Otso

1.7K 63 1
                                    

Deanna's Pov

1 week before my birthday, were okay na with my team mates.

Mahirap naman kung nasa iisang team kami, pero di kami okay.

Pero hindi na gaanong nagba-bond. Panay training and games. Bumalik na 'ko sa dorm, hassle kasing bumyahe everytime may training. Traffic pa.

Wala pa din kaming cummu ni Baby. tsk.

Sobrang miss ko na talaga si Baby.

Is it possible? Na mainlove sa isang tao na totally and completely stranger.

Ngayon ko sobrang narerealized na mas namimiss ko siya, at mas lalo akong naiinlove sa kanya.

Kasulukuyan akong nasa kwarto, nakahiga habang nakatitig sa kisame. Ng bigla nalang nag pop up sa utak ko ang muka ng isang napakagandang babaeng yun.

That feeling na napabilis niya ang tibok ng puso ko, at sa sandaling yun napahinto niya ang pag-ikot ng mundo ko. Yung feeling na parang may kakaiba sa kanya. Yung feeling na nararamdaman ko tuwing katext ko yung stranger na yun. Yung feeling na parang special siya sa puso ko.

Sino ba yun? Si Jema Galanza, the Queen Falcon. Naalala ko pa nga nung nasa UAAP pa siya, nagkaroon ako ng chance na mag-staredown sa kanya. That feeling na kinilig ako.

Yung feeling na gusto ko siyang i-follow sa social media, at ayain siyang lumabas. Pero hindi ko ginawa, kahit hindi ko pa kilala si Baby magiging loyal at faithful ako sa kanya.

Anong feeling ba yun guys? Normal ba yun?

Ang pino-problema ko lang ngayon ay kung pano ko pa siya iimbitahin sa birthday ko. Hello one week nalang oh.

*tok* *tok*

I saw my team mates sa labas ng kwarto. Nagtinginan sila bago pumasok. Bumangon ako.

"Deans, we ahm.. Sorry." Dani said.

"Deans sorry talaga. Ako ang may kasalanan kasi ako yung nakialam sa phone mo." lumapit sakin si ate Bei saka hinawakan ang kamay ko.

"And Deans, alam na namin yung tungkol kay baby. Kaya para makabawi, nag-ambagan kaming lahat para palitan yung phone mo." Sabi naman ni Ponggay.

then she handed me a box na nakabalot sa isang gift wrapper.

"Open it Deans." nakangiti pang sabi ni ate Mads.

So binuksan ko ito. Okay naman siya, maganda. Mukang mamahalin.

Kaya lang useless pa rin naman 'to dahil wala nakong number ni baby.

"Thank you guys. I appreciate. Thank you talaga." sabi ko naman. Kahit naman may kasalanan sila sakin, dko sila matitiis lalo na't nakikita ko naman ang effort nila.

Jema's Pov

Malapit na ang birthday ni Deanna kaya sinama ko si Ate Jia and ate Ly sa mall. Total bibili din naman sila ng gift para sa kanya. Magpapatulong na rin ako kung anong pwedeng ibigay sa kanya.

"Nung nakaraan nga pala, nagkita kami ni Bea sa isang resto. Sabi niya they're not in good terms daw with Deanna." Kwento ni ate Ly. She knows about the story na nga pala. About me and Deanna even without US. Charot!

"Bakit daw?" Ate Jia asked. Tumingin naman sakin si Ate Ly.

"Nasira daw kasi nito ang phone niya, I mean hindi naman sadya dahil pinag-agawan ito ng team mates niya at nahulog sa floor, ang malala pa dun ay naapakan pa nila. So yun ang dahilan kaya nasira." Natuwa naman ako sa kinwento ni ate Ly.

Nakahinga nako ng maluwag dahil hindi naman pala siya nagsawa kaya di na nagparamdam. Nasira ang phone nito kaya ganun.

Pero pano mo masasabing hindi siya nagsawa? Shut up self!

Sabi ni ate Ly and ate Jia mahilig daw sa Batman si Deanna. So bibigyan ko siya ng joker. Charot!

Meron akong naiisip na magandang regalo para sa kanya. Basta-Basta.

Wrong Send, Right LoveWhere stories live. Discover now