Chapter 19: He is so miserable

24.1K 367 10
                                    

Jann Virginia Perez

Magkikita kami ng mga besty ko, kaya eto ngayon nag-aayos ako. Day off ko naman eh, saka nagsabi ako kay Vince. They are so mapilit kaya eto napapayag nila ako, ang balak ko pa naman magpahinga.

Nung maayos na ako, nagpaalam na ako kay mama at lumabas na sa bahay namin, sumakay ako ng jeep at pumunta sa isang mall kung saan kami magkikita-kita.

Andami raw nilang ikwe-kwento sa akin, ako rin naman maraming ikwe-kwento sa kanila. Namiss ko kaya sila, pano ba naman kasi simula nung sa De Silva Company na ako nagtrabaho di na kami uli nagkita.

Biglang may nagbayad sa jeep, isang libo yung pera inabot ko naman at ibinigay ko sa driver. Eh pano ba naman kasi katabi ako nung driver at may pagitan kami na isang tao nung nagbayad. Tumingin ako dun sa nagbayad, I thought it was... Ahhh. Nevermind.

Mabilis naman ang naging biyahe kaya nakarating agad ako sa mall na pupuntahan ko.

Andaming tao ngayon, ay! Oo nga pala, kasi malapit na magChristmas! Wohooooo! I need to buy some gifts.

Agad kong hinanap yung dalawang bruha at nakita ko naman sila agad.

Niyakap nila akong dalawa, parang medyo malungkot sila na di ko maintindihan di naman kasi sila ganyan kung masaya sila naku, ang ingay niyang dalawang yan.

"Do you have a problem?"

Tanong ko agad sa kanila.

"VS will be gone soon."

Sabi ni Johanna, napatunganga na lang ako. So wala na silang trabaho?

"Wala na kayong work?"

"Meron pa rin pero 1 month na lang, after noon ini-recommend kami ni sir sa isang kakilala niyang presidente rin ng kompanya."

"Yun naman pala eh."

"Pero si sir, he is miserable. Kukunin lahat sa kanya ng bangko, hindi na nga siya pumapasok sa opisina eh. Andun lang lagi siya sa bahay niya, wala na siyang gana ipaglaban yung kompanya."

Bigla akong napabuntong-hininga, bakit naman kasi agad-agad? Biglaan ang pagkalugi ng kompanya niya.

"Ano bang dahilan?"

"Lahat ng mga investor nagpull out. Sabi sa chismis, Vanessa Luis asked them to do it and some other say that it is Vince who has planned it."

Napailing na lang ako, di yun magagawa ni Vince sa kapatid niya mismo he is good at walang gagawing masama sa kahit sinong tao. I know him very well.

"Hayyys! Wag niyo na nga yang isipin. Mall na lang tayo!"

Sigaw ko sa kanila, kaya hayun kumain muna kami bago magshopping.

Lagi naman kami ditong kumakain eh, favorite fastfoodchain kasi namin 'to, bata pa lang kami dito na kami kumakain, napatingin silang dalawa sa akin.

"Tell us the truth! Sinong nagbigay niyan?!"

Sigaw ni Kristen sa akin, kaya napatingin ako sa bracelet na suot ko. Eto yung bigay sa akin ni Sebastian.

"Bakit, anong meron dito?"

"Bigay yan ni Vince no? Sabi kasi nila may legend daw yang ganyang bracelet, once na may nagbigay sayo niyan it's either mahal na mahal ka or pwede ring gusto kang makasama habang buhay."

Napatingin ako sa bracelet na suot ko ngayon, totoo ba yun? So he loves me? N-no. Pano mangyayari yun? Eh ilang buwan lang naman kaming nagkasama ni Sebastian.

"Nakakakilig naman si Vince mooooooo!"

"Sebastian gave me this bracelet."

Pagkasabi ko nun, parang nanlaki ang mga mata nilang dalawa at kulang na lang ay lumuwa ito. Hindi ba sila makapaniwala? Ahahaha!

A Night with the Virgin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon