Chapter 36

48 6 0
                                    

Psyrille POV

RINIG na rinig ko na naman yung tibok ng puso ng kayakap ko ngayon, napabitaw ako sa kanya ng biglang humigpit ang yakap nya na para bang natatakot.

Nang pilit kong kumakawala sa mga bisig nya mas lalo nya naman akong niyakap. Ano bang problema neto? Nang maramdaman niyang hindi na ako makagalaw saka na sya humiwalay ng pagkakayakap sa akin. Nakita ko naman na yung kamay nya ay papalapit sa pisnge ko at bago nya pa yun maihaplos sa mukha ko mabilis kong iniwas ang mukha ko sa kamay nya.

Umalis ako sa harap nya at lumapit sa isang table dito at kinuha ko yung nakapatong na Tumblr doon. Bumalik ako sa harap nya at kita ko sa awra ng mukha nya ang pagtataka. Binuksan ko na ang tumblr at kinuha ko naman yung kamay ni Shawn na ihahawak sana sa pisnge ko saka ko iyon binuhusan ng tubig.

"A-anong ginagawa mo?" takang tanong nya sa akin saka tinigil ko na ang pagbuhos ng tubig.

"A-ah kasi kanina napahawak doon" sabi ko sabay turo "m-madumi doon e kaya h-hinuhugasan ko k-kamay mo" utal utal kong sagot. Jusmeyo

"You're not good in lying, baby" saad nya

Napatingin ako sa kanya na sya namang nakangiti.

"Nagseselos ka no?" Tanong pa nya

"What? Ako magseselos? Kanino?"

Nagkibit balikat lang sya saka binitawan na yung kamay nya. Siraulo ba 'to?

"Bat mo hinugasan left hand ko?" Sabay taas pa ng kamay neto.

"Madumi nga kase"

"Pano naging madumi e hindi naman ako humawak don"

Napairap na lang ako sa sinagot nya saken. Very slow.

"San kapa ba ibang humawak?" Tanong ko na ikina-ngisi nya

Nung makita ko syang naka ngisi bigla na lang akong napairap tas parang nanunukso pa yung mukha niya. Kakairita!

"Awittt! Nagseselos ka nga, baby"

"No! Syempre kung kani-kani----saan saan ka humawak syempre madumi dun tulad nalang sa railing ng hagdan. tsk"

"Sus! Palusot, ang sabihin mo baby nagseselos ka talaga"

Tinaasan ko naman sya ng kilay at nagsalita na naman sya.

"Don't worry baby, hindi ko na ipapahawak tong kamay ko sa iba lalo na kay Leigh, it's only yours"

"Tsk! Ang papanget ng mga banat mo" sagot ko.

Umalis na ako sa harap nya at tinungo ko na ang pinto saka lumabas na ako at iniwan na sya sa loob. Pero maya maya lang ay ramdam kong sumusunod sya saken. Aishhh!

Shawn POV

SINUNDAN ko sya ng tingin palabas at maya maya lang ay lumabas na den ako saka sinundan sya. Saan na naman kaya pupunta etong babae na to? Nakatingin ako sa likod nya habang naglalakad at biglang nag flashback lahat sa utak ko yung nangyari noon. Baket ba kasi hindi kita agad na-appreciate noon? At bakit ngayon lang kung keylan wala na syang nararamdaman saken? Bakit mas ginusto ko si Jaychelle na lolokohin lang pala ako. Bakit?! Tangina! Nagsisisi ako ngayon!

Pero ngayon, gagawin ko lahat lahat para makuha ko si Ashlee at kapag naging akin na sya ayon ang hinding hindi ko pagsisisihan. At yung nangyari kanina ang saya saya ko kasi nakikita ko syang nagseselos kahit na dine-deny pa nya. Alam na alam ko na ang ganong mga palusot, nagseselos talaga sya HAHAHA

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon