Tenth

1.9K 67 2
                                    

DEANNA' POINT OF VIEW

"Deans, wake up. It's already 8 in the morning." panggigising ni Dani sakin. May paalog-alog pang nalalaman. tsk istorbo eh.

"Dan stop it ano ba. Inaantok pa 'ko, tsaka 8 am is not that late. Wala naman tayong training or what." sabi ko saka nagtalukbong ng kumot.

"I know, I know. But, Ate Bei said na mamamasyal daw tayo. Come on!"

"I'm not in the mood para mamasyal, kayo nalang. Magsisimba nalang ako mamaya." Sabi ko naman, I heard her sigh deeply.

"Okay, okay. I'll tell ate Bea nalang and the rest." Tapos narinig kong sumara na ang pinto. Ibinaba ko yung kumot, hindi ako makahinga.

Hindi talaga nila ako binabati, usually naman kapag may nagbi-birthday sa team, kinakantahan nila or binubulabog ng nakakarindi nilang boses habang may hawak pang cake.

Kahit man lang pancake or cupcake na nilagyan ng kandila, wala.

This is my saddest birthday ever. Even my family, wala pa 'kong natatanggap na mensahe. Dati-rati naman, pinapasabog nila ang chat box ng group chat namin. Pero ngayon wala akong notif na natatanggap even text and call. Hayst.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako. Ang tahimik lang putcha ng dorm, walang maingay na Ponggay, walang nagbabangayan na ate Jho at Ate Bei and basta, nakakabinging katahimikan.

Tinatamad akong magluto, wala man lang kasing kahit pandesal na iniwan sa mesa. Di talaga ako sanay sa ganito. Huhu. I want to cry.

Naligo nalang muna ako, sinuot ko yung binili namin kahapon ni ate Bei.

It's just a plain white shirt lang naman, and black khaki jeans tapos white converse. Simplehan lang natin. Haha

Kumain muna ako sa isang resto, gutom na gutom na talaga ako eh. After I eat, papunta na 'kong simbahan.

Lumuhod ako tapos pumikit then I prayed ng mataimtim.

I say thanks to God, because even without greetings from them, binigyan pa rin niya ako ng chance na umabot sa birthday ko. Dapat naman talaga thankful tayo sa blessing na nakukuha natin.

After that naupo nalang muna ako. Napatingin ako sa paligid, konti lang ang nagsisimba ngayon kaya naman napansin ko agad ang isang pamilyar na babae. Oh, it's Jema. Ngumiti siya ng lingunin niya ako saka kumaway. Ngumiti na rin ako saka tumango.

After that nakita kong tumayo siya, paalis na siguro siya.

Hinintay ko na munang medyo dumilim bago ako bumalik ng dorm. Tumambay lang ako sa simbahan.

At pagdating ko sa dorm ay si ate Bea lang ang nadatnan ko. Nakaupo siya sa sofa, suot niya rin yung binili niya kahapon.

"Deans andito kana pala. Ahm wait, ito isuot mo." say niya saka hinagis ang yellow shirt na may design na Batman.

"Bakit ito? Anong meron dito?"

"Stop asking just wear it. Go, go! It's getting late na." Mas maganda pa kaya 'tong suot ko kesa dito. Pero fine. Mamamasyal lang naman kami.

"Where do we go now?" She's driving her car. tsk. Dko alam kung anong nangyayare, para bang natataranta siya na ewan.

"Deans, mamaya kana magtanong. Nagddrive ako dba?"

"Bakit bibig mo ba ginagamit mo sa pagddrive?" I asked sarcastically.

"Oh, relax. Haha. Basta mamaya malalaman mo." Sabi pa nito. tsk. Kinakabahan ako na parang naeexcite na ewan! Damn this girl.

*Doink*

From : Super Girl

Yeah, nakakatawa mang isipin pero sinave ko ang number niya at ayun ang pinangalan ko.

Hey Batman! Happy Birthday. See you later.

Ano raw? See you? How? Tsk. Naiintriga na 'ko ha.

Hindi ko na nga lang rereplyan, bahala siya. Nalilito na 'ko at naguguluhan.

Huminto siya sa pagddrive sa tapat ng isang hotel. Shet ! Habang papasok kami ay lalo akong kinakabahan.

"Ate Bei, ano ba ang binabalak mo sakin? Naguguluhan nako, saan ba tayo pupunta?"

"Dito na tayo pupunta Deans." Pamimilosopo pa nito sabay smirk. tsk.

Pumasok kami sa elevator hindi ako mapakali, putcha naman oh.

"Deans relax. I'm your ate right? Hindi kita ipapahamak." sabi pa niya saka ngumiti.
"Trust me." dugtong pa niya so I just noded.

Nakakaloka naman kasi, ang sosyal naman nitong pamamasyal namin. Sa hotel talaga? hayy naku.

Parang sa pinaka-tuktok niya ako dadalhin. Pero hindi sa rooftop. Basta, basta.

At ito na nga, lumabas na kami sa elevator and tada! Pumasok kami sa sky lounge na napakadilim at ang tahimik. Feeling ko pinagttripan ako ni ate Bea eh. Narinig ko pa nga siyang tumikhim, what was that for?

---
a/n : Bitinin natin ng kaunti.. Choss!

Wrong Send, Right LoveWhere stories live. Discover now