Chapter 22

64 5 7
                                    

Psyrille POV

Inaantay ko na si Clarisse bumaba kasi sabay na kaming papasok ngayon. Ang bagal naman nya kasi kumilos.

Habang inaantay ko sya dito sa sala 
Biglang nag-pop up sa utak ko yung nangyare kahapon doon sa Peoples park.

Una, dumating doon si Miles at lumapit sa akin ni hindi ko alam kung sya ba si mr. M, pangalawa, yung sinabi ni Shawn na iuuwi nya ako kahit na hindi naman nagbilin sa kanya si kuya at pangatlo, yung sinabi ni Shawn sa mga lalaki. Arrghhh!

Aish! Bat ko ba naisip ulit yon! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako ginawa niya kahapon tsk.

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Clarisse. Ayts nasa harap ko na pala siya.

"Hoy ate!!!" Sigaw ni Clarisse sa akin.

"Ah... eh.. bakit?"

"Tara na! Kanina pa ko dito sa harap mo oh taena!" Nakasigaw niyang saad sa akin

"Easy ka lang Lalyn HAHAHA" sahot ko at

Tumayo na ako at inaya ko na siya na lumabas.

Habang naglalakad kami narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Bat kasi may pasok pa ngayon, dat itinuloy na lang nila na walang pasok hanggang sunday  ee" irita niyang saad.

"Arte mo, pumasok ka na lang" sagot ko naman sa kanya

"Tsk papasok pa di rin naman sila magtuturo, bat ba dito pinaaral?" Saad nya ulit at iritang irita na

Bat parang ang sunget mo ngayon sister ha? HAHAHAHA!

inakbayan ko naman siya kahit na mas matangkad siya sa akin. Ewan ko ba kung bat ang tangkad niya.

"Ayon naman gusto mo diba Lalyn, yung walang ginagawa" sagot ko sa kanya at ngumiti sa kanya na nang aasar "parang bigla nagbago ihip ng  hangin ah HAHAHAHA" pang aasar ko pa

"Anong nagbago ihip ng hangin?"

"Parang nagbago na isip mo, gusto mo na mag-aral lagi, ganon HAHAHA"

"tang*na manahimik ka ate!!!"sigaw niya sa akin at tinaggal ang pagkaka-akbay ko sa balikat niya

"Ayos yun Clarisse HAHAHA ganda sa paningin non" sagot ko naman sa kanya

Tinanong naman ako ni Clarisse kung keylan uuwi sila mame, di ko alam wala naman kasi silang sinabi kung keylan sila uuwi dito

Bakit sila uuwi dito? Hindi na ba sila busy sa business nila kuno?

(AN: correction business nyo yon)

Aish! Buti naisipan pa nilang umuwi dito sa pinas tas kelangan pagbalik nila dito may boyfriend na kami tss sila talaga

Bahala sila basta ako wala akong ipapakilala kila mame.

Nakarating na kami sa school at pagkapasok namin sa room wala pa doon sila Martina at Sky. Kaya inilagay ko muna yung bag ko sa tabi ni Nathaniel at ni Klyde. Yes sila na ang katabi ko hindi na si Huan.

Nalipat kasi ako ng upuan sa third to the last row, kasi yung katabi na babae nila Nath at Klyde gusto umupo sa unahan, ako ang nakita ni Sir na pwede pumalit kayo ayon no choice ako na umupo malapit na sa dulo.

Lumapit muna ako sa tabi ni Clarisse kasi wala pa naman sila Maxine ee, pagkatabi pa lang na pagkatabi ko kay Clarisse biglang nag ring phone ko at pagkatingin ko sa screen si Ynah ang tumatawag.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon