Chapter 11

13.2K 220 12
                                    

#FITTL | Chapter 11


Matapos kumain ay tumabi siya sa'kin, ang isa niyang braso ay iniakbay niya sa mga balikat ko kasunod ng pagharap niya ng camera ng cellphone niya sa mga sarili namin.

“Smile, Vanilla.” aniya, tipid naman akong ngumiti. Naka-dalawang shots siya bago iyon binaba ngunit ang mga braso niya ay nanatili sa mga balikat ko.

“Ano namang gagawin mo d'yan?” kuryosong tanong ko at nakisilip sa ginagawa niya.

“I'll just post it on my Instagram.” simpleng sabi niya, kasalukuyan na siyang nagt-type ng caption. “Do you have Insta account?” bigla ay baling niya sa'kin.

Tumango ako.

“Great. What's your username, hm?” pinutol niya ang pagt-type at inuna ang pagpindot sa search bar.

Inalala ko naman kung ano yung username ko, last three months pa kasi nung huli kong binuksan 'yun.

“Akina,” abot ko sa cellphone niya at ako na ang nag-type, ako na rin ang pumindot sa mismong profile ko.

“Oh, blue sky..” pagbasa niya sa username ko. 'Yun ang basa pero kung spelling ay 'BlueeeSkyyyyy'. “One thousand followers..” tatango-tangong aniya bago pinindot ang 'follow' button.

Ang akala ko'y hanggang do'n nalang 'yun hanggang sa tingnan niya rin ang mga posts ko, napapangisi pa siya habang tinitingnan ang bawat isa at kapag nagustuhan niya'y nil-like niya.

“Oh, who's this fucker?” pindot niya sa isang litrato kung saan may kasama akong lalaki, iyon si Neo, ex-boyfriend ko.

“Ex.” maikling sagot ko.

Tumaas naman ang dalawang kilay niya bago bumalik sa kaninang ipo-post niya, hindi niya ni-like.

'Sweet baby' ayan ang ginawa niyang caption with inlove emoji, hindi pa siya nakuntento at minention pa 'ko.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya, bakit ba ang cheesy niya? Kinikilabutan ako.

Isinilid niya sa bulsa ang cellphone pagtapos ay inayos ang suot na damit, sinenyasan niya rin akong tumayo na at lumabas. Tingin ko ay ihahatid niya na ako pabalik sa firm.

“I'll see you later.” halik niya sa labi ko ng sabihin kong bababa na ako, hindi rin nito pinalampas ang binti ko na nakalitaw sa pencil skirt na suot ko, hinimas niya 'yon at magaang pinisil.

Tinabig ko ang kamay niya sanhi para matawa siya, “Manyakis.” irap ko sa kanya bago binuksan ang pinto.

“Take care.” pahabol niya at mahinang tinapik ang pang-upo ko.

“Gago!” nag-iinit ang mukhang singhal ko sa kanya, inis kong sinalpak ang pinto ng kotse niya.

Napatingin ako sa relong pambisig ko habang nilalakad ang distansya papunta sa entrance ng firm, may limang minuto pa ako.

“Skyline!” nag-angat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Eren.

“E-eren..” bati ko pabalik sa kanya, pilit din akong ngumiti at saglit na sinilip kung naka-alis na ba ang sasakyan ni Hestian.

Nakita ko itong pasimula na sa pag-alis, pero agad rin na huminto na siyang nakapagpa-patid sa paghinga ko.

“A-ah, pasok na 'ko.” madaling paalam ko kay Eren at hindi na hinintay ang sagot niya, kumaripas na ako papasok sa loob ng firm.

Ewan ko ba, pero parang awtomatiko na ang pakiramdam na ayaw kong magalit si Hestian o kahit magselos man lang. At ipinag-alala ko kanina na baka ika-galit niya ang pagkausap ko kay Eren.




***



Binigay ni Sunshine ang bago kong number kay Hestian, kaya heto at hindi pa tapos ang office hours ko ay tinatadtad na niya 'ko ng texts at tawag.

Inis na sinilent ko ito kanina at itinaob bago nagpatuloy sa pagt-type sa computer.

Wala ba siyang trabaho at ganyan nalang siya kung mambulabog? Kasi ako, meron. At ayokong naaabala kapag ganitong nagt-trabaho ako.

