Special Chapter

10.8K 156 3
                                    

#FITTL | SCS_1

( Ch. 28 cutted scene )

“Stop. She's my little sister.”

“What!?” natigil si Hestian sa pagsubok na patamaan ng suntok si Van at naguguluhan akong nilingon.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napaiwas ng tingin, iniisip ko na baka kung ano na ang iniisip niya. Malamang na alam niya ang trabahong tina-trabaho ng pamilya ko dahil malapit siya kay Van, kung tutuusin nga ay bago iyon since hindi naman pala-kaibigan ang kapatid kong iyan.

“Oh fuck, yeah, Forbes. Blue eyes, almost same looks. Fucking hell, I forgot!” histeryo niya at matagal pa akong tinitigan bago ilipat kay Van ang paningin niya, pag'kwan ay naiiling itong napasuklay sa buhok.

“Dumb. So now as you've said, what we have is over.” usal ni Van, nanlaki ang mga mata ko ng mula sa likuran niya ay maglabas siya ng isang 45 caliber na baril. “You,” tawag niya sa pansin ko, “Come here.” dagdag pa niya at sinenyasan akong pumunta sa likuran niya.

“Kuya, ano ba 'yan? Ibaba mo nga 'yan!” tili ko at hindi malaman ang gagawin, mas lalo akong nataranta ng ikasa niya iyon at itutok kay Hestian.

“Are you fucking kidding me?” kunot noong tanong ni Hestian, wala siyang pakielam kahit may baril ng nakatutok sa kanya.

“Sadly but, I am not.” matabang na sabi ng kapatid ko, muli ako nitong sinenyasan.

“But I didn't know!” singhal ni Hestian at unting-unting nilapitan si Van.

“Not my fault.” ngisi nito.

“That's your fault since you didn't tell me!” hiyaw ni Hestian at mahinang hinawi ang baril na nakatutok sa kanya, umawang ang bibig ko ng basta niya nalang inakbayan ang kapatid ko at natatawa itong binulungan.

“No, you said we're over. Get off, you're my enemy now.” rinig kong walang buhay na sagot ni Van sa ibinulong sa kanya ni Hestian.

“Come on, don't you want me for her?” gusot ang mukhang ani pabalik rito ng hudyo.

“How about, I'll shoot you in the head?” kunot noong tanong ni Van pero ang baril naman ay isinusuksok na pabalik sa likuran niya.

Nakahinga ako ng maluwag, hindi ko alam kung kailan pa sila naging magkaibigan pero tingin ko naman ay kumportable sila sa isa't-isa. 'Coz knowing my brother? Malamang na kung ibang lalaki si Hestian ay kanina pa nakahandusay sa sahig 'yan at naliligo sa sarili niyang dugo.

Bigla ay naaalala ko si Leon, pinatay siya ng kapatid ko.. Kaya pala wala na akong naging balita sa kanya matapos ang ilang linggo naming paghihiwalay.

“Are you serious, man? Even Blackwell know that we're together for months now.”

“As if my gun cares, Napier––” ngisi ni Van, natigil lang ito ng sa tingin ko ay tumunog ang cellphone niya. Walang salita nitong inalis ang braso ni Hestian sa balikat niya at naglakad paalis.

Nagkatinginan nalang kaming dalawa.



| itsmezucky

================================







#FITTL | SCS_2

[ Someone's POV ]

Sa mansyon ni Don Halton, magkaharap na nakaupo ang mag-amang Forbes habang ang matanda ay miya't-miya ang paghithit at pagbuga ng usok mula sa hawak nitong tabako.

Ang binata naman ay blangko lang na nakatingin sa kawalan habang nakadipa ang mga braso sa sandalan ng inuupuang sofa, ang binti nito ay nakadekwatro at marahang tumatapik sa hangin.

Naputol ang katahimikan sa lugar ng dabog na bumukas ang dahon ng pinto, doon ay pumasok ang isang babae bitbit ang isang taong dinakip nito kanina sa simbahan matapos ang malaking gulo.

