”

Umingos ako, “Nasaan yung kasama ko?”

Nagkibit-balikat siya, “Eian took her early in the morning, maaga siyang nagising at naabutan siya ng kapatid ko, and then..” itinuro niya ang sugat sa gilid ng bibig niya.

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat, “Minolestiya mo ang kaibigan ko!?”

Sumimangot siya, “Fuck that. My bro also think the same ang punch the fuck out of me, like fucking shit do I look like a rapist or something like that?” gusot ang mukhang reklamo niya.

Umawang naman ang bibig ko, “Sorry..”

“Tsk.” marahas niyang kinain ang pizza, at parang gigil na ngumuya.

“Wala ka bang maayos na pagkain dito?” tanong ko at iginala ang paningin sa paligid, nagugutom na rin kasi ako at kanin ang inaalmusal ko.

Saglit siyang natahimik bago nagbaba ng paningin, “I don't know how to cook.”

Fuck It To The Limit | CompletedWhere stories live. Discover now