Chapter 11: Why oh Why?

29.4K 438 19
                                    

Lauren Old there :D



Chapter 11

Jann Virginia Perez

Anong oras na pero wala pa rin yung manyak na yun, may meeting kaya siya ng 8 am eh 7:30 na. Kumatok ako sa room niya pero walang sumasagot kaya binuksan ko yung pinto.

My goodness! Di man lang marunong maglock ng pinto, yung totoo? Bobo ba siya? Dumiretso ako at eto siya nakahubad at nakahiga sa kama niya sobrang gulo nung kama at obvious na nakipag ano siya.

Iniwan siguro siya nung babae, may nakita akong note na nakadikit dun sa sidetable malapit sa kama.

I've had a great night with you Mister De Silva even though we didn't have sex, I've enjoyed your company. I hope we will meet soon.

-Lauren Old

Lauren Old? My favorite actress! Siya yung kapatid ni Mhaegan Old. Oh my goodness. Ano ba talagang meron sayo monster?

Natutulog pa rin siya ansarap niyang buhusan ng kumukulong tubig para magising eh. Ahahaha!

"D-don't. N-no, it's not my fault."

Lumapit ako sa kanya, he is dreaming I guess. Pawis na pawis siya sobra, t-teka. Hinipo ko ang noo niya pati pisngi. SH*T! Sobrang init niya, anong gagawin ko?!

"S-sir! Anong nangyayari sayo?! Gumising ka na."

Iminulat niya ang mga mata niya at parang sobra siyang nilalamig kaya ibinalot niya sa kanya lalo yung kumot, tumayo ako at pinatay yung aircon. Tumawag ako ng doctor na andito sa hotel.

"Miss your boyfriend is overfatigue, siguro hindi na siya nakakakain minsan dahil sa trabaho niya. You should persuade him to eat always, hindi porke at malaki ang katawan niya di na siya magkakasakit. Alagaan mo siya hija."

"Hindi ko siya boyfriend doc."

"Naku, basta alagaan mo ang gwapong lalakeng ito. Bihisan mo pati siya, painumin mo rin siya ng gamot every after four hours."

"Salamat doc."

Umalis na yung doctor, tumawag muna ako sa mga investor at sinabing may sakit si sir kaya i-cancel muna yung meeting.

Bigla naman siyang nagising, he is trying to stand up pero ni-umupo di niya magawa. Hirap na hirap siya parang sobrang pagod na pagod talaga siya, nakakaawa rin pala siya.

Hindi ko siya tinulungang tumayo, kailangan niyang magpahinga eh.

"Sir, wag ka ng tumayo. You should rest."

"F*ck, what about the meeting."

Lumapit ako sa kanya at pinahiga siya, kinumutan ko siya at ginulo yung buhok niya. Masaya pala pag may sakit siya eh, he is so weak.

"Tinawagan ko na sila, sabi ko may sakit ka sir."

"I badly need those people, kahit anong mangyari kailangan mapapirma sila sa kontrata Virginia."

"Yeah, but for now magpahinga ka muna."

"Call Cloyd papuntahin mo siya dito."

"Para saan?"

"Siya ang magbabantay sa akin."

"Andito naman ako ah, bakit pa? Babantayan kita."

"You don't understand! Just call him."

Aba, ang kapal ng mukha mo ah? Ayoko nga bahala ka diyan sa buhay mo, tawagan mo mag-isa si Cloyd. Saka bakit ba?

"Call him now..."

A Night with the Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon