Chapter 30

10.1K 191 17
                                    

#FITTL | Chapter 30


Nakasimangot siya habang nakaupo sa tabi ko, hindi kasi ako pumayag sa gusto niyang panoorin. Nang makita ko kasing may matino pa pala siyang DVD ay iyon nalang ang pinili kong isalang.

Kanina ay kumain na rin kami ng dumating ang inorder niyang pagkain, pizza nalang ang natira na nakapatong sa maliit na lamesitang nasa harapan namin.

Nang may maalalang itanong ay nilingon ko siya, "Kailan pa kayo naging magkaibigan ni Van?"

Nawala ang pagkakakunot ng noo niya, sumandal ito sa armrest ng sofa at sa akin na hunarap.

"Back in my college days, as you can see I love partying and stuffs. Someone introduced me this kind of illegal drug, sabi niya magandang gamitin bago makipag-sex. And knowing me, that's cool. So I said yes in exchange of money." panimula niya habang tinititigan ang pagmumukha ko, kung gano'n ay nakagamit na siya ng droga. "The following weeks I started to like that drug and the feeling it gives me, so I personally meet the dealer."

Napabuga ako ng hangin.

"Forbes. Vancov Forbes." naiiling na bigkas nito. "Your brother is a bad influence, sugar." halakhak nito. Pilit akong ngumiti, hiyang-hiya ako. "But," anito at isinenyas ang hintuturo. "He also helped me." ngiti niya.

Nangunot ang noo ko. "Tinulungan saan? Sa pag-ubos ng masisinghot?"

Umiling siya, "My dad found out. Muntik na 'kong ipa-rehab.." tumaas ang dalawang kilay niya, "And Forbes is there, inako niya ang lahat ng nakatago kong illegal drugs, kahit noong ipa-drug test ako, nag-negative. I know he did something, and because of that.. I'm free." itinaas niya pa ang dalawang kamay at iwinagayway sa hangin, para siyang baliw. "Plus, hindi siya nakulong at naging magkaibigan kami." malawak ang ngiting dagdag niya.

Malamang na hindi makukulong 'yon, for pete's sake! Kahit sa mga kapulisan ay may koneksyon ang ama namin!

I get it. Tinulungan siya ng kapatid ko back in college days niya dahil malaking customer siya, malaki ang nape-pera ng negosyo ng ama ko sa kanya.

"Months after that, I've thought that your brother is a part of something like a mafia or gangster squad? I can't tell. And here's my brother, Eian," ngisi niya, naalala ko tuloy noong napagkamalan ko siyang si Eian. "He's buying drugs too, but I don't know where on earth he's using that. He told me that Forbes is the biggest trading of illegal weapons and drugs."

Pilit akong tumawa kahit hindi naman talaga ako natutuwa, kung iisipin ay nakakahiya iyon. Binuhay kami na galing sa masamang gawain ang nakukuha naming pera, marami ring nasisirang buhay ang negosyo ng ama ko, bagay na labag sa kalooban ko. Kung sila ay nalulunok ang ganoong gawain, pwes, hindi nila ako kagaya.

"Forbes is also exclusive for assassination." dagdag niya, ramdam ko ang naniningkit nitong mga mata sa'kin.

Muli ko siyang nilingon at seryosong tiningnan, "Anong gusto mong palabasin?"

Nagkibit-balikat siya, "That I know everything about your family?"

Naglapat ang mga ngipin ko, ano bang iniisip niya? Para siyang baliw! Inis na akma na akong tatayo ng mabilis niyang mahawakan ang braso ko.

"Hey," aniya at bumungisngis. "I'm saying this for you to know that you can't leave me. Kapag iniwan mo 'ko," nagkibit-balikat ito, tila sinasabi na kapag iniwan ko siya ay magsusumbong siya.

Tipid akong natawa, "Gago ka talaga.."

"I know, and I'm blackmailing you right now. Marry me, ok?" aniya at hinigit ako, mahigpit niya akong niyapos.

Tss. Kahit naman hindi niya ako i-blackmail ay pakakasalan ko siya.




...




Malalim na ang gabi at humihilik na rin ang katabi kong tila unggoy na nakayapos sa puno kung makayakap sa katawan ko, pero heto at gising na gising pa ang diwa ko. Ramdam ko ang malalim na paghinga nito sa leeg ko habang ang mga mata ko ay nakatitig sa madilim na kisame. Inaalala ko ang sinabi ni Van kanina.

"He's mad and still looking for you."

Natural na galit pa sa'kin ang matandang iyon, layasan ko ba naman siya at nakawan ng pera eh. Hindi na ako umaasa na kapag nagkita kami ay open arms with sweet smile niya pa akong salubungin. Baka nga basuka na ang isalubong sa'kin non.

Pero napapaisip parin ako, sa dami ng koneksyon ng matangdang iyon ay madali lang sa kanya ang matunton ako, kahit ang ginagawa ni Van na pagprotekta sa'kin ay alikabok lang para sa kanya. Puwede niya rin akong ipa-assassinate kung gusto niya, pero bakit sa loob ng maraming taon ay wala siyang paramdam?

O baka naman hinihintay niyang ako mismo ang magdala ng sarili ko sa kanya? Nakakatawa, malamang na hindi iyon ang iniisip niya.

Siguro..

Siguro wala lang talaga siyang pakielaman sa'kin? Mamatay man ako o mabuhay wala siyang pakielaman?

Sa naisip kong iyon ay medyo nasaktan ako, tila mas gugustuhin ko pa atang hagisan niya ako ng granada kaysa malaman na wala siyang pakielaman sa'kin kahit kaunti.

Syempre kahit naman siya na ang pinaka masamang taong nakilala ko ay hindi parin no'n mababago ang katotohanang siya ang ama ko. Dugo't laman niya ako kahit anong mangyari.

Tumagilid ako ng higa at pumantay kay Hestian, kahit madilim ang paligid ay pilit kong inaninag ang matutulog nitong mukha, pagk'wan ay mahigpit akong yumakap sa kanya. Tila nagising ko naman ito nang gumalaw ang kamay niya para mas hilahin ako padikit sa katawan niya.

"Hestian.." mahinang pagtawag ko sa kanya, tinitingnan ko rin kung nagising ko ba talaga siya.

"Yeah?" anas nito sa tainga ko.

Tumikhim ako, "I love you.." mahinang bulong ko. Naramdaman ko ang mahinang pagtawa niya at ang paghalik nito sa ulo ko.

"I love you too." sagot niya na nagpangiti sa'kin, isiniksik ko ang sarili ko sa dibdib niya. Inamoy ko ang mabango niyang amoy hanggang sa maigupo ako no'n ng antok.

With him, I know that I'm safe.



...



"What is it in this late night, Napier?" Vancov on the other line.

I chuckle, "Yo, bestfriend."

"Bestfriend my gun." he fired back, hindi naman siya boses inaantok kaya sa tingin ko'y hindi ko siya nagising.

Saglit kong nilingon si Sky na ngayon ay natutulog na, "Can you arrange some meeting for me?"

"I'm not your secretary." he said coldly.

"We're engaged." sabi ko, matagal siyang nanahimik sa kabilang linya.

"Fine. Spill it."

"I want to talk to him." seryoso kong sabi, I'm pertaining to their father.

"Are you sure?"

"Yeah." I smirked.

"We'll go to his place tomorrow, then."


| itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon