Chapter 10

68 5 0
                                    

Psyrille's POV

Habang andito ako sa labas ng bahay namin, nagmessage na naman sakin yung nagtext sakin kagabi. Sabi nya sa message nya ngayon "sorry" humihingi sya sakin ng sorry na wala akong kaalam alam kung bakit, hindi naman ako makareply kasi wala akong load

Andaming tanong agad ang pumasok sa utak ko bat sya nagso sorry sakin fvck may nagawa ba sya'ng mali? Tang*na pano?

Habang naka-titig ako sa cellphone ko nang maramdaman kong may umupo sa harap ko ngunit di ko tinignan kung sino yon pero ramdam kong nakatingin sya sakin

"Lalim ng iniisip mo ahh" biglang sabi sakin ng kaharap ko

"May nagtext kasi sa akin na unknown number tas nagso-sorry sya eh di ko alam kung para saan yung sorry nya"

"Malay mo may nagawa sya'ng mali sayo through social media"

"Huh? Gagawan nya ko ng mali samantalang nung gabi answeet nya mag message sakin"

"Malay mo bina-back stab ka nyan"

"Aishh! Yaan na nga lang natin to, diko naman to nirereplyan ee"

Nang hindi na sumagot si Shawn, nagulat ako sa sarili ko kasi nag-open ako sa hindi ko ka-close. Bat ako nag-open sa kanya sh*t

"Okay lang na nakapag-open ka sakin haha basta ang mahalaga ay important"sabi pa nya sakin fvck mind reader ba sya? hahaha pero kahit papano napatawa nya ko sa huli nya'ng sinabi hahaha "bagay pala sayo naka-ngiti e Psy"

"Bakit di ba ako ngumingiti?"tanong ko

"Ngumigiti naman kaso pag ako lagi kaharap mo hindi ka ngumingiti, may galit ka ba sakin Psy?"

"Tse! Tang*na mo kasi"sagot ko sa kanya at saka umirap

"HAHAHA lagi ka na lang umiirap gusto mo ba dukutin ko yang mata mo?"

"Kung ikaw lang naman din ang dudukot wag na langgg baka ma-infection lang ako"

"Grabe ka naman sakin hahahaha parang ginawa mo kong virus"

"Oooyyy wala akong sinabing ganon ah, ikaw may sabi non HAHAHA"saad ko at saka tumawa,,, ano bang nakain ko at di ako naiinis sa kanya ngayon?

"Hahaha pero parang ganon na rin yung pino-point mo hahaha"

"Ah by the way... gusto mo kumain.?" Tanong ko sa kanya at inantay sya na makasagot "ng ano?" Tanong rin nya

"Ng kahit ano, gusto mo ba?"

"Oo naman"

"Sige labas ka tas bili ka ng pagkain mo HAHAHAHA" pangbabara ko sa kanya hahaha

"Ay gago ka HAHAHAHAHA"

Ay ewan ko parang biglang gumaan ang loob ko kay Shawn pero baka ngayon lang to tas sa mga susunod na araw inis ulit ako sa kanya

Napansin kong naka-titig sya sa akin sh*t naiilang ako, yumuko ako ng konti para di nya makita mukha ko at buti na lang dumating si Clarisse dito sa garden

"Woyy! Anong ginagawa nyo dito ha?"tanong ni Clarisse samin at nandidilat ang mata. Nagkatinginan lang kami ni Shawn at nagkatawanan "hindi na kayo magkaaway? HAHAHA"parang batang tanong ni Clarisse

Hindi namin sinasagot si Clarisse hahaha baka masayang lang laway namin hahaha  at inaya nya ako na kumain sa labas as usual ako ang gagastos

"Eh pano sila Sky don?" Tanong ko sa kanya

"Yaan mo na sila don malalaki na sila hahaha" sagot pa ni Clarisse

"Gaga ka talaga kunin mo wallet ko don sa kwarto ko dali"utos ko sa kanya sumunod rin naman agad sya

Dali-dali si Clarisse na pumasok sa bahay para kunin yung wallet ko. At pinakuha ko rin sa kanya yung susi ng motor. Pagkatingin ko kay Shawn nakatingin rin sya nubayan bat lagi sya nakatingin nakakailang na

"Sama ka?" Tanong ko sa kanya

"Ah saan?" Sagot nya

"narinig mo naman usapan namin ni Clarisse diba?"

