Chapter 32

64 5 12
                                    

Maxine POV

Nasalubong namin ang isang kaklase namin na sabi ay bukas na daw yung room 20 kaya doon na daw kami dumiretso kaya ganon na din ang ginawa namin.

Pag dating namin doon mga nakasalampak sa sahig ang mga kaklase namin. Waaahhhh bet namin to nila Clarisse sa sahig kame uupo hahaha! Sakto at naka P.E. uniform kami maayos kaming makakaupo.

buti na lang at wala pang nakaupo dito sa likod kaya dito na kami pumwesto, pumabilog na kami para magkaharap harap kami syempre wala kaming ibang gagawin kundi magchikahan madadaldal sila e.

Habang nagku-kwentuhan kami dito bigla na lang kami nakarinig ng may kumanta at may nag gigitara pa. Waahhh! Ang ganda ng boses non. Naalala ko na naman tuloy yung kanta saken ni Dylan.

Natigil kami sa pagku-kwentuhan at nakinig kaming lahat sa kumakanta.

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow

Bigla namin nakita na yung mga lalaki naming kaklase mga nagsi-tayuan tanging mga lalaki lang ang mga nakatayo.

One step closer

Tatlong salita galing sa kanta ang nagpakaba sa akin. Sabay lumapit sa akin si Dylan at Nathaniel na parehas nakalahad ang mga palad nila sa akin. Gosh! Inaaya ba nila ako sumayaw?

Muli ko nang inabot ang kamay ni Dylan na nakalahad sa akin saka dinala na nya ako sa gitna. Ipinorma na namin ang mga kamay namin para sumayaw.

I have died everyday, waiting for you
Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more.

Sinimulan na namin ang pagsayaw ng mabagal. Pasimple akong lumingon sa pwesto namin kanina nila Psyrille at pagtingin ko don wala na din sila doon saka nahagip ng mata ko na nagsasayaw na rin si Clarisse at Kenneth.

Gosh! Bat nagaganap to sa room namin? Praktis na ba to para sa Seniors Night? Yes, nasabi na sa amin ni Psyrille na may magaganap na ganong event kaya, praktis na ba ito? HAHAHAHA!

Napangiti naman ako sa kaharap ko ngayon at ngumiti rin sa akin si Dylan.

ayBumalik sa katinuan ang pag iisip ko ng may malakas na nag-apir sa harap ng mukha ko at pagtingin ko si Sky at Martina iyon.

Pag tingin ko naman lahat sa kanila pinagtatawanan nila ako. Problema nila? Bigla naman may sinabi sa akin si Jynpher.

"Lalim ng iniisip mo Max ah, kanina pa kami may tinatanong dito oh" saad sa akin ni Jynpher

"A-ano ba y-yon?" Utal kong sagot sa kanila.

Takte bakit ba kasi bigla ko na lang na-imagine na sumasayaw kami ni Dylan? Narinig ko nga na may kumakanta pero walang mga nagsisi-sayawan gosh bat ba kasi naisip ko yon?

"Kung anong oras ka raw pupunta sa Sunday?" Tanong naman sa akin ni Kiara.

"Anong meron sa Sunday?"

"Jusmeyo lutang ka talaga ghorl, sino ba kasi yung iniisip mo kanina?" Sambit naman sa akin ni Peter.

Naisip ko na kung anong meron sa Sunday "ahhh okayyy naalala ko na" napatingin naman ako sa kanila na mga napahawak sa noo nila.

"So anong oras ka nga pupunta?" Martina asked

"Ewan. Kung anong oras kayo pupunta."

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang