Chapter 23

10K 184 2
                                    

#FITTL | Chapter 23


Sa madilim kong sala ako naglatag para sa hihigaan ko mamaya, ayoko sa kama ko dahil may naaalala lang ako. Isa pa'y hindi ako maayos na makatulog doon.

Alas-otso na ng gabi at bored akong nanonood ng isang interview, ayon sa nag-iinterview ay model/artist raw itong magandang babaeng ito. Medyo pamilyar ang mukha niya pati ang pangalan, hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita, siguro sa mga billboards? News? Ewan.

“Uhum, yes. Besides, we can't please everyone right? Kung ayaw nila sa'tin, we can't force them to like us, to love us. Kasi iba-iba ang gusto ng mga tao, and we need to respect that. I have bashers? That's ok to me, I anyway doing all of these because this is my fashion, this is what I like. And alam ko namang may mga sumu-suporta rin sa'kin, so why let myself get affected by those false news?”

Bahagyang tumaas ang isang gilid ng bibig ko, sabagay, may point siya. Agree ako, we can't please everyone. Kung ayaw ng mga taong nakapaligid sa'kin, edi hindi ko na sila pipilitin.

Ibinasura ako ni Hestian? Ok, masakit. Pero kasi nasaktan na rin ako noong unang naging boyfriend ko. Mas masakit nga lang kay Hestian kasi ibinigay ko ang lahat sa kanya, desisyon na ginusto ko rin naman.

At si Sunshine? Iiwan niya ako ng hindi ko alam ang dahilan? Ok, sanay naman akong walang kaibigan noon pa man. Masakit din dahil marami akong memories kasama siya, itinuring ko na nga rin siyang kapatid eh. Pero hindi ko naman siya puwedeng pilitin na bumalik sa'kin, kung ayaw niya sa'kin, okay din.

“Ok, Miss Aera, what is your message for your lovely supporters?”

“Well, to all my fans out there, I love you guys! But please, don't get into fight just because someone bash me. I have watch this one video kasi na may nag-fight because someone said I'm plastic and fake, and the way I talk is maarte, so this one girl which she claim herself as my fan, she nag the other woman then they get into a fight. I'm so sad because of that..”

Hindi ko namalayan na tutok na tutok na pala ako sa pinapanood ko, titig na titig rin ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba 'to, pero parang kamukha niya si Hestian..

Ipinilig ko ang ulo ko, kakaisip ko ito sa hudyo na 'yon.

“Aw, that's so sad Miss Aera.”

“Yeah, it is really. I love my supporters that's why I don't want them to get into fight, so please guys, just ignore those people, ok? And to that fan of mine in the video, I appreciate how you fight for me, but I'll appreciate it more if you will just ignore them.”

Napatango-tango ako, at least may natutunan ako sa kanya. Inabot ko na ang remote at pinatay na ang TV, nahiga na ako at pinilit ang sariling makatulog kahit pa buhay na buhay pa ang utak ko.





...




“Gusto mo siya no?”

“A-ano bang sinasabi mo?”

“Hmmm. Nakita kita kahapon na patago siyang pini-picturan, I'm sure na maki-creepy-han siya sa'yo kapag sinumbong kita.”

“H-huh?”

“Come on, huwag ka ng magmaang-maangan, I have my proof. See?”

“C-Candice, i-delete mo 'yan!”

“Hmp. Why would I? Mukha ngang inlove na inlove ka sa kanya sa picture na 'to eh.”

“Please..”

Fuck It To The Limit | CompletedWhere stories live. Discover now