Chapter 5

79 7 0
                                    

Psyrille's POV

"San ka galing hoy?" Tanong sakin ni Jynpher

"Sa locker ko kinuha ko lang yung book ko" sagot ko

"Eh bat ang tagal mo?" Tanong ni Martina

"Eh bakit ba?"

"Kaya matagal yan kasi may hinarot pa yan don si Ate HAHAHAHAH" sabat ni Clarisse

"Oo may hinarot ako HAHAHA may isa kasing lalaki don malapit sa locker ko tas ginagawa ko sa lalaki parang yung ginagawa ni Seok Jin sa MV na Boy in Luv" pagsabay ko sa trip ng kapatid ko HAHAHAH

"Weehhh? Ano reaksyon nung boi?" Tanong ni Sky na naniwala naman HAHAH

"Syempreeee nagulat sya HAHAHA"

"Road to forever na this HAHAHA"singit ni Peter HAHAHA

"Charot lang mga t*nga HAHAH" sabi ko sakanila at tumawa ng malakas

"Hay*p kaaa Psyrilleeee" -Martina

"Tang*na ka Ateee"mura sakin ni Clarisse

"Makamura ka ah sampalin kita dyan e"

Pagkatapos kong sabihin yon bigla ng dumating si Sir, atsaka nagbalikan na kami sa mga upuan namin baka pag di kami bumalik e magalit si Sir HAHAHA

"Hi class!" Masayang bati samin ni Sir "Class, ngayon di tayo magle-lecture kasi may mga gagawin kami, kaya naman malaya kayo ngayon, tulad ng ginawa sainyo ng jowa nyo pinalaya kayo---"putol na sabi ni Sir kasi bigla kami naghiyawan

"Whooooaahhhh niceee Siiirrr"

"Humuhugot si Siiirr"

"Siirr, pinalaya ka na po baaa? HAHAHA"

"Sakeett naman nyan Siirrr!"

Sigaw ng iba pa naming kaklase HAHAHAH nasaktan na ata si Sir hahaha

"HAHAHA tumahimik nga kayo hahaha I mean pwede nyo'ng gawin ang gusto nyo'ng gawin kung gusto nyo matulog then go matulog ka hahah byee Class" paalam samin ni Sir nang nasa pinto na sya huminto sya at may pahabol pa niya na sabi "kaso hindi ka nya gusto kaya don't expect too much HAHAHAH byeee"

Taktee to'ng si Sir nagkaingay tuloy to'ng mga kupal na to HAHAHA... ayon na nga nagkaipon-ipon ulit kami ni Ynah wala naman kaming ibang gagawin kundi magchismisan HAHAHA

"Hoy Psyrillee!" Sigaw sakin ni Maxine

"Anong hoy? Dapat 'hoy po' dat may galang ganon"sagot ko kay Maxine at tumawa

"Ang arte mo HAHAH"sabi sakin ni Clarisse saka binatukan ako

"Araayy potaena kelangan mangbatok ha?!"tanong ko, kainis to ahh

"Woy tumigil na nga kayo!" Saway samin ni Ynah

"Hoy po Psyrille, kaninong uniform yang suot mo?"tanong ni Maxine, paktay paano ko to sasabihin?

"Oo ngaaa kaninoo yaannn?-Martina

"Ahm sa akin syempre"sagot ko

"Hindi ngaaa?" Tanong ulit ni Maxine

"Hoy te hindi sayo yan! Tignan mo naman anlayo ng uniform mo sa uniform ko!" Siyasat sakin ni Clarisse

"Anong anlayo? Parehas lang to'ng akin e saka sayo diba guys?" sagot ko

"Di talaga parehas Psy, tignan mo yung suot mo bagong bago tas yung kay Clarisse ayos lang" biglang sagot ni Ynah

"Kanino yan ha?" Tanong ni Jynpher at Peter

"Ahm... honestly, tama kayo hindi akin 'to uhm ganto yon..." Hindi ko tinuloy pagkukwento ko kasi tinignan ko muna mga itsura nila

"Ituloy mo naaaa" sabay na sabi ni Martina at Kiara

"Eto na teka lang, papunta kasi ako sa locker ko tas biglang may tumapon sakin na tubig---"

"E pano ka nakapagpalit eh wala ka namang extra uniform sa locker mo?"-Clarisse

"Patapusin mo muna kasi sya ano ba!" Pagpapatigil ni Ynah kay Clarisse at itinuloy ko na

