19th : Flashback

2.2K 74 36
                                    

A/n : Okay, para sa mga atat sa update-- charot! 😆 Basta para 'to sa mga nag-aabang ng update ng story na 'to, wag kayong masyadong mag-expect guys. Malamang sabaw na naman 'to. Thank you sa mga sumusuporta kahit di naman maganda 'tong story na 'to.

*Spoiler Alert*
Para din po sa mga nag-aalala na baka gawin kong masamang tao si De Leon dito, dont worry. I wouldn't do that. Crush ko yun eh, nu ba! 😂

Thanks po ulit 💞
-----

JEMA'S POINT OF VIEW

Nasa apartment lang ko today. Medj bored and sad without D.

Chineck ko yung phone ko kung nagtext na ba si Deanna. Pero waley.

*sigh*

Miss ko na siya. Ilang araw na kaming 'di nagkikita.

-Flashback-

Nagulat ako ng pagdating nga namin ni Bea ay nasa labas ng apartment ko si Deanna. Napatingin ako kay Bea, sinabi niya bang uuwi ako dito ngayon? Pero nagkibit-balikat lang ito.

"Ehem! I just came here to check if andi---" agad akong lumapit sa kanya para yakapin siya.

"I'm sorry for what happened kanina"

"Alam niyo mas makakabuti kung sa loob na kayo mag-usap." Dinig kong sabi ni Bea at nagpaalam na rin siya.

Nakaupo ako sa couch habang siya ay nasa sofa at nakatingin lang sa pader.

"I'm actually not in good term with my parents." I started the convo.

"Simula kasi ng malaman nilang babae ang gusto ko, lagi na nilang pinapakialaman ang buhay ko. Pati yung mga desisyon na ako dapat ang gumagawa, kahit ang pagpapakasal kay Adrian ay ipinipilit nila sakin, kaya madalas kaming di magkasundo." dugtong ko pa.

"Kaya pala hindi mo 'ko maipakilala sa kanila kasi alam mong hindi nila ako matatanggap." Sinabi niya yun ng hindi man lang nagbabago ang expression sa muka niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"I'm sorry B." tapos niyakap ko siya.

"So what happened next? Bakit kayo magkasama ni De Leon? Nasaan yung kotse mo?" tanong pa nito. I look into her eyes, but she just looks away.

Umayos ako ng upo. She needs to this rin naman.

"B, nagpaalam na 'ko sa parents ko. Dko alam kung kailan ulit kami magkikita, o kung magkikita pa ba kami." Ang sakit pa din pero pinigilan kong maiyak.
"Sobrang nasasakal na ako sa kanila, sa kung pano nila 'ko tratuhin. Pagkaalis mo kanina nag-impake na ako agad. Ang malas nga lang at pumutok yung gulong ng sasakyan ko, so tinawagan kita pero si Bea yung sumagot, and pinuntahan niya ako dun. Nasa pagawaan ngayon yung sasakyan ko." Tumango lang siya.

Ang tahimik niya after at di man lang ako tinitignan.

"Baby galit ka pa ba?" tumayo ako saka lumuhod sa harap niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Gusto ko lang malaman mo na halik mo lang ang kinasasabikan ko. Yung nakita mo kanina, dko naman ginusto yun. Tsaka alam mo kung gusto ko si Adrian baka nga kasal na kami ngayon, pero hindi dahil kahit konting pagmamahal na higit pa sa kaibigan ay wala akong nararamdaman para sa kanya. Ikaw lang ang laman at tinitibok ng puso ko."

Tumayo ulit ako.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. At kung hindi mo pa 'ko mapapatawad, naiintindihan ko rin." Hinalikan ko siya sa noo bago ako dahan-dahang naglakad palapit sa pinto ng kwarto ko.

I was hoping na tatawagin niya ako at sasabihin niya ang mga salitang gustong-gusto kong marinig mula sa kanya. Pero hindi, ngayon ko lang narealize na mataas pala ang pride niya.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 14, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Wrong Send, Right LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora