Chapter 14: Behind Him

27.8K 388 16
                                    

Nagulat si Joey, pagpasok niya kasi sa office ni Sebastian nakatopless ito at may babaeng may kung anong nilalagay sa likod niya. Halatang nagulat din si Sebastian sa pagpasok ni Joey.

"You can live now, thanks."

Sabi niya dun sa babae at lumabas na, nahalata niya ang pagtataka sa mukha ni Joey kaya nagsalita siya.

"She's a dermatologist. My back is aching and she said it is a sunburn. Kapag daw masakit lagyan ko lang nitong cream."

"Ahhh."

Umupo na si Joey sa pwesto niya, kakaiba kasi talaga yung pwesto niya. Diba dapat ang secretary nasa labas ng office ng boss niya? Pero yung kay Joey nasa loob.

Tumayo si Sebastian at kinuha yung polong nakahang malapit sa kanya, hindi mapigilan ni Joey ang sarili niya na tumingin sa katawan ni Sebastian.

Nakapagbihis na agad si Sebastian at lumapit sa kanya.

"Hey, Janjan. I need your report tomorrow. Enjoy your day ha? Mag-ingat ka."

At saka lumabas si Sebastian, saan ba siya pupunta yan ang tanong ni Joey sa sarili niya. Saka parang iba ngayon si Sebastian sa kanya, parang mabait. Simula pa yun nung nasa Aklan sila eh, may itinatago siguro sa kanya si Sebastian.

Nung umuwi siya galing Aklan di siya makapaniwala dahil ibang-iba na yung bahay nila parang di na ito yung apartment na binabayaran nila kasi sobrang ganda na.

Pumunta rin siya sa bangko para magbayad sa pagkakautang ng pamilya niya pero nagulat siya nung nabayaran na raw lahat ng 50 million na utang ng pamilya niya.

Yung totoo? Sino ba ang gagawa ng lahat ng yun? Maaga siya pumasok para sana itanong kay Sebastian kung siya ba ang nagbayad ng 50 million, sobrang laking pera nun. Pero nadatnan niya itong may kasamang babae.

Siguro sa susunod na lang siya itatanong kay Sebastian dahil umalis ito at hindi niya alam kung saan ba siya pupunta.

*

Pumunta si Sebastian sa bahay nila, ayaw niya sanang pumunta pero gusto siyang makita ng mom niya pati na rin ng ate niya. Gustung-gusto raw siyang makita ng anak nito na si Bree.

Since birth kasi hindi pa nito nakikita si Sebastian, Bree is a 5 year old girl na sobrang kulit at matalinong bata.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay nila ay niyakap siya ng mom niya, sobrang namiss niya ang mom niya. Kaya niyakap din niya ito pabalik.

"I missed you son."

Sabi ng mom niya.

"Nagkita naman tayo last time mom."

Umupo sila sa couch at ipinaghanda niya ang anak niya ng isang masarap na cake, he loves sweets alam na alam yun ng mom niya, which is contrast with Vince. Vince hates sweets.

"How are you Seb?"

"Mom, I am fine. I am still handsome, how about you?"

She pinches his nose. Hanggang ngayon para pa ring bata si Sebastian kapag kasama ang kanayang mommy, sobrang close kasi sila at nung pinaalis siya ng daddy niya papuntang States, ang mommy lang niya ang nangangamusta sa kanya.

"Eto pabata ng pabata. Ang laki-laki mo na Sebastian, parang dati gustung-gusto mong binubuhat kita at ginagalaw yang buhok mo para makatulog ka. You have grown up my son."

Ginulo ni Madam Diana ang buhok ni Sebastian.

"Mom, you are still the prettiest woman in the world for me. Wag kayong mag-alala."

A Night with the Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon