Chapter 9

14.5K 209 23
                                    

#FITTL | Chapter 9

Masama ang tingin na inilapag ko sa harapan niya ang isang tasa na naglalaman ng kape.

“Uhm, I prefer milk––”

“Hindi ako naggagatas.” pagputol ko sa sasabihin niya.

“Oh..” usal niya at nagbaba ng tingin sa kape,  inilayo niya rin ito sa sarili niya.

Tsk. Ang arte, pag hindi gatas talagang hindi niya iinumin? Sa laki niyang 'yan talagang gatas pa ang nakahiligan niya?

Tumikhim siya at pinanood ako sa pag-inom ko ng kape, “So as I said, I like you.”

Tinaasan ko siya ng isang kilay, “Like?”

Tumango siya at pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa, “I like you. And you should be happy,” mayabang na aniya. “I want you to be my girl for at least a month.”

“Neknek mo.” ismid ko at inirapan siya. Kung maka-alok siya ay parang binebentahan niya lang ako ng isang gamit.

Nagusot ang mukha niya, “Just what the fuck? What's wrong with your taste?”

“Alam mo kasi, hindi ako katulad ng mga ikinakama mong––” saglit akong napatigil ng ngumisi siya, sa ginawa niya'y biglang pumasok sa isip ko na may nangyari na nga pala sa'min. Umirap ako, “Yung nangyari sa'tin, hanggang do'n nalang yun. Hindi ako katulad ng mga babae mo na magkakan-darapa para lang makuha ang atensyon mo.”

Nangalumbaba siya sa lamesa at taimtim akong tinitigan.

“At alam mo rin Hestian, kung gusto mo talaga ang isang babae dapat ikaw ang sumusuyo sa kanya hindi yung ikaw pa itong nagpapahabol. At higit sa lahat, dapat nirerespeto mo siya, hindi yung gapangan ka lang ng init ng katawan yayariin mo na agad kung saang lugar kayo abutan. Example, sa parking lot––” naputol ang sasabihin ko ng malutong siyang tumawa.

“What you saw that night, is a prank––”

“Prank mo, mukha mo.” simangot ko.

“Ok, continue.” seryoso ng aniya at sinenyasan akong magpatuloy.

“Dapat rin na respetuhin mo ang desisyon niya, kung ayaw niya sa'yo, edi huwag mo ng ipagpilitan pa 'yang sarili mo.” sandali akong tumigil para humigop ng kape. “At huwag mo siyang binubulabog sa kalagitnaan ng tulog niya. Example, pupuntahan mo yung apartment niya at pipiliting buksan ang pinto gamit ang card––”

“Enough with the examples.” singit niya, nahalata na ata niya na ang mga tinutukoy ko sa halimbawa ko ay yung mga pinaggagawa niya.

Humalukipkip ako. “Teka nga, hindi naman siguro sermon ko ang ipinunta mo rito?”

Sumandal siya sa upuan, “Actually, I want to have sex with you that's why I came here.” aniya na halos magpaluwa sa mga mata ko, bakit ba walang filter ang bunganga nito?

“Ang bastos mo!”

“I'm just being honest here, sugar.”

“Tigilan mo nga 'ko sa kaka-sugar mo na 'yan.”

“But I love sweets.”

“Hindi ako asukal, at mas lalong hindi ako matamis!”

“Can I taste you again, then?”

“Bwisit ka!” hindi ko na kinaya kaya tumayo na ako at lumabas ng kusina.

“I'm serious when I told you that I like you, Skyline.” sambit niya na sumunod pala sa'kin.

Inis ko siyang hinarap, “Maghanap ka ng ibang maloloko mo.”

Hindi kasi ako naniniwala na magugustuhan niya ako sa ganoong kaikling panahon. Ano 'yun like at first fuck? Tsk, sa dami ng nai-kama niyan, malamang na sanay na siya sa 'no commitment, just fuck'.

“I'm not playing around. Yes, I'm a fucker. But I am not a liar.”

Natigil ako sa pagsasalita, wala akong nagawa kundi ang mapatitig nalang sa mga mata niya. Sinusukat kung totoo ba ang mga sinasabi niya.

“I'm blunt and cocky, but spare me, I hate lies.” dagdag pa niya.

Nag-iwas ako ng tingin, “Tss. Patunayan mo nga––” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilis niyang hulihin ang mga labi ko. Napasinghap ako kaya mabilis na nakapasok sa loob ng bibig ko ang mainit niyang dila, ang isa niya ring palad ay nakadiin sa batok ko para hindi ako makalayo.

Ang ibig kong sabihin sa sinabi ko kanina ay patunayan niya sa ligaw, hindi sa ganitong paraan!

Hinihingal na humiwalay siya sa'kin pagkatapos, ang mainit niyang hininga ay tumatama sa mukha ko.

“There.” aniya ng nakataas ang isang gilid ng bibig.

Gamit ang buo kong lakas ay itinulak ko siya, lumayo naman siya.

“Nakakainis ka!” singhal ko sa kanya, mahina siyang tumawa at muli lang akong nilapitan.

“I know, sugar. I fucking know.” magaspang ang boses na aniya, dinampi-dampi niya ang labi niya sa labi ko habang iginigiya ako papunta sa kung saan.

Segundo lang at naramdaman ko na ang likod ko sa higaan, pumaibabaw siya sa'kin at pinagpatuloy ang ginagawa.

Mariin ngunit mabilis, tila ako tinutukso. Nang hindi ko maabutan ang mga labi niya ay ipinulupot ko na ang mga braso ko sa leeg niya at hinila siya padiin sa'kin.

Gumanti ako ng halik, ramdam ko rin ang pagngisi niya sa pagitan ng halikan namin. “So, what does it mean, hmm..” tanong niya ng saglit na pakawalan ang labi ko.

Lumiyad ako at kagat-labing napatingala ng maramdaman ang isa niyang palad na naka-ibabaw na sa suot kong shorts.

“Tell me, hmm..” aniya at ibinaba ang halik sa leeg ko.

“Ohh.. Shit..” tangi kong naiusal.

“I'll take that as a yes.” pinal na anunsyo niya bago binaklas ang braso kong nasa leeg niya, “As much as I want to make it with you, vanilla ice cream. I can't, I respect you.” kindat niya at lumayo sa'kin.

Kumuyom ang panga ko, bigla ay nagsisi ako kung bakit ko pa siya pinayuhan kanina.

At saka anong vanilla ice cream? Bakit ba ang dami niyang alam? Kung anu-ano na ang itinatawag niya sa'kin.

“I should go now.” tila inaantok na aniya at muling yumuko para halikan ako sa labi, “See you around.” dagdag pa niya bago ako talikuran at iwan.

Napatitig nalang ako sa pintuang nilabasan niya habang pinoproseso sa utak ang mga nangyari.

Bumigay ba ako?

Shit.

Mabilis akong napabangon, lumabas ako ng kwarto sa pag-aasam na maaabutan ko pa siya. Pero wala, wala na maski anino niya at nakasara na rin ang pintuan.

Inakala niya bang kami na? Pero hindi ko naman siya sinagot ah?

Napapikit ako ng maalalang assumero nga pala ang isang 'yon, malamang na inakala niyang gusto ko rin ang ideya niya.

Pero hindi nga ba?

Para kasing ayos lang sa'kin, kalahati sa utak ko ay sinasabing subukan ko, habang ang isa pa'y sinasabing baka ikagulo lang ng pag-iisip ko ito.


|itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedWhere stories live. Discover now