"Hmm hindi e"

"Aish balaka nga jan"sagot ko saka umirap ulit

"Oo HAHAHA sige sama ko"

"Eh magdala ka ng pera mo"saad ko tumango lang sya at ngumiti "charot lang pala wag na magdala ako na bahala"

****

"Ano tagal mo naman pumili dyan"bagot na sabi ko kay Clarisse napaka tagal kasi pumili, andito kami ngayon sa Brewshots Milktea gusto nya daw kasi mag-milktea kaya dito kami pumunta

"Weyt lang wala akong mapili!!" Sigaw sakin ni Clarisse

"Wag kang sumigaw hoy HAHAHA"

"Si kenneth na lang daw piliin mo HAHA"singit ni Shawn nanlaki mata kong tumingin kay Clarisse

"Luh parangg tangaaaa epaaallll"sagot ni Clarisse sa nagpipigil ng tawa na si Shawn

"Hoy ano yan parang wala akong alam dyan ah"singit kong dalawa sa kanila

"Wala yannn teee epal si Shawn" parang bata sabi nya

"Awweeee? Wala ba talagaaaa? Hahaha"pang aasar ko pa

"Wala nga aba pagbuhulin ko kayong dalawa e!!" Sigaw nya pa samin

"Oo na! Dalian mo na,mag bago pa isip ko baka di kita ilibre"saad ko sa kanya at dali dali naman syang pumili ulit ng flavor

Nang nakapili na sya nag-antay pa kami ng 30 minutes doon, habang nag-aantay kami don nang biglang tinitigan kami ni Clarisse at nagtanong

"Okay na kayo?" Tanong nya samin at saka ngumisi

Napakunot ang noo ko sa tinanong nya "okay naman kami ah" sagot ni Shawn

"Kayo na?"tanong nya ulit

"Gago amp" sagot ko bigla kay Clarisse

"Sabi ko nga hindi kayo"

Nang nakuha na namin order namin lumabas na kami ng Brewshots at papunta ng parking lot para kunin yung motor

At nakita kong makakasalubong namin sila Leigh aish for sure mag-iinit na naman ulo neto kasi makikita nya na kasama ko si Shawn

Nang makita na kami ni Leigh nag-hi sya kay Shawn at ngumiti, kala mo talaga jusko hahaha pero di sya pinansin ni Shawn

Tumingin sa akin si Leigh na hindi nakangiti pero ako ngumiti ako sa kanya at lumagpas na kami sa kanila

"Buti ate di ka inaway non hahaa"sabi sakin ni Clarisse

"Syempre andito si Shawn kaya di ako inaway HAHAHA"

"huh? Dahil sakin inaaway ka non?"

"Oo dahil sayo"sagot ni Clarisse

"Tigil-tigilan ko na daw kakalandi sayo HAHAHAHA kaya sya nagagalit sakin kasi pini-flirt daw kita HAHAHA"sagot ko sa kanya

"Pini-flirt amp "saad ni Shawn at tumawa "kaw kasi eh pini-flirt mo kasi ako yan tuloy nagagalit sayo"

"hoy kapal rin ng mukha mo noh sigurado kang pini-flirt kita?"

"May sinabi ako?"

"Tss. Wag kang aangkas sa motor ah kay Clarisse ka umangkas"

"Luh ate di ako sanay na may angkas"

"Bahala kayo dyan"

Umuwi na nga kami at ang ending don pa rin umangkas si Shawn sa dala kong motor.

Ms. Elara❣

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat