Fifth

1.7K 66 0
                                    

Jema's Pov

Gusto ko ng kape, so, magkakape ako.

Ayoko ng ayain si Kyle, baka paasahin na naman ako eh.

"One caramel macchiato with extra hot espresso for the Queen Falcon." Naks ! Si kwan nga pala yun, sino nga ba 'to? Basta si Kwan.

"Thanks Kwan." sabay peace sign sa kanya, at ayun nilisan niya na ang mesa ko.

*Doink!*

Okay? Haha! Ganyan ang nilagay kong notif. sound para pareho kami ni Baby. Lols!

From : Deanna

Bago ko pa man mabuksan yung mensahe ay napako na ang paningin ko sa babaeng nakatayo lang naman ngayon sa counter. Matangkad, tapos cute. Teka siya yung nabunggo ko sa resto noong nakaraan ah.

"One caramel macchiato with extra hot espresso and one slice of yema cake." Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganun? Sa dami ba naman ng oorderin niya bakit Jemacake pa? Hahaha!

Naknang ! Bakit ganun? Bakit parehong-pareho kami ng inorder? Nagkataon lang ba ito? O talagang nakatadhana kami? Charot! Erase, erase! Jema ano ka ba? May baby kana lumalandi ka pa. Ay charot lang ulit, haha!

Anyway, ito na. Babasahin ko na ang text ni Deanna.

Tara kape tayo?

Ay? Kape daw kami? Nagkakape nako eh.

To : Deanna

Sige.

*Doink*

Napalingon ako sa nasa katabing mesa ng mesa ko ng marinig ko yung sound na doink. Napatingin din ito sakin, saka parang nahihiyang napakamot sa kanyang batok.

Lintik na, pareho din kami ng notif. sound?

Hayy naku Jema, nagkataon lang yan. Wag mo ng isipin.

Deanna's Pov

Nakakahiya naman putcha. Haha! Kasi si Jema pala yung nasa kabilang table lang. Yes, naalala ko pa, sa ganda ba naman niya, bakit hindi? Pero yung tinginan niya ha. Parang na-weirduhan ba siya sa notif. sound ko.

Okay, nagreply si Baby. Sige daw. Teka, anong sige? Papayag kaya siyang makipagkita sakin?

To : Baby💕

Talaga? Payag kang magkape tayo?

*Doink*

Napalingon ako kay Jema, teka... Bakit pareho kami ng notif. sound? Eh, baka nagkataon lang. Haha! Kaya pala ang weird ng tingin niya sakin dahil parehas kami. Naeewan siyang ngumiti. Cute este maganda. Uy Deanna! May baby kana dba? So, erase that thoughts.

Hininaan ko nalang yung volume ng di niya na marinig.

*Doink*

From : Baby💕

Oo nga. Sa birthday mo. Hahaha!

Ay ang daya. Umasa pa naman ako.

Oh? Haha! Gaga.

Nasa coffee shop na pa naman ako ngayon, tapos paborito mo inorder ko. Hehe

Talaga? Wow. Nice.
Ano ba paborito ko?

Caramel macchiato with extra hot espresso and yema cake. Right?

Left. How d'you know that? Stalker ka ba?

Pano naman kita iistalkin, dko nga alam pangalan mo. Sinabi mo kaya last night.

Taray, sinabi ko ba? Haha.

Oo. Nasaan ka nga pala?

Wag ka ngang magtanong ng ganyan, feeling ko tuloy ang manyak mo.

Naibuga ko yung kape ng mabasa ko 'to. Grabe naman siya sakin. Napatingin ako kay Jema, feeling ko kasi nakatingin siya sakin. And yeah, nakataas pa kilay nito. Parang nawe-weirduhan talaga siya sakin, pero dko nalang siya pinansin.

Ito naman kasing si Baby. Nagtatanong lang kung nasaan, manyak agad?

To : Baby💕

Hindi ako manyak 😑. Sige dko nalang itatanong.

Pero nasaan ka nga? Haha

Sorry na. Haha.

Ayoko ngang sabihin, baka mamaya puntahan mo pa 'ko.

Ang daya mo talaga 😞

Bakit ikaw, nasaan ka ba?

Ayoko nga ding sabihin. 😛

Tamo. Haha!

Basta sa birthday ko, punta ka ha.

Sure, saan ba?

Saka ko na sasabihin. Hahaha!

Okay, sige. Dont worry pupunta ako.

Promise?

Nakita kong tumayo na si Jema, aalis na siya? Bakit parang ayoko siyang umalis? Pigilan ko kaya? Toinks! bakit ko nga pala gagawin yun?

--
a/n : Bakit nga ba? 😁

Wrong Send, Right LoveWhere stories live. Discover now