18th

1.7K 66 24
                                    

Deanna's Pov

"Okay. Hindi ka namin pipilitin na magkwento. Pero tandaan mong nandito lang kami para sayo." Ate Bei said bago pa sana sila umalis ng kwarto namin.

Ayoko sanang ipaalam pa sa kanila. Pero obvious naman kasi na galing ako sa pag-iyak.

"Ang sakit guys. Yung siya dapat ang isusurprise ko, pero ako yung nasurprise." Nagsisimula na namang mamuo ang bwesit na luhang 'to.

Nagkatinginan naman sila saka tumingin sakin and maybe naghihintay sa susunod ko pang sasabihin.

"Naabutan ko siyang may kahalikang lalaki." Nagulat sila sa sinabi ko. Well, sino ba namang hindi dba?

But yeah. You read it right. I saw Jema and dko kilala yung guy. Basta naghahalikan sila. Putcha! Alam niyo yung masakit? Dun pa talaga sa bahay nila and sa harap pa ng parents niya. Pano niya nagawa yun? Ano, hindi man lang ba alam ng parents niya na kami? Na may girlfriend siya? What the fuck!

Galit ako pero mas nananaig yung sakit. Ang sakit sakit lang.

"Alam mo Deans, ang tanga mo." Lahat kami ay napatingin kay Ponggay.
"Umalis ka dun ng hindi man lang pinapakinggan ang paliwanag niya. Tapos ngayon, iiyak iyak ka diyan. Oo, masakit yun alam ko. Pero lalo kang masasaktan kung utak mo lang yang papakinggan mo."

"Oo nga naman Deans."-Dani

"Tsaka Naka-public ang relasyon niyo, imposibleng di yun alam ng parents niya."-Ate Mads.

"At pano nga naman kung yung guy ang nag-initiate nung kiss?"-Ate Jho

Fuck! Lalo atang sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi nila.

"Mas higit mong kilala si Jema kesa samin. Sa tingin mo ba magagawa niyang magloko?"-Kat

Hindi ako makapagsalita. Bakit nga ba ang bilis ko siyang hinusgahan? Bakit hindi ko muna inalam kung bakit yun ang nadatnan ko?

Pero maiisip ko pa ba yun? Nasaktan na ako sa nakita ko eh. Sino bang hindi? Sinong hindi masasaktan kapag nakita mo ang taong may kahalikang iba, at hindi ko lang siya basta girlfriend. Siya yung taong pinakamamahal ko, so how?

Gusto kong sumigaw. Putcha! Hindi ko na alam.

Dahil hindi ako makatulog nagpunta nalang ako sa rooftop.

Jema's Pov

Nasa byahe ako pabalik ng Manila ng biglang pumutok ang gulong ng sasakyan ko. Kaya huminto ako sa gilid ng kalsada.

Dko maiwasang di maiyak habang inaalala yung nangyare. Dko kasi ma-reach ang number ni Deanna.

Ang bilis niya namang magalit, hindi niya man lang ako pinakinggan. Dko naman siya masisisi, nasaktan siya sa nakita niya. Masakit para sakin na makita ko yung sakit sa mata niya.

-Flashback-

Pangalawang araw ko na sa Laguna. Okay naman nung dumating ako kahapon, medyo nag-usap naman kami ni papa. Kinamusta niya lang ako, tapos nung sinabi kong ayos naman, done na. Si mama naman, di ako pinapansin. Tsk. Kaya ayokong umuwi dito eh. Pinilit lang ako ni Mafe -_-

*Knock knock!*

Di pa man ako tumatayo para pagbuksan yun ay pumasok na si Mafe.

"Ate andiyan sila Adrian."

"With?"

"With them. I mean, parents niya. Ininvite ata ni papa." Aish.

John Adrian Robles

Wrong Send, Right LoveWhere stories live. Discover now