Eleventh

1.9K 69 3
                                    

Deanna's Pov

Nakarinig ako ng tugtog, okay, I think I know this song. May umilaw sa stage, okay bakit may stage? At may babaeng nakatayo dun sa harap ng mic stand.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko si Jema. Yeah, It's Jema. What is she doing here?

Until may spotlight na tumutok sakin, nakakasilaw putcha kaya napapikit ako.

Wise men say
only fools rush in
but I cant help fallin' inlove with you

Agad kong minulat ang mga mata ko. Shet ! Nakakainlove naman ang boses niya, ang soft and sweet ng boses. At sa di mapaliwanag na dahilan, bigla nalang akong napangiti.

Shall I stay
would it be a sin
If I cant help fallin' inlove with you

My goodness , nagwawala ang puso ko. Nilingon ko si ate Bei para sa mga katanungang gusto ko ng sagot, pero wala na siya.

Parang napako na rin ako sa kinatatayuan ko. Until now nalilito pa din ako.

Like a river flows
surely to the sea
Darling so it goes
Something's are meant to be

Sa kanya lang ako nakatingin. Bilang wala namang ibang makikita dito kundi siya lang kasi nga ang dilim.

Take my hand
take my whole life through
for I cant help fallin' inlove with you

Like a river flows
surely to the sea
Darling so it goes
Something's are meant to be

Take my hand
take my whole life through
for I cant help fallin' inlove with you

for I cant help fallin' inlove with you...

Ako din Jema, hindi ko mapagilang mahulog sayo. Ugh! Why are you being like this heart? Ang alam ko kasi yung stranger na si baby slash miss wrong send ang gusto ko. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko kay Jema? Hindi naman kami close, ni-hindi nga kami gaanong magkakilala. Bakit ganito ang impact niya sakin? Oo, alam ko, everytime na nagkikita kami biglang tumitigil ang pag-ikot ng mundo ko.

Fuck this ! Ang gulo na talaga, sobrang sakit na ng ulo ko.

"Ehem! Hi. A-- alam kong naguguluhan ka, alam kong nalilito ka sa mga nangyayare at alam kong marami kang tanong. Bago ako magpaliwanag, gusto muna kitang batiin ng happy birthday." Nakangiti niyang say.

Mabuti alam niyang naguguluhan ako.

"Alam kong hindi tayo close kaya for sure nagtataka kung anong ginagawa ko dito. Oo, hindi nga tayo close in person, pero sa text even though it's kinda weird na ma-feel ko 'tong nararamdaman ko. Dba nangako ako sayo na pupunta ako sa birthday mo? Nangako ako na pagdating ng birthday mo, handa na akong magpakilala sayo. Saka ko sasabihin kung sino ako."

Nanlalaki ang mata ko habang ipinapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya. Siya yun???? Di nga???

"Hi Deanna Wong. Ako nga pala si Jema Galanza, short for Jessica Margarett Galanza. Yes, yes, the one and only. Ako yun. Ako yung tatanga-tangang na-wrong send sayo, pamilyar talaga sakin yung pangalan mo kaya dko muna sinabi ang name ko." Naglakad siya palapit at nakita kong inalalayan siya ni Bei na bumaba sa stage.

Yung gonggong na yun andun na pala sa harap. Naglakad palapit sakin si Jema at may nag-abot ng boquet ng bulaklak sa kanya. Dko masyadong nakita kong sino basta pamilyar.

Wrong Send, Right LoveWhere stories live. Discover now