“How's my sister, Lily?” tanong ng binata sa babaeng tinawag na Lily, bumuga ng hangin ang huli bago marahang umiling.

“Napuruhan siya ng babaeng 'to, at aalamin ko palang mamaya kung anong lagay niya. Pero sa ngayon ay nasa emergency room na siya at inaasikaso ng doktor.” kalmado ang boses na sagot ni Lily, sinipa niya rin sa tagiliran ang babaeng dala niya.

Lumipat ang paningin ng binata sa babaeng ngayon ay hinang-hina na nakalupagi sa lapag, ang kamay nito ay nakatali sa likuran at may tape na nakadikit sa bibig. Ito rin iyong babaeng tinakasan siya ng gabing balak na niya itong bawian ng buhay, sa pamamagitan ng pagtalon sa isang bangin ay tuluyan nga itong nakatakas. Hindi niya akalaing mabubuhay pa ito sa ganoong kalalim na bangin.

Asiwang tiningnan ito ng matanda, pagk'wan ay sinenyasan ang binata na ilapit ito sa kanya. Agad na tumalima si Van, gamit ang isang kamay ay binuhat niya ang babae at dinala sa harapan ng ama.

“What's yar' name, hm?” tanong rito ng matanda habang nakasabunot sa buhok sa likod ng babae, marahas rin nitong inalis ang tape sa bibig ng huli.

Lumipas na ang mahabang segundo ngunit hindi siya sinagot nito at tiningnan lang ng masama, sanhi para ikakunot ng noo ng Don. Sa inis ay pinaso niya ang balat nito sa pisngi gamit ang hawak niyang tabako, naka-ani naman siya ng tuwa ng marinig ang pagsigaw nito dahil sa sakit.

Tiningala niya ang binata na nakapamulsang pinapanood lang sila, “Bring her to the basement, tell Heus to let this bitch know what hell feels like.” nakakatakot ang ngising anito, pagk'wan ay sumandal sa inuupuang one seater sofa. “Ya' mess up with the wrong one, little rat.” dagdag pa nito bago sumenyas na alisin na ito sa harapan niya.

Pakaladkad. Hawak ito ni Van sa buhok at pakaladkad na hinila sa marmol na sahig papunta sa wastong daan pababa sa basement. Si Lily naman ay agarang sumunod dito habang ngingisi-ngisi sa nakikitang pangyayari sa babae.

“Unang kita ko palang d'yan alam ko ng walang gagawing matino eh. Oy Candice, dapat ay magpasalamat ka dahil hindi ang Don ang pumatay sa'yo, kasi kung ang Don Halton 'yun nako, walang kurap-kurap sabog ulo mo.”

“Shut it. Contact anyone to know how's the situation about my sister.” balewalang pagputol rito ng binata at sinuklay ang buhok gamit ang mahahabang daliri.

Kapwa walang pakielam ang dalawa sa daing at iyak ni Candice.

“Yes, master.” mabilis na sagot nito at bahagyang tumungo bago pumihit patalikod at naglakad pabalik. Ang binata naman ay nagpatuloy sa pagkaladkad sa walang kalaban-labang babae hanggang sa tuluyan na nga niyang marating ang bukana ng basement.

“Heus.” malamig ngunit buo ang boses niya ng tumawag sa loob. Segundo lang at sumulpot ang isang brusko at matangkad na lalaki, ang makapal na kilay nito ay bahagyang umarko ng makita ang binata.

“Yo.” bati nito at ipinunas ang mantsadong kamay sa suot na itim na t-shirt.

Binasa ni Van ang pang-ibabang labi bago walang hirap na inihagis ang hawak na babae pababa sa hagdan, pagk'wan ay namulsa ito.

“She almost killed my sister,” anas niya at malamig na ngumisi. “Slice. Her. To. Death.”

Sumaludo si Heus, “Copy.”




| itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon