Chapter 37

49 6 0
                                    

Kiara POV


Kasabay ko na naman pumasok si Sky at hindi ko pa kasabay si Peter kasi kagigising nya lang hays for sure late na naman mamaya yon. Ganon pa rin ang ginagawa ni Sky nagbabasa habang naglalakad. Ayts kaya antalino neto e panay ang basa.

Bigla naman nag ring phone ni Sky pero hindi nya iyon pinansin at patuloy lang sa pagbabasa. Hanggang sa marindi na ako sa tunog ng phone nya.

"Di mo sasagutin yung tumatawag sayo?" Tanong ko pero di nya ko sinagot.

Nanatili lang ang mata nya sa librong binabasa kaya ginawa ko kinuha ko yung librong hawak nya kaya napatingin sya ng masama saken..ayaw nyang naiistorbo sya eh.

"Ano ba Kiara ibalik mo sa akin yaannn" at pilit nyang inaagaw saken yung libro.

"Sagutin mo muna tumawag sayo"

"Yaan mo na 'to"

"Ay nako Skylite baka importante yan" sagot ko at nilabas na nya phone nya sinagot nya yon. Kaya binalik ko na sa kanya yung libro pero inaabot nya saken phone. Jusmeyo kaaa.

Inabot ko na lang ito at sinagot na. Jusko

[Hello, sino ba 'to?] Tanong ko agad dito.

[Bat ikaw sumagot?]

[Malamang ako yung sumagot eh]

[Gusto kong makausap si Sky]

[Di ka nya gusto kausapin e] pambabara ko dito

[Dali na, Kiara]

[Oh pota bat mo ko kilala?] Kumunot pa noo ko sa pagbanggit nya ng pangalan ko. Sino ba tong kausap ko bat ako kilala.

[Kasi kilala kita gago]

[Aba! Sumasagot ka pa ah]

[Malamang tinatanong moko e] narinig ko pa mahinang pagtawa neto.

Sino ba kasi to? Paano ba sumapak ng sa phone lang? Napaka pilosopo amp sarap sapakin eh.

[Taena, sino ba kase to?" Tanga ko naman kasi e bat diko tinignan yung pangalan ng tumawag.

[Ako 'to, yung gwapong lalaki]

[Woahh lakas ng hangin shetttt]

[Im just stating the fact]

Para naman akong nasamid sa sinabi nya he just stating the fact? What the fvck! Saan sya kumukuha ng lakas ng loob para ganon kataas confident neto?

[Okay, bye] sagot ko at balak ko na sanang ibaba ang tawag pero nagsalita na naman sya.

[Wait, Kiara see you later hahaha!]  Sabi nya at sya na ang nagbaba ng tawag.

Aba! Gago to ah sino ba talaga to? Chineck ko naman yung recent calls ni Sky at nakita ko yung nasa unahan pero pota di ko talaga kilala pano ba naman kasi ang naka save na pangalan dun Wind pfft

Hays si Sky talaga kung ano ano pinagse-save.

(AN: baka si Sydney yourbebs yan)

Shatappp!

"Sino tong wind na tumawag sayo at bakit wind?" Tanong ko naman dito.

"Eh kasi diba yung wind mahangin eh mahangin din sya kaya wind HAHAHAHA!"

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now