Chapter 20: A birthday maybe

22.8K 356 17
                                    

Vince Sebastian De Silva

"Hey, ahm. Sorry, basta sorry. I didn't mean to say those words. Ahahaha! I hope kumakain ka ng tama, para di ka na magkasakit. Lagi kang mag-iingat lalo na sa masasamang tao. I hope maging masaya ka this Christmas at ngayong birthday mo. Happy Birthday Sebastian and Merry Christmas. Hohoho!"

Nang madinig ko yung record niya dito sa teddy bear na hawak ko ngayon napangiti ako at natawa, she is impossible. Bakit niya ba ito ginagawa, pasko ngayon pero mag-isa lang ako sa bahay.

Ang ganda ng pasko ko grabe, nawala ang kompanya ko sa akin. They betrayed me, na-reject ako. Ano pa kayang susunod?

Biglang nagring yung phone ko kaya sinagot ko naman agad.

"I have heard that you lose your company?"

Oh, f*ck my cousin.

"Sharmaine? My goodness."

"Nasa tapat ako ng unit mo. Open it."

Dali-dali naman akong pumunta sa pinto at binuksan yun, pinatay ko ang phone ko dahil biglang yumakap sa akin si Sharmaine.

We are too close, parang si Ate Venice mas matanda rin siya sa akin anak siya ng kapatid ni Mom. Si Tita Kim.

May dala siyang isang box ng cake at ice cream. Kahit kasi malaki na ako ewan ko ba gustung-gusto ko pa rin ang ice cream.

Bumitaw na siya sa akin at inilagay sa dining table yung dala niyang pagkain.

"Happy Birthdaaaaaaaaaaaay!"

Sigaw niya, halos mabasag ang eardrums ko. She pinched my cheeks and kissed me on my lips.

Naglabas ako ng wine alam kong gusto niya kasi yun, she's different. Virgin pa kaya yang pinsan kong yan, she deserved to be respected kasi mabait siya.

Ipinaglagay ko siya sa isang glassware pati ako syempre at sinindihan niya yung mga kandila na nasa ibabaw ng cake. This woman, nakakainis siya. Akala ko pa naman mag-isa lang ako ngayon.

"Wish naaaaa!"

Sigaw na naman niya.

I wish na makapagsimula ako ulit kung hindi man sa business kahit saan okay na ko. Basta okay, saka sana mahalin niya ako. Ahahaha! Kahit alam kong imposible sana mangyari. Thank you.

I blew the candle light.

"Ano wish mo?"

Sobrang curious niyang tanong.

"Sana magkaboyfriend ka na. Ahahahaha! Syempre yung matino."

Ngumiti ako sa kanya at kinurot yung ilong niya, she is so pretty. Kamukha niya si Christine Reyes, kilala niyo yun?

"After Ron, ayoko muna Seb."

Saka para siyang biglang nalungkot, uminom siya at nagsalita ulit.

"By the way, hmm. What's your plan?"

"Bahala na, I saved a lot of money in the bank. Hindi ko lang matanggap na nawala agad sa akin yung kompanya."

"Tss. I know you, kaya mo yan. Try being a model gaya ko."

"Let's see."

Kumain at uminom lang kaming dalawa, kwentuhan at tawanan. Sobrang saya niya pa ring kasama kahit alam naming dalawa na may pinagdadaanan ang isa't-isa.

Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Vanessa. What the f*ck may gana pa siyang pumunta dito at magpakita sa akin?! Antibay rin naman niya!

Nung makita niya si Sharmaine ngumisi siya at parang nang-aasar.

They don't know each other, at wala akong balak ipakilala ang pinsan ko sa kanya. No need!

"Babe, sino naman siya? Bagong babae mo na naman?"

Sabi ni Vanessa, she is using her flirty tone na kinainis ko.

"Go away. Habang hinahayaan pa kita at habang nakakapagtimpi pa ako."

"Sebastian, I guess you have some conflict with her. Dapat muna sigurong umalis na ako."

Sabi ng pinsan ko, hinawakan ko ang kamay niya at pinisil.

"Kung may aalis dito ngayon, hindi ikaw yun."

Ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin siya sa akin pabalik. Sh*t, I do know her kung anong gagawin niya. Iiwanan na naman niya ako sa ganitong sitwasyon at hahayaan akong harapin 'to mag-isa.

"Bye."

At hinalikan niya ako sa pisngi ko. Haaaays. Girls are so messy, pampagulo lang sila sa buhay ko.

Nang makalabas na si Sharmaine tinext niya ako.

Handle it yourself Seb.

I Just replied...

You are always like this -_-

Umayos ako ng upo sa couch at di pinansin si Vanessa, she is possessive. Playing and loving is two different thing. Naaalala ko pa yun nung makipag-usap siya sa kapatid kong masahol pa sa halimaw.

"I brought you a gift."

Tumabi siya sa akin at ipinakita yung dala-dala niyang box na nakabalot sa isang mamahaling lagayan.

"I don't need that."

Sabi ko sa kanya at tumayo na mula sa pagkakaupo, if she wanted to stay here then stay. Basta ako aalis at iiwan ko siya, I can't stay here with her.

Bago pa ako makalakad hinila niya na ako kaya napasubsob ako sa kanya, buti na lang nakahawak ako sa sandalan at nakaya ko ang sarili ko na hindi bumagsak sa kanya.

Nakatingin lang siya sa mga labi ko, and I smirked.

"I trusted you. Pero sinira mo, Vanessa alam mong ang ayoko sa lahat yung ginag*g* ako, ang galing mo eh. Nakuha mo pang magpakita sa akin."

Sinabi ko yun habang nasa ganun pa ring posisyon, hindi ko mapigilang di mapatingin sa dibdib niya, her dress is too revealing kaya napalunok ako. Umayos ako ng tayo at uminom uli ng wine.

"You can't leave me like this Sebastian, don't forget that I am a good actress. I can merely ruin your life."

This time siya na yung nakasmirk.

She ruined her lipstick and messed her hair. Medyo ibinaba niya yung strap ng dress niya at tumingin sa akin.

"Oh. F*ck, don't tell me... Ah sh*t. Vanessa!"

Ngumiti siya sa akin at mas ginulo ang sarili niya.

"Sabihin mo kung mag-aact na ba ako, I am ready."

"T*ng *n*! Ano ba gusto mo?"

Nakakainis, I know what she is going to do! She will pretend that I am attempting to rape her! And it is f*ck*ng annoying!

"Just stay with me."

Kaya eto umupo ako sa katabi niya, yumakap siya sa braso ko at sumandal sa balikat ko.

"I want to hurt you now. You are too much, nawala ang kompanya ko sa kagagawan mo."

Unti-unting pumapasok yung kamay niya sa loob ng t-shirt ko kaya medyo naturn-on si bespren.

This is not me, yung nagpapa-under sa isang babaeng ginugulo ang buhay ko.

Napapikit ako at tumingala. I bit my lower lip at hinawakan ang kamay niya. Kung hindi ko yun pipigilan isa lang ang pupuntahan namin, sa kama.

"Vanessa, tapusin na natin 'to. I am tired being a hero or icon in your own game. Stop playing with me, please."

"I am not yet finish babe."

Hinahalikan niya na ako ngayon sa leeg ko at maya-maya ay pumunta na sa mga labi ko. I want to end this, diba dapat galit na galit ako? Pero bakit ganito? Di ko magawang saktan siya at magalit sa kanya!

Tumayo ako at lumabas ng unit ko. Hindi ko alam kung saan ako mapupunta pero gusto ko lang mag-isip.

***

A Night with the Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon