Epilogue

42.7K 495 315
                                    

May ilang araw ng nakahiga si Sebastian sa kama, he is still unconcious. Nasa tabi niya si Joey at si Vince. Hindi siya iniwan ng dalawa, nagpapalitan lang sila sa pagababantay kay Sebastian.

Bumukas ang pinto at biglang dumating si Vanessa. Nakatingin lang siya kay Sebastian na ngayon ay nakahiga sa hospital bed. Nakasuot siya ng puting damit.

Unti-unting lumapit si Vanessa kay Sebastian at hinawakan ang mukha nito. Nag-uunahang pumatak ang mga luha mula sa mga mata niya.

The atmosphere is unpleasant. Parang hindi mo gugustuhing makita ang mga taong mahal mo na sobrang nalulungkot at kulang na lang ay magsuot ng mga itim na damit.

"Hey, Sebastian! Wake up! F*ck you! Nakakainis ka naman eh, sige na gumising ka na. I will cancel the marriage, gumising ka lang. Hahayaan ko na kayo ni Joey...Promise...just wake up. Babe."

Nakatungo lang si Vince at si Joey. Na parang ayaw madinig ang mga sinasabi ni Vanessa dahil alam nilang kahit anong gawin ni Vanessa ay walang mangyayari.

"Sebastian! Ano ba?! Wake up now."

"Stop it, wala ka ng magagawa Vanessa."

Bulong ni Joey. Hindi siya makapaniwalang sinasabi 'yon sa kanya ni Joey. Dahan-dahan siyang tumungo at hinalikan sa noo si Sebastian. Mahal niya si Sebastian kahit alam niyang ang mahal nito ay si Joey.

"Hey...why are you kissing me?"

Nagulat sila ng madinig ang boses ni Sebastian na ngayon ay gising na at nakangiti. Parang walang iniindang sakit, pero halatang hindi pa maayos ang lagay niya.

"Sebastian!"

Masiglang bati ni Vanessa, at niyakap siya. Hinayaan lang naman niya, pagkatapos niyang madinig ang lahat-lahat ng sinabi ni Vanessa dapat lang talaga na magising siya.

"I have heard what you said, kaya gumising na ako."

Ngumiti siya. Tumingin siya kay Vince at ngumiti, bigla siyang niyakap ni Vince and tapped his back. They are brothers, they should love each other. Sino pa bang magtutulungan? Syempre ang magkapatid.

"Hold her tight."

Bulong niya kay Vince. Vince just clenched his jaw, and just say a phrase habang nakayakap siya kay Sebastian.

"You are not dying..."

Pinigilan na lang ni Vince ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata niya at hindi na lang umimik, this is their moment at kailangang makapag-usap ni Sebastian at ni Joey.

Nung humiwalay na si Vince, kay Joey naman siya ngayon tumingin at ngumiti. He loves her a lot, lahat-lahat gagawin niya para kay Joey. Hindi siya nagsising nakilala niya ang dalaga.

Mabilis na yumakap sa kanya si Joey at umiyak na naman. Vince smiled bitterly, hindi niya alam kung ngingiti ba siya o hindi. Hindi niya maipaliwanag kung ano ba ang dapat maramdaman sa sitwasyon na 'to. Nasasaktan siya at the same time nalulungkot. Bakit ba kailangang mangyari 'to?

Hinawakan ni Vince ang kamay ni Vanessa at lumabas silang dalawa sa room. At saka bumuhos ang mga luha ni Vince, this is not happening. Sana panaginip na lang ang lahat ng ito.

Going back in the room, magkayakap pa rin ngayon si Sebastian at si Joey. Iyak pa rin siya ng iyak, at ngayon ay humihikbi na siya. Hindi siya makapaniwalang kinakausap niya na ulit si Sebastian. Ang lalakeng mahal na mahal niya ngayon.

"I thought you would die..."

Humiwalay na sila sa pagkakayakap at tiningnan ang mata ng isa't-isa. Walang humpay ang pagtulo ng luha ni Joey kahit alam niyang okay na ulit si Sebastian.

A Night with the Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon