Kinse

1.5K 51 1
                                    

Deanna's Point Of View

*Doink*

Fr : Baby ❤️

Bb, I want milktea. Can you buy me some?

Ay wow? Siya yung may gusto tapos ako ang bibili? Ano siya sinuswerte?

*Doink*

Bb : tapos dalhin mo dito sa apartment ah.

Sige na nga. 😅

"Hoy saan ka pupunta?" Tanong ni ate Mads pagkababa ko.

"Kay Jema ate Mads." Sagot ko naman.

"Anong gagawin mo dun Deans?" Sabat naman ni Dani.

"May ibibigay lang ako sa kanya."

"Naks. Ano yun ha?" ate Bei's teasing me, tsk. May pataas-baba pa ng kilay.

"Tsk. Well, nasa kanya naman na ang puso ko. Pati buhay ko ibibigay ko na sa kanya." BOOM!

Walangya! Pinagbabato nila ako ng unan at kung ano-ano pa.

"Ang cheesy bruh." Say naman ni Jules.

"Pero seryoso, Deans. Anong ibibigay mo sa kanya?" Isa pa 'tong si Kat -.-

*Doink!*

Bb : wag na pala. Binilhan na 'ko ni Nics. We're going to Laguna nga pala. On the way na nga kami eh.

Tsk. She's going to Laguna? With that Nics? Sino ba yun? Bakit siya pa ang gustong isama ni Jema? Andito naman ako ah. Tsk.

"Deans, what's wrong? Are you okay?"-Ponggay

"Oo nga, biglang nalukot yang muka mo."-ate Jho

Honestly, hindi ko alam. Sa loob ng mahigit isang buwan, na being in a relationship with her, I never had a chance na makilala ang pamilya niya. Nakakatampo lang, hindi niya nga ata ako nababanggit sa kanila, at hindi niya din binabanggit sakin ni-isa sa family member niya.

Tumayo ako saka pumasok ng kwarto ng hindi sinasagot ang tanong ni Ponggay.

Ewan ko ba kung dapat ba akong magtampo sa bagay na yun.

*Doink*

Bb : wuy? Is there something wrong? Dka nagrereply, are you okay?

To bb : Yeah, I'm fine. Sorry kakagising ko lang.

Bb : Ahh late kana ba natulog? 10 na kaya.

To bb : yeah, I was busy lang kagabi. Dko napansin yung oras.

Bb : busy saan? Sa pakikipagtext or chat sa iba? 😏

To bb : No. I was busy thinking of you.

Bb : Sus... Yung totoo?

To Bb : Yun ang totoo.

Bb : Haha. Oo na po. Anyway, tyl b. I love you 😘❤️

Busy siguro kay Nics 😏. Hindi na ako nagreply, tsk. Makatulog na nga lang ulit.

Wrong Send, Right LoveWhere stories live. Discover now