"Tas yon nakarating na ko sa locker ko tas pagbukas ko non may nakalagay na box doon then kinuha ko yon tas may nakasulat sa box na "My girl, please wear it" tas may nakalagay na by smiley face... tas binuksan ko na tas eto ng uniform ang laman nung box kaya sinuot ko na." Tuloy tuloy na kwento ko

"Aaaacckkkk may secret admirer si Psyrilleeeee" kinikilig na sabi ni Sky

"Myghhaaaddd sino kaya yoonnn?" Tanong din ni Ynah

"Nakilala mo yung sulat?-Maxine

"Hindi e, printed yung nakalagay na sulat don" sagot ko

"Wow ang effort naman S.A mo HAHAHA"sabi pa ni Sky

"Ideya? Wala kang ideya kung sino yon?"tanong ni Kiara, at umiling lang ako bilang sagot ko

Naramdaman kong yumakap sa akin si Clarisse at saka tumawa ng malakas "mukhang magkakajowa na ate koo yuhooo!! HAHAHA" hmp jowa amp hahaha

"Jowa amp, pano magkakajowa e di ko naman kilala yon HAHAHA"

"Malay mo bigla na lang sayo magpakilala yon HAHAHA char lang te"

"Tumigil ka nga Claaa"pagpapatigil ko sakanya

****
Nang pauwi na kami nagpahuli akong umuwi kasi may gagawin pa ko sa locker ko. Naisip ko na mag iwan dito ng letter ng pasasalamat sa nagbigay ng uniform sa akin. Sinimulan ko ng sulatin yung isusulat ko at ididikit ko na sa labas ng locker ko.

"Pag nawala to'ng papel bukas dito sa locker ko, that means nabasa nya na"bulong ko sa sarili ko

Nang maidikit ko na yung papel, lumabas na ako at uuwi na maglalakad lang ako pauwi kasi trip ko lang hahaha. Habang naglalakad ako makakasalubong ko si Leigh kasama ang mga alipores nya tss

"Hey you b*tch!" Napahinto ako ng tumigil sa harap ko si Leigh

"Myghad Leigh, did you forget my name I am Psyrille not b*tch"pang aasar ko kay Leigh, hayaan ko syang mang-galaiti sa galit HAHAHA di ko alam sa babaeng yan kung bat siya galet na galet sakin

"Shut up b*tch"-Leigh

"Ano ba kasi kailangan mo ha?"tanong ko

"I dare you to stop flirting to Shawn, b*tch"ani niya "and if you don't stop, makikita mo hinahanap mo" pagbabanta nya sakin at saka dinuro ako, wow naman grabe natakot ako sa banta nya HAHAHAH

"Excuse me Leigh, I do not flirt with Shawn Ranier and how dare you to threaten me? Para sabihin ko sayo wala kang karapatan pagbantaan ako co'z hindi ko naman nilalandi si Ranier. If you want to know the truth, go to Ranier and ask him"

"Psh!!! You're such a loser, b*tch" inis na sabi ni Leigh

"I pity you Leigh, how many times i told you that Psyrille is my name not B*tch" sagot ko sakanya"ahm I am not a loser I thinks you are such a loser haha bye Leigh"pahabol na sabi ko at umalis na sa kinatatayuan namin at kumaway ako sakanya

Naglakad na ako palayo sakanila at naisip na bat ko naman o paano ko naman lalandiin si Ranier kung inis na inis ako sakanya. Bat nya ko pinapalayo kay kung hindi naman ako lumalapit kay Ranier?may sira na ata utak ni Leigh.

Ah sabagay kaya niya ako pinapalayo kase may gusto sya kay Ranier, kalat na kalat sa buong school ang tungkol doon. Umamin din si Leigh but Ranier rejects her  at hindi ko alam kung bakit napunta sakin ang galit ng babaeng yon na dati doon sya galit kay Xiomara.

Nang nasa tapat na ko ng bahay namin may nakitang akong papel sa sahig at may nakasulat doon hindi ko alam kung sa babae ba galing o sa lalaki ang ganda ng font ng sulat...

"hi Ashlee, I want to tell you to always be careful and take care of yourself and umiwas ka sa mga nakakasakit sayo basta just be careful always" basa ko sa sarili ko at binasa ang huli.

"By; M"

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now