Katorse

1.7K 55 4
                                    

Jema's Pov

"Jema!!!!"

Napabalikwas ako ng marinig ko ang ingay na yun.

"Yoho!"

"Mare!!"

*Knock knock!*

Hayy naku. Team mates ko ata yun -.-

Tumayo ako para pagbuksan ang maiingay na yun.

"Guys ano b--"

"HAPPY MONTHSARY!"

Luh? Ano daw? Monthsary?

What the eff!? It's our monthsary?

Tumakbo ako papasok sa kwarto ko, excited akong mabasa ang greetings niya. Pero kahit man lang good morning, wala. Hinagis ko sa kama yung phone ko. Napaupo ako sa kama.

Nakakalungkot naman, one week na nga siyang walang paramdam eh. Busy kasi ganun sa training laro, kaya di na makapagtext man lang kahit hi or hello, wala.

Tapos ngayong motmot namin, wala pa din? Ano nakalimutan agad? First monthsary namin uy! Ganito agad?

"Oh Jems, bakit?"-Kyla

"Are you okay?"-Ate Mich

"What's wrong?"-ate Ly

Parang gusto kong umiyak ng lingunin ko sila. Nakikita ko sa mga muka nila ang pag-aalala.

"Wala. Maliligo lang ako, pakitignan nalang yung ref. kung anong pwede niyong inumin." Bahagya akong ngumiti bago pumasok sa banyo.

Ang drama natin self ah. Kalma lang ha? Wag masyadong advance mag-isip.

Eh pano naman kasi? Pinalagpas ko na nga yung week na di siya halos nakakapagtext. Pero ngayon.. nakakatampo, nakakaiyak.

Buti pa nung hindi pa kami, sobrang sweet niya. Tapos ngayon? Naknang naman DEANNA. Pinaglalaruan mo lang ba ako? tsk.

Deaana's Pov

Umaga palang naligo na ako, buti napagbigyan ni coach. Hehe.

Habang papunta ako sa shop, I mean sa flower shop para bumili ng bulaklak, dko maiwasang mapangiti.

Bilis ng panahon nuh? Isang buwan na agad ang lumipas. Isang buwan na kaming official, isang buwan na pero sariwa pa din. Napaka-fresh pa din sa feeling, napakasarap.

Sabagay, one month is not that long kung tutuusin. Pero, ganun yata talaga pag masaya ka eh. Mabilis na lumilipas ang panahon.

"Para kang timang diyan." Saglit kong nilingon si Ponggay. Yes, kasama ko pala siya. I almost forgot, si Jema nalang kasi laman ng isip at puso ko.

"I know. But, Pongs... Tingin mo ba magugustuhan niya 'tong pa-surprise natin sa kanya?" Tanong ko.

"Ofcourse, why wouldn't she? Nag-effort ka kaya."

Yeah, yeah, one week kong pinaghandaan 'to. Lols! Kala mo naman magpo-propose. Hehe

Hindi kasi, sa kanya ko natutunan 'to. Na sa love, handa kang mag-effort. Gaya niya, hindi pa nga kami nun, pero nag-effort na siya.

Teka, are you asking me how? I mean kung pano naging kami? Ganito yun oh.

-Flashback-

It's kinda hot ng weather kaya naisip kong pumunta sa apartment ni Jema para sana ayain siyang mag-ice cream.

I was about to knock her door, ng lumabas naman siya. Bahagya pa siyang nagulat, tsk.

"Deanna? Ginagawa mo dito?" Tanong niya pa.

Wrong Send, Right LoveWhere stories live. Discover now