Fourth

1.7K 59 1
                                    

Deanna's Pov

Nag-aya si ate Bea na kumain sa isang resto grill with the ALES and sabi niya andun daw sina ate Jia ate Ly with their team mates.

So, yeah...

Pagkatapos magdrive ng ilang minuto andito na kami. Grabe, parang kami lang ang makakapuno sa restong 'to.

Pababa na 'ko ng malaglag yung phone ko kaya kailangan ko pa itong kapain. Hayst! Parang ako nalang yata ang naiwan. Yeah, coz I saw the rest of ALES sa loob ng resto na. At tama ako, napuno na nga ito. Haha!

Bumaba na rin ako para masaya. Tsaka gutom na rin ang tummy ko.

Papasok na nga ako ng may mabunggo akong babae na tila nagmamadali. Nalaglag tuloy yung...

Phone ko, oh akala niyo panga?

Pero mali, kasi nagkatitigan kami. Ang ganda niya.... Woah.

Puso ko yata yung nahulog.

"Ay naku! sorry, sorry miss. Sorry, ahm ito phone mo. Sorry ulit." Nagbow pa siya pagkatapos ilagay aa kamay ko yung phone kong nahulog. Tapos umalis na siya.

*Snap*

"Nakakatulala ba Deans?" nilingon ko si ate Bea na inakbayan ako.

"Nakakagutom ate Bei, tara na sa loob." sabi ko pa saka naunang pumasok.

I hug ate Ly and ate Jia. I missed them. Tapos pinakilala nila ako sa team mates nila kasi nahuli nga ako.

Bale, ginawa naming long table at ng magkasya kami, pero hindi talaga mapilit kaya dalawang long table ito.

"Sayang umalis na si Jema. Wala na tuloy akong taga-ihaw ng meet." Paulina said. Who's Jema?

"Oo nga, kanina lang katabi ko siya." Dugtong pa ni ate Mel.

"Parang feelings lang ah? Yung bigla nalang nawawala." Hugot pa ni ate Mich. Luh?

"Eh sino ba yung Jema?" bigla kong natanong.

"Ano ka ba, yung babaeng nagpatulala sayo sa labas. Yun si Jema." Sagot ni Ate Bea, kaya nasipa ko ang paa nito sa ilalim ng mesa, ang daldal eh.

"Nagpatulala?" Natatawa but confused na tanong ni ate Jia.

"Hindi ah. Maniwala kayo kay ate Bei. Haha."

"Sus... Indenial." Tsk balangasiyajan.

After we eat, uwi na sa ALES dorm.

Nakahiga na 'ko sa kama ko ng maalala ko si Baby. Matext nga ulit.

To : Baby💕

Hi baby, tulog kana?

*Doink*

From : Baby💕

Hindi pa, 'di kasi ako makatulog.

Ahh bakit? Kakaisip mo sakin nuh?

Uy kapal ah. Hindi nuh. ASA!

Haha! Joke lang eh.

Goodnight na nga. Tulog na 'ko.

Oh bakit? Galit ka ba? Nagbibiro lang naman ako eh. Maya kana matulog.

Eh? Inaantok na kaya ako. Bukas naman.

Bukas? Talaga?

Haha. Goodnight Baby.

Yung feeling na gusto kong sumigaw at magtatalon. Ang lakas ng impact kahit sa text lang na tinawag niya akong baby. Is that what they call KILIG? Waaahhh!! Pano ko ba 'to rereplyan? Tsaka anong ire-reply ko?

Jema's Pov

Luh? Nyare dun? Nahimatay na ata? Sa kilig. Hahaha!

Pero inaantok na talaga ako, ayoko na ring isipin yung nakabangga ko kanina sa resto.

Kasi naman! Bakit ang OA ni heart? Ang bilis ng tibok, parang first time nakakita ng cute. Samantalang araw-araw naman akong tumitingin sa salamin. Charot!

Basta! Ayoko ng hintayin ang reply ni Deanna. Bahala siya. Lols! Pero feeling ko talaga kinilig yun eh.

Anyway yung dahilan ng biglaan komg pag-alis sa resto kanina ay nakaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan. Ang sarap talagang bugbugin ng tadhana. Joke!

Kasi naman, magpapa-picture pa dapat ako kay Bea eh. Tapos makikipagkwentuhan, kaso, wala eh, ganun talaga minsan. Waahh! Ang drama lang -.-

Sleep na nga lang self.

Wrong Send, Right LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora