Chapter 40

73 7 3
                                    

Psyrille POV


PAGKABALIK namin sa room lahat sila nakatingin sa amin ni Shawn. Wews ano meron?

Hindi na lang namin pinansin ni Shawn iyon at nagpatuloy na kami sa paglakad papunta aa sariling upuan namen. Bago pa man ako makarating sa upuan ko pasimpleng hinaplos ni Shawn ang kamay ko mahinang pinisil ang hinliliit kong daliri.

Pagkaupo ko naman saktong napalingon ako sa katabi ko na syang nakatingin na rin sa aken.

"Ano yon ha? May pasimpleng haplos pa ah" paktay ni Nathaniel Bengt

"Wala yon nagkatamaan lang siguro kamay namin" pagsisinungaling ko, jusko

"Sus. Alam ko na yung ganyang galawan ni Shawn no. Kayo na ba?"

Hindi ko naman nasagot tanong ni Nath ng biglang may nag pop-up sa utak ko na mula sa nakaraan. At ngayon ko lang napagdugtong dugtong yung nangyare noon.

Una, yung dapat one week suspended ko, bigla na lang naikansela iyon kasi madaling pinakiusapan ni Shawn si ms. Joyce.

Pangalawa, yung eksena sa cafeteria na kung sigaw sigawan nya at ganon na lang kadaling pasunurin si kuyang janitor doon kala mo kaibigan nya lang kung makasigaw.

Pangatlo, yung naka patintero ko dito noon kaya pala andito yung kuya ni Shawn noon at kada ceremony andito yung kuya Sebastian nya ay yun pala pamilya nila may ari neto

Pang apat, yung nag room kami sa room 20 ganon nya kadali nakumbinsi si Sir Mendoza kase Uncle nya si Sir.

At pang lima, sya pa ang nag request na i-drop out na lang sya kasi alam nyang hindi iyon magagawa ni Sir Mendoza.

Lahat yon nagawa nya ng walang alinlangan kasi at the end Montague pa rin ang may-ari netong school at kay Shawn pa ipapamana ito.

Nawala ako sa pag-iisip ng malalim ng may pumitik na daliri sa harap.

"hey! Tinanong kita, kayo na ba ni Shawn?"

"Ah... eh..." nahihiya akong sabihin baka kasi isipin na lang ni Nath na pinatagal ko pa e magiging kami rin pala.

"Ah okay HAHAHAHA get it" sagot nya "natupad na yung matagal nyang kinahihintay" he added

Napatingin na lang ako kay Nath ng ayon ang isagot nya sa aken. Hindi ko alam kung sasaya ba ako na nalaman nya o mahihiya, syempre sa tagal ba naman nag-antay ni Shawn, pero worth it naman siguro yung matagal nyang inaantay.

"Ay secretary ko hanggang 12noon lang pala class naten ngayon" paalala sa aken ni Nath

"Okay noted po"

"Pwede pa kayo mag date ni paps HAHAHA"

Inirapan ko na lang sya sa sinabi nya. Tangena neto, nakita ko naman na papalapit sa aken si Ynah siguro may chika na naman to. Saktong nakalapit sa akin si Ynah sya naman alis ni Nathaniel para paupuin si Ynah sa tabi ko. Apaka gentleman naman nakss

"Sanaol" bungad sa aken ng sister-in-law ko hahaha!

"Sanaol amp! Ano na naman ba chika mo?"

"Keylan pa huhuhu" umacting pa to na parang umiiyak

Lahh HAHAHAHA ganto ba epekto ni kuya kay Ynah?

"Para kang baliw hoy HAHAHAH"

"Charot lang gaga. So keylan pa nga?" Tanong nya sa aken na hindi ko maintindihan kung ano pinupunto nya.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now