Chapter 9

78 7 2
                                    

Jynpher's POV

Maaga pa lang magkasama na kami nila Martina at Maxine may usapan kami na pupunta kami sa bahay nila Psyrille para tumambay

At habang naglalakad kami nasalubong namin si Leigh na galit kay Psyrille at kinausap kame nito

"Hey! Nasaan yung b*tch nyo'ng bestfriend?" Tanong ni Leigh samin, panira to ng umaga e

"Bakit nami-miss mo ba yung kaibigan namin ha?" Taas kilay na tanong ni Martina

"Bakit mo ba sya hinahanap ha?" Tanong rin ni Maxine

"Haha katawa kayo! Gusto ko lang naman ipasabi na tigil-tigilan nya si Shawn ha! Lagi na lang nya nilalandi si Shawn! Kelan ba sya titigil?!" Sigaw samin ni Leigh

Pumalakpak ako ng pang-aasar kay Leigh "galing mo naman Cassandra Leigh sana naman may pruweba kang pini-flirt talaga ni Psy si Shawn ano?" Sabi ko sa kanya at ngumiti ng plastik

"Wala!" Sagot nya at nag flip hair

"Wala naman pala eh! Eto tatandaan mo sa kokote mo hindi nya magagawang lumandi!" Inis na sabi ni Martina at dinuro duro nya ang noo ni Leigh sa inis

Aktong sasampalin ni Leigh si Martina at bigla syang nagsalita "sige ituloy mo" sabi ni Martina na naka taas ang kilay at nahinto si Leigh at naibaba nya ang kamay nya

"Aish! Manang mana talaga kayo kay Psyrille b*tch"

"Alam mo Leigh, maganda ka sana ee"sabi ko at pinagmasdan ko mukha niya "kaso yung ugali napaka panget. Kung pwede lang maipa-retoke yan ako na mismo magreretoke sayo" sabi ko at naglakad na palagpas sa kanya at sumunod na sakin sila Maxine at Martina

Habang naglalakad na kami papunta na sa bahay nila nagsalita bigla si Maxine

"Psh! Bat ba galit na galit yang Leigh na yan kay Psyrille?" Yamot na tanong ni Max

"Ay dahil baka siguro nung nireject sya ni Shawn, tas nakikita nya na nag uusap sila Psyrille tapos madalas pang pagtripan ni Shawn si Psyrille" sagot ko naman

"Ah baka nga dahil don" sagot rin ni Maxine

Nang nakarating na kami sa tapat nila Psyrille nag-doorbell na kami at maya maya lang lumabas na ang kuya nila Psy para papasukin na kami

Nauna akong umakyat sa taas kasi pina akyat na lang kami ng kuya nya sa kwarto ni Psy para gisingin yung dalawa si Psy at Clarisse. Pagkapasok na pagkapasok ko nagulat ako ng makita ko na doon natutulog si Shawn

Nagtataka ako pero hindi ko na lang pinansin at lumapit na lang ako sa babaitang natutulog, habang ginigising ko ang magkambal nakarinig ako ng tili at pagtingin ko sa pinto sila Martina at Maxine pala na kakapasok lang

Sa lakas ng tili ng dalawa don na nagising si Psyrille at Clarisse.

"ANO BA YAN ANG INGAY!!" sigaw ni Psyrille samin  at saka nagtalukbong ng kumot

"Ay te umagang umaga galit agad? Bwahahaha" pang aasar pa ni Martina at lumapit nasa kama ni Psy

Tumayo na si Clarisse at pumunta nasa CR "doon nga muna kayo sa baba!! Epal kayo e noh"sabi samin ulit ni Psy na umupo na

"Ayaw namin bumaba. Nga pala Psyrille sino yung isang tulog?" Tanong ni Martina

"Si kuya Aerone"sagot nya na nakatakip ang kamay sa bibig hahaha

"Eh bat nakatakip ka sa bibig mo, tanggalin mo yan HAHAHA paamoy mo bibig mo sa amin hahaha" sabi ko at tumawa

"Tang*na kadiri ka Jynpher don nga muna kayo"

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon