Chapter 1: Meet her

68.8K 735 20
                                    

(*) Same POV/ Fast forward
(*****) Another's POV/ Other happenings
(***) End of chapter

Chapter 1

"HOY VIRGINIA! NASAN NA YUNG BAYAD NIYO NG NANAY SA UPA NIYO!"

Sigaw ng isang matandang babae sa labas ng inuupahang maliit na apartment ni Joey. Si Jann Virginia Perez o Joey, na lahat ng bagay gagawin para sa nanay niyang may sakit.

Nilabas niya ang matandang babae na kanina pa katok ng katok at sigaw ng sigaw sa labas ng pinto nila, di niya na ito matiis. Sa totoo lang wala siyang kahit magkanong pera ngayon dahil wala pa ang buwanang sahod niya, yung sweldo naman niya nung nakaraang buwan ay nagastos na niya para sa gamot ng kanyang nanay.

"Pwede ba aling Maan! Wag naman kayong sumigaw, magbabayad naman ako eh."

Sigaw ni Joey. Si Joey yung tipo ng tao na hindi nagpapaapi kahit kanino kahit alam niyang wala na siyang kayang ipagmalaki ngayon tanging ang pinag-aralan lang niya.

"EH NASAN NA NGA YUNG BAYAD!"

Sigaw ng matandang babae na kulang na lang ay lumuwa ang mata dahil sa pandidilat niya kay Joey.

"Misis, here's the rent for the whole year, so please shut your mouth."

Isang matipunong lalake ang biglang dumating, na kahit sino pag nakita siya ay mapapanganga, di lang nganga baka nga maglaway pa ang iba.

Nakasuot siya ng isang pang-amerikano na bagay na bagay sa kanya, nakataas din ang kanyang buhok na kulay brown pero natural ito. Suot niya rin ang isang relo na panigurado libo-libo ang halaga.

Agad namang umalis ang matandang babae at ngumiti ito kay Joey at sa lalakeng dumating.

"Vince, sabi ko naman sayo ako ang gagawa ng paraan diba?"

Medyo naiinis na sabi ni Joey at pumasok siya sa loob ng apartment na tinutuluyan niya, sumunod naman si Vince.

"Joey, I am your boyfriend. It's my responsibility. I ought to take care of you and your mother, so don't worry baby."

Maya-maya pa ay niyakap na siya ng mahigpit ni Vince, sa dalawang taong pagiging magboyfriend nila sobrang kilala na nila ang isa't-isa. Alam ni Joey na si Vince na ang nakatakda para sa kanya, mahal na mahal nila ang isa't-isa.

*****

"Hoy besty, kamusta naman kayo ni Vince?"

Tanong ng kaibigan ni Joey sa kanya na si Johanna, napakaingay at napakadaldal ni Johanna na naging dahilan para maging magkaibigan sila ni Joey. Since grade 1 ata madaldal na ito.

Nasa office sila pareho, ibig sabihin parehas sila ng kompanyang pinapasukan, isa itong kompanya ng perfume na sikat na sikat sa buong mundo. Kapag meron ka ng pabangong ito, malamang sa malamang mayaman ka.

Tiningnan lang ni Joey ng masama si Johanna, padating na ang isa pa nilang kaibigan na si Kristen na kung makalakad, kala mo ay model ng napkin.(wahahaha! Why napkiiin?)

"We are fine, mahal ko siya mahal niya ako tapos ang kwento."

"Eh naisuko mo na ba ang bataan ha?"

Singit naman ni Kristen na ngayon ay todo make-up sa sarili, kala mo ay model ng foundation at lipstick.

"Saka na, pag kasal na kami. Promise, isusuko ko ang bataan ng buong-buo. Walang labis walang butas. Ahahahahahaha!"

Ganyan sila magkwentuhan, tama kayo ng pagkakabasa, Joey is a virgin. Pinangako niya kasi sa sarili niya na sa taong mapapangasawa lang niya ibibigay ang virginity niya, sobrang big deal nito sa kanya kaya di pa niya ibinibigay kay Vince.

"Eh paano yan baka maghanap ng iba ang fafa Vince mo niyan, tagal niya ng walang sex life besty."-Johanna.

"Hahanap talaga yun ng mapaglilipasan ng l*b*g, eh pano kasi ang besty natin Virgin, kaya nga Virginia ang pangalan niya eh."-Kristen.

Napaisip si Joey sa pinagsasasabi ng dalawa niyang kaibigan.

"Naku, hindi siguro. Vince is different, mahal niya ako. I know that, kaya I don't need to worry guys."

Sabi na lang ni Joey pero yung totoo naguguluhan siya, maaari kasing tama ang mga kaibigan niya, lalake si Vince may mga pangangailangan.

"Joey! Besty tawagan natin hindi guys! Ilang beses ko na bang ipinapaalala sayo yun?"-Kristen.

"Okaaaay! Oo na besty, para naman tayong mga kindergarten."

Ipinagpatuloy na lang ng tatlo ang trabaho nila habang walang sawa sa pagkwe-kwentuhan.

Parehong nanggaling sa magandang pamilya at kilalang pamilya si Kristen at Johanna, kaya sa 'twing alam nilang pwede silang makatulong kay Joey tumutulong sila.

***

Now playing On bended knees. Gusto ko lang i-share, ahahaha! Thanks for reading. Comment kayo kung gusto niyoooo :)))
-kathycarrot26

A Night with the Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon