Chapter 20

73 6 1
                                    

Psyrille POV

Nakakainis may bagong na naman pakulo si mame na kelangan may boyfriend na kami at pag wala pa sila hahanap wushu. Aywan sa inyo mame at dade.

Tuloy tuloy lang akong pumasok sa bahay nila Sky wala nang katok katok.

At umupo agad ako sa sofa nila

"Psy, umagang umaga nakatambay ka dito" saad sa akin agad ni Sky.

"Eh kasi naman naiinis ako kagabi sa bahay." Sagot ko

At nakita ko naman si Tita Seya na lumabas galing sa kusina nagulat sya ng makita ako at inaya nya na rin ako na magbreak-fast.

Nang nasa harap ng kami ng hapag napansin kong tatlo lang kami dito

Tinanon ko kung asan si Tito Jayvee at kuya Jaxel ang sagot ni tita maaga daw umalis at may inasikaso

Haystt iba talaga pag usapang business kelangan gawin agad.

"Ah, nga pala Lalys bat napa-aga tambay mo dito?" Tanong ni tita saken

"Eh pano ba naman kasi tita,nainis ako kagabi tumawag si Mame sa amin at sinabi na kailangan daw pag-uwi nila e may boyfriend na daw dapat kami" sagot ko kay Tita saka sumubo ng pagkain.

"Ay talaga uuwi na sila? Keylan?" Excite na tanong ni tita

"Walang exact date po eh tita, tas ang sabi pa ni Mame na pag daw wala pa kaming ganon eh sila daw ang hahanap para sa amin. Tss"

"Ay nako! 'Yan talaga si mareng Ely HAHAHA na-miss lang kayo non kaya ganon ang mame nyo."

"Aish pano ba naman kase tita, inaantay ko pa yung right time pero itong si mame atat"sagot ko kay tita Seya at umirap ng di nya nahahalata.

"Nako ikaw talaga, napaka taray mong bata ka hahaha" saad naman ni Tita saken, myghaaddd nakita nya ba yung pag-irap ko? Sh*t

Napatahimik na lang ako pagkatapos magsalita ni Tita, jusko. Tapos na din kami mag-umagahan at si Tita ay pumunta na sa hardin nila para alagaan na ang mga tanim nilang bulaklak don.

At kame naman ni Sky, andito lang sa kwarto nya.

Habang nagku-kwentuhan kami ni Sky biglang nagring ang phone ko

Pagtingin ko sa screen ng phone ko ang tumatawag sa akin ay yung nagtetext sa akin.

"Fvck! Sasagutin ko ba 'to?"

At bigla nagsalita si Sky na sagutin ko na raw ang tawag. Nice finally maririnig ko na rin boses nya.

"Yes? H-hello" sabi ko sa kabilang linya.

[Hello, ms. Del Moral]

"Wtf!? Ms. Del moral tawag nya sakin?"

"Hm bakit po?"kinakabahan kong saad sa kanya

[May ginagawa ka ba ngayon? Ms. Del moral?] tanong sakin nung nasa kabilang linya

"Myghaadd! Bat ganon boses nya? Ang lamig"

"Ah wala naman. Bakit?"

[Kung free ka ngayon, pwede ba kita maaya?]

"Ahm sure, saan ba?"

[Sa people's park malapit sa Dawn Real. Wait na lang kita dito.]

"Ah sige"

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now