Kaya ng saktong matapos ang oras ng trabaho ko ay ako na ang tumawag sa kanya. Wala pang dalawang ring ng sumagot siya sa kabila.

“Hey, I called you so many times. Bakit ngayon mo lang na-pick-up?” bungad niya, hula ko ay nasa bar siya base na rin sa ingay na naririnig ko.

“Office hours, nagt-trabaho ako kanina at binubulabog mo ako.” simangot na sagot ko.

“Fucking work.” usal niya. “Come here at King's Bar, I want to see you..” paos na aniya.

Nangunot ang noo ko, “Lasing ka ba?”

“Nah, I'm just tipsy. Come here now..” sambit niya bago naputol ang linya, ayaw niyang tumanggi pa ako.

Napahilot ako sa sintido. Bigla ay naisip ko kung tama nga ba ang desisyon kong makipag-relasyon sa hudyo na 'yon, para kasing magiging sakit lang siya ng ulo ko.

“Shine, 'di ako makaka-sabay ng uwi. Ikaw nalang ang magdala ng kotse ko..” sabi ko kay Sunshine at mabilis na inabot sa kanya ang susi ng sasakyan ko.

Puno ng malisya niya akong tiningnan, “Sige, gurl. Pakasaya ka ah.” makahulugang aniya.

Pabiro kong hinigit ang buhok niya ng maintindihan ang gusto niyang iparating, “Loka.” usal ko pa bago pumara ng sasakyan.

Malakas na musika at magagaslaw na sayaw ng mga tao sa dance floor ang sumalubong sa'kin pagkapasok na pagkapasok ko sa loob. Todo ilag ako at ingat na ingat sa paglalakad habang hinahanap sa dagat ng mga tao ang pakay ko, kainis naman kasi ang lalaking 'yon.

At kung bakit din naman kasi napakalaki kong uto-uto, sinabi lang na puntahan ko siya at heto nga, pumunta ako. Naiinis rin ako sa sarili ko dahil sa taglay na karupukan.

Pumunta ako sa alam kong pwesto niya kapag nandito sa bar, doon sa may dulo. Hindi naman ako nabigo ng makita itong nakaupo roon kasama ang dalawa pang lalaki, may isa rin palang babae na nakalingkis dun sa lalaking nakaupo sa tapat niya.

Lumapit ako sa puwesto nila at agad siyang tinapik sa balikat, kunot na kunot ang noo niya ng balingan ako. Pero ng mapag-sino ako'y malaki siyang ngumiti.

“My vanilla ice cream!” hiyaw nito kasunod ang pagsinok, sinenyasan niya akong lumapit. “I missed you.” magaspang ang boses na usal niya at mabilis na hinamig ang baiwang ko para yapusin hanggang sa tuluyan na niya akong mai-upo sa tabi niya.

“Lasing ka na eh.” bulong ko rito, hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa mga kasama niya na pinapanood pala kami.

“I'm Rizzo.” biglang pakilala ng isa, maputi ang balat nito at pinaghalong kulay brown at blonde ang buhok, mukhang natural iyon. Nakilala ko rin ang mukha nito dahil ito 'yung nagtakip sa mga mata namin noon sa parking lot ni Sunshine.

“Garick.” taas ng kamay ng isa habang 'di makapaniwalang nakatingin sa'min, tulad ni Hestian ay tan ang kulay ng balat niya, itim ang buhok na medyo magulo, masayahin ang bukas ng mukha nito.

Pilit akong ngumiti, awkward. “Skyline.” pakilala ko at bahagyang tumungo. Muli kong binalingan si Hestian ng ibaon nito ang mukha sa leeg ko. “Kaya mo pa bang mag-drive? Umuwi ka na.” suhestiyon ko.

Hindi na naman ito sumagot at mukhang papatulog na.

“I'll give you two a ride,” singit nung Rizzo. “Cai is drunk.” dagdag pa niya na sinang-ayunan ng isa.

Tumango ako, “Salamat.” tinapik ko sa pisngi si Hestian, “Kaya mo bang tumayo?” tanong ko at kumawala sa kanya, tumayo ako at pumwesto sa harap niya.

Mapungay ang mga matang tiningala niya ako, “An angel..” tila nagha-hallucinate na anito.

Napabuga nalang ako ng hangin.


| itsmezucky

Fuck It To The Limit | CompletedWhere stories live. Discover now